CHAPTER SIX

73 7 0
                                        

Time check, it's 9:00 in the morning and we are waiting for our service


Maga island hoping ata kami ngayon, 3 ata or 4 islands yung bibisitahin namin ngayong araw kaya excited nako


Naka black bikini ako ngayon, sa ilalim ng boho dress ko, masakit nga daw sa mata bat naka yellow pako pede namang cream, eh pake ba nila ako mag susuot e


Nakaupo kami sa kubo sa dalampasigan nang may malakas na tunog ng paparating na bangka sa pwesto namin kaya nag si ayos na kami ng tayo


Sinalubong na namin yung driver ng bangka, may iniabot yung kasama niya kay Blythe na vest at ipinamahagi na ni Blythe yon kaso hindi nakarating saakin at naubusan din siya kaya bumalik siya kay manong driver para manghingi pa ng extras


"Pasensya ka na hija, iyon kasing kasamahan ko nabutasan siya ng vest kaya pinahiram ko muna, mukha kasing magpipictute taking sila para sa kasal" Mahabang paliwanag samin ni Manong kaya nagbagsakan balikat namin


Pero okay lang, may susunod na bangka pa namang papunta sa parehas na ruta at parang pag unawa nalang namin iyon sa ikakasal lalo na at nag magandang loob lang naman si Manong

"Ay nako Manong, okay lang yon, saglit lang Manong kakausapin ko sila saglit para pagusapan kung sino ang maunang sasakay" Blythe smiled at Manong


Humarap samin si Blythe at naglakad papalapit pa


"Ano, sino papaiwan? Dapat dalawa" Tanong niya samin at inayos ang buhok niya


"I volunteer, ako naman yung hindi naabutan e" Nag volunteer nako, magtuturuan lang naman sila dito e


I can wait dZuh? Sanay na akong maghintay, char


"Ako na din pala, mauna na kayong mga lalaki" Blythe cling on my shoulders


Nagkatinginan naman yung mga lalaki


"No, dalawa kayo maiiwan? Parehas kayong babae" Ani Nathaniel na ikinakalas ng braso ni Blythe saakin


"County Agent ata kame" May halong pagmamayabang na sabi ni Blythe na tinawanan nila John at Charles


"Maiiwan nalang din ako, Blythe, sabay ka na sakanila" Naglakad papalapit sakin si Zach at mahinang itinulak si Blythe saka iniabot dito ang vest


Naguguluhan naman akong napatingin sakanya, seryoso kaya to sa mga desisyon niya sa buhay?


"Seryoso ka jan?" Tanong ko na nahimigan niya ng hindi pagseseryoso


"Nagloloko ako, Clown ako e Shawntell, Clown" Pambabara niya sakin


Babatukan ko sana pero nahawakan niya kamay ko, epal, wala na


"A very big thank you, Zach" Nathaniel formed a smirk, which made me roll my eyes


"Island hoping? Here we come!" Kanya kanya silang takbo papalapit kay Manong


Inilalayan sila na makasakay nang maayos sa bangka saka ito pinagana


Nag uumpisa na itong mawala sa paningin ko nang may humila saakin


"Balak mo atang magpasunog dyan e" Saka niya ako binitawan nung makarating na kami sa may duyanan sa gilid lang mismo ng kubo


Inayos niya yung nakatuping duyan at iniladlad yon para maupuan o mahigaan


GETTING OVER YOUWhere stories live. Discover now