Episode 10: The sound my heart is making

376 26 4
                                    

Silver's POV 


"Can you keep a secret?" tanong ko kila nerd at sa ate niya. 


"Hoy, anong ginagawa mo?!" rinig ko naman bulong ni fred sakin na pinipigilan ako sa kung ano man sasabihin ko sa kaila. Pero diko na lang ito pinansin at nagpatuloy sa pagsasalita. 


"Ano yun?" tanong naman ni ate kaireen. 


"Uhm.. Actually, we-we are cousins. Yes, cousins." pagsisimula ko. "And uhm, ever since nag start yung vacation natin sa school nag vacation na rin kami rito sa hawaii. Actually we are in Kauai hawaii and ayun.." nag iisip pa ako ng idadahilan ko ng sumingit si fred. 



"Snow contacted us actually, and since malaki yung distance from Kauai hawaii to here, natagalan kami makarating."  sabi ni fred. 


"Eh ano naman isesecret namin dun? Tsaka isa pa, baka nakakalimutan mo, nakapatay ka ng tao." sabi ni nerd. Napalunok naman ako ng laway ko ng di oras. 


"Uh.. m-my dad is a former commander ng US Marine. And ever since bata ako, maybe around 5 years old? Tintrain niya na ako ng kung ano anong paraan sa paglaban. Including sa paghawak at pag shoot ng baril." dahilan ko uli. 


"Ah.." sabi nilang dalawang magkapatid na parang may pagdududa pa sa mga mata nila. 


"Tsaka isa pa, I am trained okay? So nung nakita ko na inaapi nung lalaki si snow plus ikaw ay tumatakbo, I have no choice kundi kumilos. Besides, may intent to kill rin naman yung mga lalaki na sumugod sainyo kanina." sabi ko. 


Si fred naman ay tumango tango sa gilid ko. Nung nakita ko na sa mga expressions nila na satisfied na sila sa sagot ko, tsaka lang ako nakahinga ng maluwag. 


"Kung hindi kami dumating, edi kung napano na kayo kanina." dugtong pa ni fred. Tumango tango naman sila nerd. 


"Tsaka, yung nakita niyo kanina. Kalimutan niyo na lang, alam ko na mahirap pero you need to. Baka mahirapan kayo makatulog kung iisipin niyo ng iisipin yung nangyari." sabi ko pa. 


Gusto ko lang na sabihin yun kasi alam ko yung nararamdaman nila. Until now, ramdam ko pa din ang takot at kaba nila mula sa nangyari. Kanina nakikita ko pa kung gaano manginig ang kamay ni nerd. 


They all seem so scared. 


Well, kahit na sino naman. Ako noon nung unang observation ko sa field at nakakita ako ng tunay na bakbakan in reality, halos ilang araw akong hindi nakatulog. Na overcome ko lang yun dahil na rin sa mentality training namin, pero syempre diko pa rin makakalimutan yung pakiramdam na yun dahil first time eh. 



"Sa tingin mo makakalimutan namin yung nangyari? Sinugod kami ng mga kalalakihan na may mga dalang baril at handa kami patayin para lang makuha nila yung piece ng necklace na bigay ng tatay namin. Ano ba kasing kailangan nila dun?" sabi ni ate kaireen. 

The Mafia Princess' GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon