29

491 12 2
                                    

Aira Pov

Papunta ako ngayon sa hospital para dalhan ng pagkain si Jullian., 8pm na pala kaya alam kong gutom na yun.

Habang naglalakad ako. Isang babae ang napansin kong kagagaling sa kwarto nito. Kung nurse man ito bakit naka kulay pula? At may napansin ako na bagay sa kamay nito.

Tsk.... Tama nga ang hinala ko.

Pumasok ako at padabog kong sinara ang pinto. Nagulat naman siya..

" Mukhang badmood ang lalabs ko ah!"

" kumain ka na ba? o busog ka na sa babaeng nakapula.!?" sarcastic kong sabi.

Padabog ko din binaba ang tupperware.

" hindi pa ako kumain, hinihintay kita."

Sinulyapan ko ang side table niya na may tupperware at mga prutas.

" bakit di ka pa kumain gayong may nagdala naman sayo. "

Lumaki ang mata nito..

" ah kasi.. ano--"

" kumain ka na, aalis na ako dinala ko lang ito dahil niluto nila Vanadey. "

Hindi niya ako matignan ng deretso. Alam kong may nililihim siya saakin at saamin...

Matagal na...

Kaya nga halos ayoko sa kanya pero dahil sa araw araw niya akong kinukulit...nahuhulog na ako sa kanya. Hindi naman ako tomboy. Ayoko lang sa girly things gaya ni Ayvah.

" Pero gusto kong makasama ka kumain."

" kumain na ako sa talyer. Binigyan din nila ako."

Nag cross arm ako sa harapan niya.

" ano mo si Lady in red?" derestso kong tanong.

Hindi ako ganun katanga para mauto Jullian... Kaya ngayon palang umamin ka na.

Hindi ito sumagot.

" Ako nalang sasagot sa sarili kong tanong,. Ang babaeng yun ay asawa mo hindi ba?, nandito siya para kamustahin ka dahil siya ang nakabaril sayo, na hindi naman dapat mangyari"

Napayuko ito. Kung ganun lahat ng hinala ko noon pa man ay totoo..

Flashback

" Ano na naman ginagawa mo dito?"

Nakapostura ito at may dala dalang bulaklak.

" syempre aakyat ng ligaw.!" sagot nito.

Confident na confident niyang sagot.

Inabot niya sa akin ang bulaklak ng may nakita akong singsing sa kanyang daliri. Alam kong wedding ring yun,.

Napangisi ako at sinuntok ko siya sa mukha..

" oh my gosh Aira bakit mo sinuntok si Jullian, ikaw talagang bata ka.!" inakay niya si Jullian upang makatayo.

" ayoko ng flowers." yung lang ang nasabi ko.

Inirapan ko ito tsaka umakyat sa kwarto ko. Sana pala umuwi na ako sa bahay ko kanina.,

Ang lakas niyang dumalaw habang suot suot yun.

End of flashback

" hindi ako kasing tanga nila para mapaniwala sa mga kabaitan mo Jullian. Hindi ko din alam bakit mo ginagawa ito"

Oh! My DoctorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon