Some of the best moments are never captured by cameras and not posted in any social media platforms
"HON, LOOK at this" Zach walked towards me to show something
Binaba ko na ang updates sa upcoming long mission namin next month kaya kailangan kong pag aralan ng mabuti yon dahil ako ulit ang captain na isasabak nila
Lumingon ako sakanya at tinignan ang pinapakita niya saakin
"Anong gagawin ko jan?" Kunot nuo kong tanong
He laughed and showed me the picture in his wallet
Napakunot nuo ako ng makitang pamilyar ang nasa picture, kinuha ko sakanya ang wallet niya at nilapit pa sa mukha ko ang picture para makita ko ng maayos
It's me! Goodness
"Guess who's that cute little girl, hmm" Malambing niyang tanong
Lumipat siya sa likod ko at inakap ako ng mahigpit
"Of course, sino pa bang cute nung bata at maganda pag laki?" Natatawang balik tanong ko sakanya
"Hmmm? Sino kaya yun?" Mala curious niya din kunong tanong sakin
"Who else? It's just me" Buong confidence kong sabi "Shawntell Carrel Flores"
I smiled at him and fold his wallet to give it back
"Nah" Pailing iling nitong sabi
Taas kilay ko siyang nilingon bago inirapan
"Nah your face" Pataray kong sabi
Padabog kong kinuha ang report na binabasa ko kanina at nag umpisa na ulit magbasa
He smile widely at me but i just rolled my eyes to show that i am annoyed
"It's Shawntell Carrel Flores Bautista, Hon" Ngising aniya
"Heh! Magtigil ka jan, may kasalanan ka no?" Pamimintang ko sakanya
"Nanlambing lang may kasalanan agad?" Sambit niya na para bang may hinanakit saakin
Inirapan ko siya niligpit na ang mga highlighters ko
"Oo bakit?" Mataray ko paring tugon at pilit tinatago ang kilig na nararamdaman
Sinapo niya ang dibdib niya at paawang tumingin sakin
"Grabe ka naman" Paninisi pa niya "Sa gwapo kong to?"
Ngumiwi naman ako sakanya bago inilagay sa shoulder bag ko ang mga gamit ko
"I'll go home na, you should sleep too" Sambit ko at isinusuot ang sapatos
Pabagsak siyang sumalampak sa sofa at nagladlad doon
"Bakit kasi hindi pwede sa condo niyo para hindi ka na umuwi ng late ako nalang yung uuwi?" Inarte pa niya
Natatawa ko siyang tinignan at hindi nadadala sa pang aawa niya
"Bakit mo muna pinag sasagot ng ganon si Blythe? Yan tuloy hindi ka makapasok sa building ng condo namin" Paninisi ko
Itinali ko ng bun ang buhok ko at sumunod din ng upo sakanya sa sofa
YOU ARE READING
GETTING OVER YOU
RomanceLet me introduce a girl named Shawntell Carrel Flores Ang babaeng kahit kailan ay hindi pinili kung pag-ibig ang pag-uusapan Magbago kaya ito? Pipiliin ba siya ng kanyang tinatangi? O baka kailangan pa niyang hintayin ang panibagong buhay para pil...