VANABRIGHT 14

582 10 0
                                    

Vana Pearl pov

Pagdating namin sa Vizcaya niyakap agad ako ni Mamita... Teary eyes pa siya..

" don't do that again ha baby Pearl... mamita will sad to death... I miss you my baby..."

" Mamita akala mo naman nawala ako ng ilang taon.."

" so itong dalawang ito alam nila kung nasaan ka?" tatay Aim

" Pa naman...secreto nga kasi..." sagot ni Ivo..

" Oo nga naman love... Hayaan mo na sila.. Tutal ay nasa maayos si Little Vana... " Nanay Xuen

" ohh may bisita tayong binata" Pansin ni Papa Jullian kay Brayden.

" Binata daw... Insecto yan dad.. " sabat ni Jaira.

" hello po Ako po si Brayden Cristobal...."

" Doctor din siya Pa..." Jaira

" Are you related to Brandon Cristobal?" tanong ni Papa Jullian

" he's my father po... but he died lastyear."

" oh sorry for that Iho.. We're batchmate ng medicine...kami ng daddy ni Vana. "

" really po.... "

" masyadong madaming tanong...pwede na bang pumasok at kumain? " Simangot ni Jaira.

" ikaw talagang bata ka... Di ka na nahiya may bisita tayo... Ah Iho pasensyahan mo na ang dalaga ko... maldita din kasi ang isang ito" Mama Aira.

Alam naman kung kanino nagmana eh 🙄

Parang fam day na naman ang ganap dito sa bahay nila Mamita., basta may bagong bisita ay ganito sila.

Halos yakapin na nila sina Bright at Brayden habang kinakausap. Sina Mamita at ang Mama ni Bright ay todo tawanan dahil matagal din di sila nagkita kita.

" Paano ba yan... Pa end na ang story mo. Ano na ganap sa susunod? Exchange I do's na ba?" Ivo... Pero kanina pang tipa ng tipa sa phone nito.

" Alam mo wala kang ambag sa kwento... Panay tipa ka lang sa cellphone mo..."

" atleast nagsasalita pa din ako."

Nagulat kami sa babaeng nasa likod ni Ivo.

Alam ko na.. Hahaha

" yang bang katext mo eh yung trainor sa  Extension at Range mo?" napangisi pa ako

" Hindi ah iba ito... Ahahha"

Napanga nga kami ni Jaira..

Mukhang nakakunot ang noo ng babae sa likod nito.

Magandang scene ito hahaha

" Eh akala ko ba gusto mo yun?" tanong ni Jaira.

" Masyado siyang amazona...hindi siya bagay sa gwapo kong mukha... Hahaha"

" hahaha eh paano pag nalaman niya na may iba kana?" tanong ko ulit.

Mukhang may away mamaya hahaha

" Eh ano kung malaman niya hahaha tsaka hindi siya kawalan... marami akong babae... tsaka wala siya dito para malaman niya mga moves ko"

" Ah Ivo.... may tao pala sa likod mo" turo pa ni Jaira

Pagkalingon ni Ivo... Halos mabuwal siya sa upuan.

" Boss... eto yung pinapakuha ng tatay mo!" pahampas niyang binigay ang mga papers kay Ivo na halos mapaatras siya.

Oh! My DoctorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon