Chapter 21

91 2 0
                                    

HAYILAH

“Oh my god!” reaksyon nilang tatlo nang makapaosk ako sa loob ng condo ni Klare. Parang mga tanga.

“Para kayong, mga siraulo,” pabirong reaksyon ko sa kanila. At, sabay-sabay kaming umupo sa couch ni Klare. “Ano ba meron? Bigla-biglaan kayong nag-i-invite?”

“Ewan ko ba dito kay Klare,” reaksyon ni Victoria habang kumakain ng chips. “Hindi ako pumasok sa shift ko ngayon, ah, bayaran mo ako.”

Inirapan siya ni Klare, “Heh! Yoko nga!” Singhal niya.

“Buti nga, nag-aya si Klare, e,” saad ni Trisha. “Pupunta akong Palawan bukas. Nakaka-stress si Daddy.”

“O, diba ayaw mong pumunta don?” tanong ko sa kaniya.

“Wala akong choice,” saad nito. “Mawawalan ako ng gold card.”

Natawa kami sa sinabi niya. “Kasi,” kinikilig na sabi ni Klare. Itinaas niya ang kaliwang kamay niya at ipinakita niya sa amin ang singsing na nasa daliri niya.

Hindi naman siya hinintay na makapagsalita at agad na lumapit sa kaniya. We squealed when we saw the ring. Kinuha namin ang kamay niya para suriin namin tatlo ang singsing.

“You guys didn’t notice?” tanong niya.

“I don’t,” Victoria answered.

“Ano 'yan engagement ring? Or promise ring?”

“Promise ring lang muna ngayon,” saad ni Klare.

“Kailan pa?” mahina ko siyang binatukan. “Last time lang, may pa-fake fake pa kayong nalalaman, ah.”

“Fake sila?” Tanong ni Victoria.

Trisha tch-ed, “Hindi ka kasi sumama nung nag-beach kami, e, kaya wala kang ka-alam alam.”

Victoria pouted, “E, paano puno ang schedule ko non.” Tumingin ito sa direksyon ni Klare, “Fake pala 'yon, akala ko totoo. Lalo na nung niligtas ka ni Dandreb sa interview.”

Kumibit balikat siya, “Di ko nga rin alam, e,” she said while looking at the ring, “Ang bilis nga ng mga nangyayari, e, it’s like a blink of an eye.”

Umirap si Trisha, “Anong mabilis, e, halos anim na buwan din yon, ah.”

Natawa kaming lahat sa sinabi niya. It’s true, halos kalahating taon din ang mga nangyari. I know what Klare felt, parang ilang oras lamang ang lumipas.

“Teka, kukuha lang ako ng beer at pwedeng ma-kain sa ref, nakakahiya naman sa inyo,” saad ni Klare.

“Mahiya ka talaga, nag-aya ka, e,” saad ko.

Tumayo siya at pumunta sa kusina. “Klare, buksan namin TV mo, ah,” saad ni Victoria habang i-no-operate ang TV.

“Sige!” sigaw ni Klare mula sa kusina.

Tumayo si Trisha, “Teka, tulungan ko lang 'yon, baka makalaglag pa.”

Tumango lang kaming dalawa ni Victoria at nakatingin sa TV. While watching at the television, my phone blings, kinapa ko ang bulsa ko at binuksan kung sino ang nag-notif sa phone ko. It’s from Rosh;

From: Husband
Hope you’re having fun. I love you.

Napangiti ako. This guy know how to make my heart beat triple times.

To: Husband.
I am. I love you, too ;)

“Sana all,” bulong ni Victoria. “Kailan kaya ako makakahanap ng ganyan?” she pouted her lips.

Red Lips | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon