It's been a week since i saw them
Bumalik na ako sa trabaho dahil naboring na ako sa bahay
Nasanay na siguro ako ng puro trabaho kaya hindi na ako ma tino sa bahay
Akala ko kasi ay adventure ang sasalubong sakin sa leave ko, pero ayun problema
Hinahanap hanap na ng katawan ko yung trabaho, kaya pinasave ko nalang yung iba
Wala pa akong balita sa kung anong nangyari kay John dahil hindi pa naman siya nagpaparamdam
Si Blythe naman kasama ko lagi sa trabaho pero hindi kami makapag usap ng matagal dahil busy na din sa upcoming project
Pag kauwi namin dito sa bahay natutulog nalang kami, nag didinner nalang kami sa cafeteria ng HQ or mag re restau kami
Nakakapagod din kasi yung trabaho namin, tho hindi physically but mentally drained
Kaya ayaw ko ng pumasok bilang Office Agent, nakakabaliw, hindi ko alam kung pano nakakayanan ni Blythe yon
Na kung ako ay araw palang ang itinatagal sa office ay nababaliw na ako sa kapal ng mga papel, matalino naman siya kaya bet na yon
Mag fa five o'clock na at mag a out na kami ni Blythe pero hindi pa namin napapag usapan kung saan kami mag didinner dahil sobrang hectic nga ng sched
Umayos na ako ng upo galing sa pag kakasalampak ko sa swivel chair ko at inayos ang shoulder bag ko, nag umpisa na akong mag retouch dahil nahulas na ang make up ko sa buong maghapon
Light make up lang nilagay ko at kapag sinabi kong light make up face powder, blush on, at liptint lang yon
Hindi naman ako ganun kagaling sa make up at hindi naman pag momodel ang pinasok kong trabaho kaya hindi ko kailangan non
Tumayo na ako at pumunta sa finger print station para mag out
Pagka tap ko ng thumb ko ay siyang gulat ko naman ng makita ang pangalan ni Blythe sa ilalim ng pangalan ko
Inikot ko ang tingin ko dito sa main station at napakunot namna ng nuo dahil hindi ko siya makita ni anino manlang niya
Napukol ang tingin ko sa elevator na kakabukas palang at kasabay non ang paglabas niya ng taas nuo kaya napangisi ako
Ewan ko ba jan parang timang hindi ko alam ang plano niyan sa buhay niya, pa easy easy lang amp
Taas kilay at taas nuo parin niyang iniikot ang paningin niya sa lobby na mukhang may hinahanap
Lumiwanag ang mukha niya ng makita ako at ngingiti ngiti siyang lumapit saakin, hinalikan pa niya ako sa pisngi bago isinabit ang braso niya sa braso ko
"Saan ka nag out?" Tanong ko sakanya
"Investigation Department" Sagot niya na hindi pa din tinatanggal ang malisyosong ngiti niya
Nakaka takot si Blythe pag gumaganyan siya dahil sa ngisi palang niya ay mapapansin mo ng may masamang balak siya
"Ano nanaman yang iniisip mo ha Blythe?" Nanunuri ko siyang tinignan
Itinaas niya lang ang dalawang kamay niya at umakto na para bang inosente
"Nah," Sagot niya na nakataas padin ang dalawang kamay
YOU ARE READING
GETTING OVER YOU
RomanceLet me introduce a girl named Shawntell Carrel Flores Ang babaeng kahit kailan ay hindi pinili kung pag-ibig ang pag-uusapan Magbago kaya ito? Pipiliin ba siya ng kanyang tinatangi? O baka kailangan pa niyang hintayin ang panibagong buhay para pil...
