It should be my outdoor vacation but anxiety visited me so all of my plans are ruined
I really hate the fact that i am physically strong but mentally and emotionally weak
Nakapikit akong nakaupo sa gilid ng van katabi si Zach na nakasandal sa balikat ko
Papunta na kaming Airport pauwi ng Manila
Hindi na kami inihatid nila Blythe dahil itutuloy daw nila ang pag i island hoping kaya nagpahatid nalang kami sa Van ng hotel
"Ma'am andito na po tayo" Sambit nung driver
Iminulat ko ang mga mata ko at tinanguan siya kaya lumabas na siya para ata ilabas yung mga gamit namin
"Hey honey" Pag gising ko sakanya at pinapalo ng mahina yung pisngi niya para magising
"Yes honey?" Nakangisi niyang sagot sakin, gising pala ang hinayupak
"Ay honey" Napamulagat kong sabi saka tinulak paayos ng upo si Zach
Patay malisya kong kinuha yung shoulder bag ko at tinanggal ang Airpods saka binalik sa bag ko kasama ang cellphone ko
"Honey, huh" Nakangisi siya habang ginagaya ang tono ko kanina
"Hoi iiwan ka na ng eroplano puro ka pa kaharutan" Pilit wasiwas ko sa topic niya
Nangingisi lang siyang nag ayos ng gamit niya kaya lumabas na ako para tignan ang maleta naming dalawa
"Salamat kuya" Nakangiti kong paghingi ng pasasalamat kay kuyang driver
"Walang anuman, Madame" Nakangiti niya ding sabi
"Ay hala, nako kuya wag na Madame" Nahihiya kong sabi dahil halata namang halos taon lang ata yung ikinatanda niya sakin
Nakaramdam ako ng kamay na dumadausdos sa bewang ko at naamoy ko kaagad ang pabango kaya nalaman ko kung sino nang hindi ko nililingon
"Kuya, take here" Nag abot si Zach kay kuya ng 1 thousand na agad inilingan ni kuya
Natatawa kong tinignan si Zach na ang seryoso ng mukha kaya pinalo ko siya sa braso at nilakihan ng mata
"Kuya take it na, ganyan talaga yan napaka seryoso" Natatawa kong sabi kay kuya
"Pero Ma'am" Nahihiyang sabi ni kuya
"Pang meryenda nalang ng family mo kuya" Nakangiti kong sabi at hinablot ang pera kay Zach saka inilagay sa kamay ni kuya
"Nako Ma'am Sir, maraming salamat po" Nakangiting sabi ni kuya
"No, kami dapat ang mag thank you, safe kaming nakarating dahil sayo" Sabi ni Zach at ngumiti kay kuya
Kinalas ni Zach ang pagkakahawak sa bewang ko at kinuha na ang maleta naming dalawa
Gumilid na din ako para maibaba na ni kuya ang pintuan ng compartment ng sasakyan
"Happy and Safe trip Ma'am Sir" Nakangiting sabi ni kuya
"Thank you" Sambit ko at tinanguan siya ni Zach saka siya pumasok sa sasakyan at pinaandar to nagbusina pa nga ng dalawang beses kaya natawa ako
"Let's go?" Tanong ni Zach sakin na nginitian ko at tinanguan
Medyo gumaan yung pakiramdam ko nung nakainom na ako ng gamot at nung nalaman kong hindi ako iisang babalik sa manima kasi kahit na saglit lang yung byahe from Boracay to Manila e nakakaboring

YOU ARE READING
GETTING OVER YOU
RomanceLet me introduce a girl named Shawntell Carrel Flores Ang babaeng kahit kailan ay hindi pinili kung pag-ibig ang pag-uusapan Magbago kaya ito? Pipiliin ba siya ng kanyang tinatangi? O baka kailangan pa niyang hintayin ang panibagong buhay para pil...