65

518 9 0
                                    

Lucifer pov

Magkasama kami ngayon ni Vanadey dito sa hideout ko dito sa hospital. Ngayon tahimik na ang buhay namin. Pwede ko na itong makasama ng matagal.... yung masasabi mong pang habang buhay

" Mahal ko anong iniisip mo?" tanong nita saakin. Nakatingin kasi ako sa hardin at hinihintay ang paglubog ng araw. Dito muna namin pinasyahan na magstay bago kami ikasal.

Nagpakandong siya saakin tsaka niya ako niyakap.

" Wala naman mahal ko... gusto ko lang pagmasdang ang paglubong ng araw. Dahil napakasarap ng pakiramdam na wala ka ng iniisip na panganib sa atin."

" Sa susunod ay kasama na natin sina Vana at Bright."

Kumunot ang noo ko ng isama niya si Bright.

" Wae? " tanong niya.
-why?

" Hindi ako makapaniwala na nag iisang anak natin ay mas nauna pang ikasal kesa saatin. " napabuntong hininga ako. Ang totoo niyan halos isumpa ko noon si Tito Azeil. Pero napaisip ko nalang na hindi naman niya sinasadya... hindi naman niya inaasahan na ganun ang gagawin namin ni Vanadey noon dahil sa pag aakala na mawawala na kami.

" Mahal ko... kailangan mo ng tanggapin na, ang anak natin ay para kay Bright na... Para kapag nawala na tayo nasa tamang tao na ito."

" Hindi tayo mawawala sa tabi niya mahal ko... Dahil susubaybayan pa natin ang pagdadalaga niya" natawa naman siya sa sinabi ko.

" Sa panahong wala ako.... noong sinilang ko siya... noong panahon na kailangan niya ng ina para magpatahan sa kanya kapag umiiyak siya... Napatunayan ko sa sarili ko na....mawala man lahat saakin... mawala man ang alala ala ko... hindi mawawala sa puso ko na meron akong isinilang na napakagandang babae. Hindi ako nagsisi na ikaw ang ama nito. "

Niyakap ko ang bewang niya.

" Pwede din naman natin siya bigyan ng kapatid kung gusto mo.. Hehehe"

" ikaw talaga.... Gusto ko munang sulitin na alagaan ang anak natin."

" Napakamatured ni Vana.... May pag ka arte siya gaya ni mama... At nakuha din niya ang pag ka bossy style ni papa... Hahaha ano kaya nakuha niya saakin?"

" talino... Mapagmahal... malasakit sa ibang tao..." sagot nito

" Naku... Malasakit? I doubt it... knowing Vana... she rather to hurt someone just to make her happiness. "

" and Bright is her Happiness.. "

" botong boto ka sa batang yun ah... "

" Bright is nice kid... And I know he will not hurt my baby.."

" Bright loves Vana...geuligo naneun geudeul-i milaee joh-eul geos-ilaneun geos-eul algo issseubnida"
-And I know they will be good in the future

Napangiti naman ako sa sinabi niya. Sana nga mahalin ni Bright si Vana kapag nasa tamang edad na sila. Ayokong nakikitang nasasaktan o umiiyak ang anak ko.... Dahil sila ang buhay ko... Sila ng mommy niya.

" Teka nga pala ano pala nangyari kay tito Azeil?"

Tinutukoy niya noon yung pagtakas niya noon sa simbahan dahil nabisto sila..

Flashback

" AZEIL!!!!! " sigaw ni mama.

Hindi kami naglaho ni Vanadey kaya ganoon nalang ang tuwa namin sa isa't isa.

Oh! My DoctorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon