43

451 11 0
                                    

Mara pov

Pagkapasok ko sa bahay ay agad na tumawag si Zy.

" I'm ok Hon, bakit ba ayaw na ayaw mo akong nandito? Then bakit saakin niyo binigay ang mission na ito?.. Look kung sa tingin mo ay mahuhuli nila ako na ganun ganun na lang nagkakamali ka hon. I know how to pretend like an innocent... Yah I know.. Ok.. Sige na magpapahinga na ako. "

Ayokong makipagdiskusyon sa kanya. Mula noong nakarecover ako sa disgracia ay lalo namang lumayo ang loob ko sa asawa ko. Nagising nalang ako na hindi ko kilala ang sarili ko.

Nagshower ako para mawala ang inis sa isip ko.

Naalala ko ang naganap kanina. Hindi mawala ang ngiti ko sa kanya.

Napakaganda ni Vana Pearl, kahit may pagkasuplada siya ay nagustuhan ko parin siya. Pero bakit parang hindi ko nakilala ang nanay niya?

Bakit ganun nalang ang tuwa ng puso ko makita ang batang yun mula noong nakita ko siya sa Mall.

Kinabukasan maaga akong namili ng regalo para kay Vana Pearl, nakakahiya naman kasi kung dadalo ako ng walang regalo.

Sa isang store ng mga manika ako unang pumasok. Pero wala akong nagustuhan.,mga damit naman ang sinunod ko pero wala pa din... Ang huli ay jewelry shop.

HAPPY JEWELRY SHOP ang pangalan ng pwesto.

" Good morning... ano po kailangan natin?" bati ng isang babae na nakangiti.

" OmG diba ikaw yung bisita ni little Vana kahapon?"

" Ahh yes ako nga.. Kilala mo ako?"

" Ay ano ka ba isa ako sa mga nag entertain sayo.. Ako si Ayvah."

" Ah sorry.. Sa dami niyo kasi kahapon hindi ko memorize mga names niyo."

" ikaw talaga... Soooo bibili ka ng gift para kay little Vana? "

" Oo sana... Kaso kanina pa ako naghahanap wala akong nagustuhan. "

". Ay perfect ang bago naming gawa na kwintas. Halika ipapakita ko sayo. "

Niyaya niya ako sa may office nito.

" Hindi ka ba aattend? "Tanong ko sa kanya.

" Aattend syempre... Baka hambalusin kami nila Lolo kapag hindi lahat umattend sa mga little monster celebration nila. Nag open lang ako kasi mamayang hapon pa naman yung birthday "

Nilapag niya ang isang Square box.

" Ito nalang iregalo mo sa kanya. Tamang tama sa kanya. Mahilig si little Vana sa kwintas "

Binuksan ko ito at napa wow nalang ako. Ang ganda ng pagkakagawa ng kwintas.

" See speechless ka diba hahaha"

" ok kukunin ko ito,"

" really? Bibigyan nalang kita ng discount sa kwintas"

Pero nalula ako sa price ng kwintas. Oo maganda ito at kakaiba ang desenyo pero nakakagulat lang talaga ang presyo niya. Akalain mo 50k ang kwintas.

Hindi naman ako nagreklamo, nagtataka lang ako bakit ganun ang halaga ng kwintas ng bata.

Nagkwentuhan pa kami ni Ayvah at nagyaya siyang mag lunch sa labas.

" Napapansin ko Little Vana ang tawag mo kay Vana.. Bakit?"

" Vana din kasi ang tawag namin noon sa mommy niya. Actually Vanadey ang name ng mommy niya."

Oh! My DoctorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon