Chapter 22

113 1 0
                                    

HAYILAH

Nanakit ang mata ko nang matapos kaming manood nina Klare, Trisha at Mahreah Masama ata na nanonood ako nang matagal.

"Ang sakit ng likod ko," saad ni Klare habang kinakapa ang likod niya.

"Paano, hindi nakaayos ang upo mo," reaksyon ni Trisha.

Inirapan niya ito, "Okay ka lang, Hayilah?" Tanong niya sa akin.

Tumango ako, "Yes, okay lang ako." I sighed, "H'wag kayong mag-alala. I know that my husband won't do it."

Ngumiti sila, "Naol."

"Matawagan nga bebe ko," saad ni Klare.

Trisha sighed, "Makipagarrange marriage kaya muna ako bago pumunta sa Palawan? Nakakainggit."

Natawa ako, "Loka, hindi kaya madali." Saad ko, "ang hirap mag-tiwala."

Nagkwentuhan kami sa iba't ibang bagay. Si Victoria ay may dalawang trabaho kada-araw buti na lang daw ngayon ay tapos na ang second shift niya. Si Trisha naman daw ay pinipilit ng tatay niya na pumunta muna sa Palawan bago raw ibenta ng tatay niya ang idla nila doon. Si Klare naman ay may upcoming movies and teleseryes kaya mas marami siyang aasikasuhin sa buhay niya. While, me, I'll be bringing a new life after nine months.

Then, after a few minutes, my phone rang. "Teka lang, ah," saad ko sa kanila. It's my husband. "Hi," bati ko, hindi ko pa rin alam kung paano siya i-a-approach dahil kanina.

"Hi, baby," he said. "Ipapasundo kita kay Maxon, dadalhin ka niya kung saan ako."

"Hindi ba pwedeng ikaw na lang sumundo sa akin?" I asked with a low voice. "I want to talk to you about something."

"Papunta na diyan si Maxon," he said. "Laters, baby, bye."

"Pero—" then, he hanged up the phone. Napairap ako, nakakainis naman 'tong si Rosh kung kailan kailangan at gustong makausap, e.

"O, ano sabi?"

Napailing ako, "Ipapasundo niya raw ako sa isa sa mga kaibigan niya." Saad ko, "nakakainis naman, e, kung kailan gusto ko siyang kausapin, e."

"Kalma ka lang," said Victoria.

"Chill, sis, masama sa'yo ma-istress," paalala ni Trisha.

Napailing ako, "Ang dami naman kasing alam ng lalaking 'to, e," saad ko habang nakatingin sa number niya.

Natawa sila, "Ganyan ba kapag buntis?" tanong ni Klare.

Pabiro ko siyang inirapan. Nagkwentuhan ulit kami sa mga bagay-bagay. Hanggang tumawah na ang mga magulang ni Victoria at kailangan na niyang umuwi. Si Trisha naman ay kailangan na niyang ayusin ang mga gamit na kakailanganin niya bukas sa pagpunta ng Palawan. While me, waiting for my husband's friend.

"Nasaan na ba yung susundo sa'yo?" tanong sa akin ni Klare at pinagsama sama ang mga ginamit naming kubyertos kanina.

Umiling ako, "Di ko alam, ayaw naman mag-reply ng lalaki na 'to, e," saad ko.

"Wait mo na lang," saad nito at kinuha ang mga ginamit namin. "Wait lang, ah, ilalagay ko lang sa lababo."

Tumango ako, "Okie."

Nang makapunta si Klare sa kusina ay para namang hudyat ng tao na nasa labas na pindutin ang doorbell.

"Ako na," pagpipresinta ko. Baka kasi yun na rin ang kaibigan ni Rosh na si Maxon. I opened the door, bumungad sa akin ang isang lalaki na naka-tux, "Yes?"

"Mrs. Villafuente?"

I nodded, "That's me."

He smiled, "You probably forget about me, dahil napakadami naming magkakaibigan, i'm Maxon," pagpapakilala niya.

Red Lips | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon