17

810 23 3
                                    

Lucifer pov

Nakauwi na kami dito sa hotel. Hindi naman kami nahirapan sa pagbaba kanina dahil diyan expert si Aim ang galawang pusa.

" ngayon alam na nila na mafia Assassin tayo..." Aim nakahiga sa kama ko.

" Yan lang muna ang malalaman nila. Dahil kapag nalaman nilang isa tayong halimaw ay baka mas lalo lang silang matakot."

" teka Lucas, talaga bang Parents nilang dalawa ay naki join sa Isang Orga. dito? "

" yun ang sabi. Ano naman kasi alam alam ko sa Orga. mga Doctors at Nurses lang ang alam kong grupo sa Hospital "

" Hindi ko kabisado ang mga Orga dito., Ang supremo ang nakakaalam lahat"

" mapapahamak ba tayo dito?" tanong ko sa kanya. Hindi ako duwag pero hindi ako nahasa sa pakikipaglaban.

" hindi naman siguro, ipapatanong ko kay Papa."

" sandali... Ikaw ba may Tama kay Xuen?"

Loko namula ito sa tanong ko.

" hindi siya kagandahan sa paningin ko-Aray naman!" binatok ko ito ng tsinelas.

" sagutin mo tinatanong ko!"

" sasagutin ko naman eh, sabi ko hindi siya kagandahan sa paningin ko, Oo sexy siya. Maingay, lasinggera na babae, pero natamaan ako na hindi ko maipaliwanag eh. Tama ata yung kasabihan nila lolo noon, Nagiging torpe tayo sa mga babaeng mahal natin. Hindi naman ako pupunta dito kung hindi, kahit naman hindi sabihin ni Mama na hanapin ko ang babaeng yun, gagawin ko naman talaga. "

".... " ako

" pero sa torpehan ang usapan ikaw ata number 1 eh. "

" at bakit? "

" kung kagaya ka ni Lolo kenshin at kay lolo King malamang noong pasyente mo palang siya ay may ginawa ka ng hakbang para maangkin mo siya. Kaso wala. Hinayaan mo siyang umalis. "

" Nagmana ata ako kay Lolo Bullet, totoong torpe ako, pero may ginawa naman ako para maging parte siya nga angkan. "

Agad na napabangon si Aim sa sinabi ko.

" anong kalokohan ang ginawa mo!? "

Nang sinabi ko sa kanya ay hindi ito naniwala.

" scam ka talaga Lucas...kasabwat mo pa lolo ko. "

" I told you.... torpe pero mautak. Ikaw torpe na nga weak pa. Nakuha ka lang sa halik nagpabigay ka na sa kama. Kay Lolo Andy the Great ka nagmana. Sarap muna bago hirap.. Ngayon maghirap ka manuyo sa Pinakamamahal mong Xuen. "

Tsaka ko ito iniwan at pumasok sa banyo.

Kahit anong mangyari, hindi ako susuko ipaglaban ko ang pagmamahal ko kay Vanadey.



Vanadey pov

Ngayong araw ay balik office na ulit ako. Pagbungad ko palang sa office ko agad na sumalubong saakin ang secretary ko.

( assume nalang po na language nila sila nagsasalita 😁)

" Mam pinapatawag po kayo ng President"

" bakit daw?"

" wala pong sinabi, ang bilin po niya ay kapag dumating kayo ay puntahan mo faw siya."

" ok"

Dumirestro ako sa office ni Papa..

" yes Pa? May sasabihin kayo saakin?"

Oh! My DoctorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon