Fall's POV
Nagising ako ng madaling araw dito sa hospital. Naiihi na ako kaya bigla na lang ako nagising. Dahan dahan akong bumangon baka kasi sumabit yung IV ko sa kama, pagkatayo ko napatingin ako sa sofa ng hospital room ko.
"Andito pa pala siya," mahinang sambit ko. Nakita kong nakahiga sa sofa si silver. Lumapit ako sa kanya. Naka tiklop siya sa sofa, mukhang nilalamig siya. Hays. Sino ba kasing nagsabi na dito siya matulog? Tsk.
Lumapit uli ako sa bed ko at kinuha ang isang kumot dun. Dalawa kumot ko rito kasi si ate kaireen kanina nadala siya ng isa pa, dito kasi sana siya mag ssleep kaso sabi ko nga gusto ko mapag isa, kaso biglang sumulpot tong babaeng to.
Ikinumot ko kay silver. Inayos ko rin ang buhok niyang gulo gulo sa mukha niya. "She looks really tired." bulong na sambit ko. Ano kaya ginawa nito at parang pagod na pagod?
Hays. Bahala na. Iniwanan ko na siya at ginawa na ang business ko. Bago ako mahiga uli sa kama, sinilip ko uli si silver at napangiti. Well, I feel atleast a little at ease kapag kasama ko siya.
After a few hours, nagising na lang uli ako sa ingay na naririnig ko. Dahan dahan uli ako bumangon, diko alam kung bakit pero automatic na napatingin agad ako sa sofa kaso wala ng tao dun. Nakaalis na siya?
"Oh, you are finally awake. Here, your breakfast." sabi ni ate. Ang maingay pala na andito ay si ate.
"Where's silver?" tanong ko.
"Silver? Bakit, andito ba siya?" balik na tanong ni ate sakin. Napatingin naman sakin si snow na nagbabasa ng dyaryo habang nakatayo malapit sa pintuan.
"Oo, bigla na lang siya sumulpot kagabi rito na mukhang pagod na pagod. Dito siya natulog, nakita ko pa nga siya kaninang madaling araw na nakahiga sa sofa eh." sabi ko naman habang kumakagat sa sandwich na inalok sakin ni ate kanina.
"Ah, bakit naman daw na andito siya? Eh kanina pagka dating namin ni snow dito, ikaw lang ang nadatnan namin. Weirdo ng bata na yon," sabi ni ate na ikinatawa ko naman. True, may pagka weird nga yung babaeng yun.
"Maybe she left early. We have class you know," sabi naman ni snow. "Speaking of, I gotta go too." paalam niya at kumuway samin ni ate. Kahit kailan ang cool talaga ni snow.
--
Silver's POV
BINABASA MO ANG
The Mafia Princess' Girl
General FictionIm Silver Ash Gin. The previous bad ass queen of Canda Academy. Im a mafia princess, my father is a president of a white mafia. Who is an affiliate of Kent Group of Companies. Im a playgirl, bully, and a certified bar hopper. Not until I saw this b...