38

442 11 0
                                    

Lucifer pov

" anak relax mahahanap natin si Vanadey.."

" Pa paano ako magrerelax magdamag na tayong naghahanap, hindi ko na alam ang gagawin ko."

Wala kahit sa cctv na nakita si Vanadey, last na nakita ay noong pumasok ito sa loob ng bahay nila Aim at hindi na ito nakita pa.

" ipapatrace natin siya kay Rain. " Mama

" Teka sandali... may napansin ako kagabi sa leeg niya.. namumula ito. "  Ayvah

" bakit ngayon mo lang sinabi?" Tita Aiva

" Ma naman ang akala ko kasi love bite... Maliit lang naman siya pero dalawa."

Hindi kaya eto na yung side effect ng inject sa kanya?

" Kailangan natin makita si Vana baka mapapaano siya. " Xuen

" Hahanapin natin siya... " Jullian

" Jullian wala ka bang alam sa plano ng dati mong asawa? "tanong ko sakanya..

" wala eh, hindi sila nagsasabi saakin. Ikaw Xuen? "tanong niya sa kapatid nito.

Pero hindi agad siya nagsalita.

" Xuen may alam ka ba dito? "

" Xuen please magsalita ka naman.... Si Vanadey na ang nawawala"

" Kasi hindi ko alam kung totoo yung sinabi nila saakin noon."

" anong sinabi?" agad kong tanong

" Lucifer... gagamitin si Vanadey."

" gagamitin saan Xuen?!?" medyo galit na ako.

Kaya tinapik ako ni Jullian

" gagamitin nila para experimentohan ang katawan niya."

" Anong experimento? ANONG EXPERIMENTO XUEN!?"

natakot ata si Xuen kaya napayakap ito kay Aim.

" Lucas... Huminahon ka nga hindi nadadala sa galit ang problema!"

" huminahon?! Sa palagay mo ba kaya kong huminahon pagkalaman ko na gagamitin siya? FUCK! Wala tayo sa biruan ngayon.. Buhay ng babaeng mahal ko ang nakataya dito!"

" Guys wag kayong mag away away...." pag aawat ni Papa.

" Xuen please.. Linawin mo ang sinasabi mo. "  Mama

" Gagamitin nila ito para siya ang papatay sayo. Lucifer. "

" Ano!? Bakit ako? "

" ikaw daw ang dahilan bakit hindi natuloy ang dapat na kasal nila ni Vanadey. "

" Si Taehzy?"

" Obsessed siya kay Vanadey. "

" Ano ang ibig sabihin ng ininject kay Vanadey noon tungkol sa Aconite? "

" ang alam ko lang doon ay.. Para malason ang dugo na meron siya ngayon... Nalaman kasi nila na ang dugo nito ay dugo mo"

" Balak niyang patayin si Vanadey kung ganun?"

" hindi.... Ang ininject niya ay may halong 50 percent na Aconite para malason lang ang dugong nito." Singit ni Lolo King.

" Lolo anong alam mo dito?"

" Ayaw nilang maging parte si Vanadey sa angkan natin ng nalaman niya na dugo mo ang bumuhay sa kanya... gumawa ito ng isang vaccine para matalo ang dugo sa katawan ni Vana... Mapaparalize muna ito ng ilang buwan at babalik ang dating dugo nito. "

Oh! My DoctorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon