(This is way back nung umuwi si silver from states and ready to be a badass queen din nung mga time nila summer and snow. After their first meeting nila ni fall and snow, READ THE SUMMER MELTS THE SNOW first!)--
Silver's POV
What the heck is that? She's way more scary than my father. Wtf.
"Sabi sayo eh. Si snow na ang badass queen dito sa academy." sabi ni kathy.
"I know, sinabi mo na yan sakin kanina. Tsk, ayaw ko pa naman sana makabangga ng ganito kaaga si snow, bwisit kasi yung nerd na yun!" inis na sabi ko.
Huminga ako ng malalim tsaka kumalma. Habang nasa states ako, tinuruan ako ng tatay ko kung paano kontrolin ang temper ko since I am really a hot-headed person.
Konting nakakainis na pangyayari lang sa araw ko, badtrip na ako maghapon. At yung inis ko na yon, natutuon ko sa iba kaya nakakapang bully ako o kaya naman nambibimwit ng lalaki.
Anyway, introduction nga pala muna. Ako si Silver Ash Gin. And Im a Mafia Princess. My father, Ryuji Gin is a co-founder of a certain White Mafia. And he's the big boss of it. Ang pinaka founder talaga ng mafia na yon ay ang mga Kent.
Kaya nga ayoko sana na makabangga muna si snow because apparently, she's my father's boss. Future boss to be exact since siya naman ang magmamana ng kumpanya nila bukod sa kuya niya at ate niya.
As I was saying, ang mafia na kinabibilangan ng tatay ko ay gawa ng mga Kent. Ginawa ito ng mga Kent para kalabanin ang mga nasa Black Mafia.
Black Mafia is a kind of mafia na gumagawa talaga ng masasama. And karamihan sa black mafia, galit sa mga Kent. I dont know why pero yun ang dahilan kaya nabuo ang White Mafia.
Kami ang incharge sa security ng mga Kent. Kami ang nag proprotekta sa kanila ng palihim laban sa black mafia na gusto sila sirain. And, we are offering different services din sa ibang tao o kumpanya.
Like, kung gusto nila ng proteksyon pwede sila humingi samin ng tulong kapalit ng malaking halaga. Don't get me wrong, wala na sa mga Kent ang services na yon, nasa tatay ko na yon. It means, hindi nakikinabang ang mga Kent sa kinikita nila papa sa mga services nila as long as it is good.
What I mean by good is, kaya tinayo ng great grandfather ni snow ang White Mafia is hindi para gumawa ng masasama. Kabaliktaran ng black mafia ang mafia namin. It still involve killing and such, but ginagawa lang namin yun kapag alam namin na sobrang sobra masama ang papatayin namin o kakalabanin namin.
Plus, tumutulong din ang white mafia kasama ang Kent sa pagtulong sa mga nangangailangan. Sort of a foundation din. But anyway, yun na yon.
Im the only heir of White Mafia. So tinatawag nila akong Mafia Princess. Hindi ko alam kung kilala ako ni snow as their mafia princess but sabi ni papa, hindi pa daw eto ang oras para sabihin sa kanya.
"Uy ash, okay ka lang? Kanina pa kita kinakausap, oras na ng klase." sabi ni kathy. Natauhan lang ako nung kinalabit niya ako.
"Okay tara na." sabi ko na lang. Nakapamulsa na naglakad ako papuntang room. 1st top section ako, pero naka belong ako sa isang special class.
Pagpasok ko sa room, nagulat ako ng andun yung nerd na babae na nakasalubong ko at bumangga sakin kanina. Napangisi naman ako.
It's payback time baby,
---
Fall's POV
Napatingin ako sa bagong pasok sa klase namin. Patay, nanlaki ang mata ko ng makita ko ang ngisi ng babae na yun sakin.
Hays, nailigtas nga ako kanina ni snow tapos di pa pala ako makakatakas sa babaeng to. Nakapamulsa siya at dare-daretso siyang pumunta sa direksyon ko.
Nataranta na napatingin ako sa katabing upuan ko. Eto na lang ang upuan na available. W-which means, dito na lang ang available na pwesto, w-which means ...
"Nagkita pala uli tayo, nerdy." nanindig balahibo ko sa bulong niya sakin after niya umupo sa tabi ko. Sa empty na upuan. Napalunok naman ako.
"W-wag m-moko istorbohin." nabubulol na sabi ko. Inayos niya lang saglit pagkakaupo niya sabay ngiti sakin. Yung ngiting nakakatakot.
"Don't worry, Im not gonna bother you again. Ayokong makabangga na naman si snow." sabi niya sakin.
Bahagya naman akong nagulat. Snow? Bakit ayaw niya mainvolve kila snow? Kay snow?
"Anyway, im silver ash gin. Nice to be your acquaintance." nilahad niya ang kamay niya sa harapan ko.
T-teka, tatanggapin ko ba yung kamay niya? I- I mean makikipag kamay ba ako? Napalingon ako sa paligid at lahat sila nakatingin samin.
I guess I don't have a choice. Dahan dahan na inabot ko ang kamay niya para makipag kamay, "N-nice to meet y--"
Di pa natatapos sasabihin ko ng bahagya niya akong hinila hanggang sa magkatapat na ang mukha namin.
"Let's have a beautiful high school days, shall we?"
BINABASA MO ANG
The Mafia Princess' Girl
Ficción GeneralIm Silver Ash Gin. The previous bad ass queen of Canda Academy. Im a mafia princess, my father is a president of a white mafia. Who is an affiliate of Kent Group of Companies. Im a playgirl, bully, and a certified bar hopper. Not until I saw this b...