Episode 3: First Mission

669 32 2
                                    

Fall POV



Kahapon natapos ang unang meeting namin ng mga kent. Nakakatawa pa nga kasi inakala nila snow na anak kami sa labas ni tito richard. But anyway, andito na kami sa mansion ng mga Kent.




Sinabihan kami ni ate na dito na lang daw kami tumira since pag mamay ari rin naman namin ito. Ngayon ko lang nalaman na, NAPAKAYAMAN pala talaga ng mga Kent. Ay, kent na nga pala ako ngayon.





Napakadami nilang katulong dito, mga servants and butlers. Parang makakampante ka talaga na walang kung anong adik o lasing na kakalampag sa pintuan dahil protektado ka.





Ni lead kami ni snow sa kwarto namin ni ate. At halos matanggal panga ko sa laki nito. Halos 10x bigger sa tinutuluyan namin sa tenament. To think na kwarto ko lang ito at hindi ito ang buong bahay, wow.





Tinour din kami ni tita, asawa ni tito richard sa buong mansion. Halos maligaw ligaw ako nung naiwanan nila ako sa sobrang mangha ko. Medyo luma na ang mansion pero almost every 2 year, pinapa renovate nila ito. 3 generations of Kent na ang tumira sa mansion noon.






Andito ako school, scholar pa din ako syempre kahit Kent na ako. Ayoko maging normal na studyante lang na nagbabayad ng tuition kahit mayamam na kami kasi pinaghirapan ko ang maging scholar dito.






Kaso di pa rin ako sanay kasi hinatid kami ng butler namin ni ate dito sa school. Yes, may sarili na kaming butler ni ate. Every Kent daw merong butler at sila ang nakatoka sa proteksyon namin.







Pero dahil biglaan ang pangyayari, na naging Kent kami is hindi pa na muna namin pinapaalam sa iba. Kaya yung sasakyan kanina, pinahinto ko na medyo malayo sa entrance ng school. Baka kasi anong isipin ng ibang studyante sakin.





At bullyhin na naman ako.







Naglalakad ako ngayon papuntang library, inagahan ko ang pagpasok para makapag basa dun, may kailangan kasi akong tapusin na project.





"Oh?" nagulat ako ng makita ko yung babaeng nangbully sakin noon. Si silver. Ms Lopez ang tawag sa kanya dito pero I know na hindi yun ang totoo niyang apelyido.




I mean, ms lopez ang tawag sa kanya kasi yun ang surname ng mother niya na nasa ibang bansa. Nobody knows who her father is. Pero Gin ang totoong surname niya talaga.




Instead na sa shortcut ako dadaan para mapadali pagpunta ko sa library, lumiko na lang ako sa ibang daanan. Ayoko na makasalubong si silver sa hallway, baka kung ano pang mangyari sakin.





Pagkaliko sa ibang daan, tsaka naman nakita kong umalis si silver sa dapat na dadaanan ko. May kausap siya sa phone and mukhang stress siya. Napangiti ako.








Mukhang aalis naman na siya, dito na uli ako sa shortcut dadaan. "Hoy,"


"Ay putek!" halos mapatalon ako sa gulat ng makita ko si Silver sa isang gilid. Akala ko ba umalis na to?!





"Putek?" napalunok ako ng lumapit siya sakin. Hindi ko siya nakita kanina na gumilid pala siya, aish!





"S-sorry." sabi ko. Ayoko ng gulo please!





"Kararating mo lang ba?" seryoso niyang tanong sakin. Napakalapit niya sakin at napaka seryoso ng tingin niya sakin.





"Uh, o-oo. Kakarating k-ko lang."



The Mafia Princess' GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon