57

371 12 0
                                    

Zy pov

Nang malaman ko kung nasaan siya ay agad kaming nagbiyahe ni Khloe. Halo halo anh nararamdaman ko ngayon. Galit at Selos.

Tinanong namin sa receptionist kung saan naka ang kwarto ni Mara.

" Mara Lavigne po? O Mara Grazeter po.?" tanong nito.

So pati pelyedo niya ay iniba niya.

" Mrs Mara Lavigne... Ako ang asawa niya."

Mukhang nagulat naman ang babae.

" ahh sir room 135 po... Doon po sa bandang harap ng beach left side po."

" thank you... Tara Khloe.. "

" Kuya magrelax ka nga lang,.. Baka masaktan mo siya diyan sa asta mo. "hindi ko pinansin ang sinabi ni Khloe. Ang gusto ko lang ay mailayo siya dito kasama ng halimaw na yun.

Agad kong binuksan ang pintuan...

Nagulat ako dahil nakahiga at natutulog siya. Alam ko sa ayos nito ay may nangyari sa kanila.,, namuo ang galit sa aking kamao.

Lumapit ako at hinatak siya bigla.

Nagulat naman siya ng makita ang mukha ko

" Zy..."

Zy?? At hindi na hon ang tawag niya saakin.

" Bumangon ka diyan...kung ayaw mong masaktan Mara.!" banta ko sa kanya.

" Kuya!" Awat saakin ni Khloe

" Shut up Khloe! Wag kang makialam dito...! Tumayo ka na diyan ang magbihis uuwi na tayo!!" galit kong sabi.

Nakita ko kung paano natakot saakin si Mara.

Hindi ako ganito sa kanya mula noong naging siya si Mara. Never ko itong sinigawan gaya ng ginawa ko kanina.

Lumabas ako saglit para hanapin si Lucifer. Pero hindi ko inaasahan na lahat sila ay makikita ko dito.

Ibig sabihin ay planado ang lahat ng ito. Sila ang dahilan kung bakit magkasama sina Mara at Lucifer.

Sinilip ko sila na masayang kumakain.

Tignan natin kung makakatawa pa kayo sa gagawin ko sa pamilya mo Lucifer.

Napukaw ang tingin ko sa isang lalaki na ngayon ko lang nakita.

Sino siya?

Agad akong bumalik sa cottage nila Mara..

" Iwan mo na ang mga gamit mo dahil hindi mo na kailangan ang mga yan... Khloe.., tara na bago bumalik. Ang gunggong na si Lucifer."

Hindi nagsalita ang dalawa kaya sumunod nalang sila saakin.

Hindi nagsalita si Mara buong biyahe. Hindi rin ito makatingin sa akin. Si Khloe naman ay busy sa kanyang phone.

" Pagdating natin ay gagawin na natin ang plano. "pagbabasag sa katahimikan sa aming tatlo. Nakita ko kung paano napahinto si Khloe at napalingon naman si Mara saakin na parang nagtatanong na Agad agad?

" kaya ikaw Khloe tigilan mo na paghahanap sa Anak nila Eros at Aeal, dahil hindi na sila mabubuhay pa!" hindi ko pa man ito nakita ay alam ko na anak siya ng halimaw.

Walang sagot mula kay Khloe...

Nakarating kami ng padabog na bumaba si Mara.

Sinundan ko ito at hinigit ang kamay niya.

Oh! My DoctorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon