31

507 20 5
                                    

May SPG po ito pero hindi gaano😁

Jullian pov

Hinihintay ko lang si Aira na dalawin ako,pero mukhang hindi na ito pupunta. Si Ayvah at Gayatari ang dumalaw saakin sila din ang susundo para ihatid ako.

" Kuya uwi na tayo.. Hindi pupunta dito si Ate Aira busy daw siya." Ayvah

" Oo nga kuya, ano ba nangyari sainyo LQ kayo?" Gayatari

" wala, baka nga busy ito."

Tumayo ako ng alalayan ako ni Gayatarin

" Kaya ko na Gay..." may bandage ang kaliwang braso ko pero kaya ko naman maglakad.

" kami na maghahatid sayo kuya hindi ka pa pwedeng mag maneho" Ayvah

Napakaswerte ko at nakilala ko sila, pamilya na talaga ang turing nila saakin.

" salamat sa inyo.."

" wala yun bayaw kita eh" close kami ni Ayvah, botong boto siya saakin para sa ate niya.

Hinatid nila ako dito sa bahay ko. Mag isa lang ako dito. Oo may asawa ako pero sa papel lang naman kahit kailan hindi naman kami nagsama ni khloe.

" Hahatiran ka nalang namin kuya ng dinner mo. Wag kang mag alala si Lola Aeal ang magluluto." Gayatari

" nakakahiya naman..."

" ano ka ba kuya.. Bayaw to be ka na namin meaning kasali ka na sa clan. Tsaka malakas ka sa amin eh." Ayvah

" Pwede mo ba akong itext kung kumusta ang ate mo"

Magkaiba talaga sila ng ate niya. Siya yung pa spoiled brat na anak.., kikay at maarte pero napakabait na anak at kapatid kay Aira.

" ha bakit kuya? Baka dadalawin ka naman nun.."

" Bigla nalang kasi siyang nagalit saakin kagabi eh"

" what's new naman kay Ate Aira... Masyadong amazona yun kaya pati mukha nito ay amazona na... Wag kang mag alala mahal ka nun.." Ayvah

Natawa naman ako.

" Kuya alis na kami ha, deretso pa kami sa Extension eh.. Ingat ka dito wag kang galaw ng galaw,at wag mong balaking magluto kung ayaw mo hagisan ng heels ni lola Aeal." pagbabanta ni Ayvah saakin.

Sumaludo naman ako sa kanya.

Pagkaalis ng dalawa... Nakaramdam akong may tao sa taas.

" anong ginagawa mo dito? "

" masama ba dalawin ko ang asawa ko?"

" Khloe please tigilan mo na ako, matagal na akong wala sa grupo niyo."

" Jullian, kahit anong gawin mo hindi ka makakaalis sa grupo, kamatayan mo lang ang kapalit"

" kaya ba binaril mo ako!?"

" hindi para sayo ang bala Jullian, sinalo mo lang ang bala na para kay Aira."

Nanigas ang panga ko sa narinig ko.

" hindi ba sinabi ko sayo wag na wag mong idadamay si Aira dito dahil ako makakalaban mo!"

Parang wala lang sa kanya ang banta ko.

" hahaha sadyang nahulog ka na nga sa babaeng yun, bakit Jullian.? Mas masarap ba siya kesa saakin!?"

" kahit anong sabihin mo si Aira ang mahal ko, asawa lang kita sa papel! "

Oh! My DoctorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon