Episode 13: Underground Fight

344 16 3
                                    

Fall's POV


"Where are you going? Maaga pa ah?" tanong ni snow sakin. 


"Im going to silver, sabay kami papasok." sagot ko sa kanya habang nag sasapatos. Nagmamdali na kasi ako baka ma late kami ni silver. 


"Why?" simpleng tanong ni snow. 


"I heard some noise I mean, para siyang may sakit or parang may masakit sa kanya nung katawagan ko siya kanina kaya medyo worried lang ako at susunduin ko siya. Tsaka bawi ko na rin sa ilang beses niya akong niligtas," sabi ko. 


Tumango tango lang si snow sakin kaya ngumiti ako sa kanya at nag paalam na. Sumakay na agad ako sa sasakyan namin at sinabi ang address ni silver sa driver namin. 


--


After a few minutes, nakarating na rin kami sa villa ni silver. First time ko rito kaya nanlaki ang mata ko dahil malaki at maganda ang villa niya. Makikita ko kaya parents niya? Anyway, bumaba na ako ng sasakyan at nag doorbell sa gate nila. 


"Wala bang tao?" nakailang doorbell na ako wala pa rin sumasagot. Kaya tinawagan ko na si Silver mismo. 


*Cellphone Ringing*


Ilang segundo pa bago pa sumagot si silver sa tawag ko kaya medyo iritado akong sumagot. 


"Hello? Andito na ako sa harap ng villa niyo," iritable kong sagot. 


"Huh? Ah okay sige sige, sandali lang." sagot niya. Halata sa boses niya na nagmamadali siya. Kagigising nya lang ba?


"Pwede ba pumasok? Nauuhaw na ako eh." palusot ko. Gusto ko lang makita loob ng villa niya. I don't know why. Na curious ako bigla.


"Huh? Ah okay okay, sorry, iopen ko na yung gate." sagot niya. Pinatay ko na agad ang tawag at maya maya lang bumukas na automatically yung gate. Sinenyasan ko ang driver namin na papasok kami kaya agad na akong pumasok uli ng sasakyan. 


Nang nakapasok na kami sa loob ng villa niya, agad kong napansin ang parang gym na kitang kita mula sa labas. Mukha ngang malaki ang villa niya, may gym pa sa loob eh. 


"Pasok ka." sabi ni silver na balot na balot. Naka hoody siya habang naka mask naman siya. Eh ang init init ng panahon tapos naka hoody siya? 


"Anong meron sayo? Bakit balot na balot ka?" tanong ko sa kanya habang papasok sa villa niya. Umagaw agad sa pansin ko yung living room nila, na napaka luwang pero may pagka minimalist yung dating. Napaka simple pero maayos naman tingnan. 


"Ah, wala. Medyo may sipon kasi ako kaya nilalamig ako." sagot naman ni silver. "Ah, dito yung pa kusina." sabi niya pa. 


Pasimple ko naman siyang sinundan. "About yesterday, what's with the scream?" biglaang tanong ko sa kanya. I got really worried yesterday. Her scream is just..too much. I feel like she's in pain. 

The Mafia Princess' GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon