24

665 17 0
                                    

Lucifer pov

Magkatabi kami ngayon ni Vanadey na nakahiga.

Nagpapaantok lang kami...

" Lucifer..."

Yakap yakap ko siya palikod. Mas komportable kasi ako na ganito ang posisyon naming dalawa.

"hmmm"

" kailan kaya matatapos ang gulong sinimulan nila Papa.!?"

" hindi ang Papa mo ang nagsimula kundi ang mga Taengco group., Napasama lang siya dahil blinackmail nila Papa mo"

Humarap ito saakin....

" Pwede bang mag tanong!?"

"ano yun?"

" yung sinasabi ni Rain kagabi na Karibal. Sino yun?"

Napatitig naman ako sa tanong niya.

" Wala wag mo na lang isipin. Matulog na tayo. Pagod na pagod ako."pumikit nalang ako para hindi na ito magtanong pa.

Ayokong malaman niya tungkol kay Taehzy shin.,at lalong hindi ko sasabihin na gusto siyang kunin. Natatakot akong makuha siya.

Oo takot ako dahil may itsura siya, gaya namin ay malakas din siya. May kakayahan din siyang pumatay na walang kinakatakutan.

Kinabukasan

Napagdisisyonan nila Papa na sa bahay ni Aira sila tutuloy dahil mag isa naman siya doon. Gaya daw ni lola Maleficient si Aira, sa edad na 24 ay bumukod na ito at nagsarili na si Aira ,pumayag naman si Aira na doon ang dalawa. Sabi nga ni lola Aerea ay hindi daw maganda na nasa iisang bahay ang mag kasintahan.

Wala kaming choice ni Aim ,tsaka mas magada na din para maiwasan ang tukso.

Hinatid namin ang dalawa sa Bahay ni Aira. Apat ang kwarto sa bahay ni Aira. ,isa sakanya at isa sa computer room nito. Ang dalawa ay pang guest room nito pag umuuwi doon sina tita Aiva.

By the way kasama syemprr sina Mama tita Aiva at tita Sunshine.

" girls si Aira wala siyang katulong dahil siya mismo ang gumagawa lahat dito sa bahay niya.,so alam niyo ba magluto?" tanong ni Tita Aiva.

Nagkatinginan ang dalawa hahaha halatang wala silang alam gawin.

" alam ko po gumawa ng Kimchi" sagot ni Xuen.

" naku alllergic si Aira sa sili dahil may hika ito." Aim

Si Aira nagkakape lang ito sa mesa. Nakikinig pero hindi nagsasalita. Matipid lang talaga siyang magsalita mana nga siya kay lola Maleficient daw.

" ako nalang magluluto sila dito sa gawaing bahay." sagot ni Aira. Wala na kasing sumagot sa dalawa.

" So alam niyo maglinis?" Aim

Wala pa din nagsalita.

" eh ang maglaba?" Mama

" alam ko po kapag Automatic washing machine" taas kamay ni Xuen.

" hindi automatic washing mashine ni Aira anak eh" Tita Sunshine.

" tuturuan ko nalang sila ..." Aira

" we will learn po, " sagot ni Vanadey.

Nasanay kasi siya na nasa tabi ni si Manang Tiffany.

" Aira ok lang ba na andito si Casper?" hawak hawak niya si Casper na antukin.

" wala naman problema saakin Vana, meron naman din akong aso na si mot mot. "

Oh! My DoctorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon