59

355 12 0
                                    

Lucifer pov

Napatakbo agad ako sa kwarto ng anak ko.

Pagkabukas ko ng pinto, nagulat ako ng makita ko ang anak ko na may taong nakatutok sa kanya ng baril.

" daddy!" iyak ng anak ko.

Namalayan ko nalang na nasa likod si tito Azeil.

" wag kang lalapit kung hindi babarilin ko ang anak mo"

Tinitigan kong mabuti ang may hawak kay Vana. Nakilala ko ito na si Mara pala.

Bakit Mara? Bakit pati ang anak ko...? Ang anak natin Vanadey?

" Wag nagmamakaawa ako sayo... Wag ang anak ko!"

" Kaya ba ng konsensya mo na patayin ang sarili mong anak Vanadey?" biglang sabi ni tito.

Nagulat naman ito sa sinabi niya.

" Anong anak na pinagsasabi mo?"

" Daddy..."

" Shhh... Vana easy ok, ililigtas ka ni daddy... "

" Ang isang Vanadey ay hindi maatim na patayin ang sarili niyang anak... " Tito Azeil.

Bumaling ako kay Tito..

" Tito not now.! Baka hindi mag sink in sa utak niya ang mga sinasabi mo... "

" Mas maganda na sabihin sa kanya Lucifer... dahil baka ikaw na ang isusunod niyang patayin.. "

, 😳

" Daddy please help me! "

" Mara... Please wag naman ang anak ko." pagmamakaawa ko.

" Kailangan niyong mawala.... "

Sarado ang isipan niya.

" Sige barilin mo ang anak mo Vanadey..., at kapag nalaman mo kung sino ka, baka magsisisi ka din. Dahil ikaw mismo ang kumitil sa buhay ng anak mo. " napakadaldal talaga ni tito.

". HINDI AKO SI VANADEY! "

" paano ka nakakasiguro? Alam mo ba na ang ginagamit mong mukha ay ang mukha ng babaeng mahal ko?! ... Na siyang binalak patayin ni Zy noon.. para may magamit kang mukha.? Ngayon kung hindi ikaw si Vanadey... Sino ka?"

😒 Tigas ng ulo ni tito talaga.

" Vanadey.... Pakiramdaman mo naman ang puso mo., alam ko na nararamdaman ko din na importante kami sa buhay mo. Iba man ang mukha mo pero siya pa din yang puso mo. Inilayo ka nila Zy saamin dahil pinalabas nila na patay ka na..., Vanadey, ilang taon kong sinisi ang sarili ko sa pagpapabaya sainyo noon ni Vana.,kaya ayoko ng maulit pa ang nangyari. " sabat ko.

Hawak pa din niya ang baril.

" Mommy.... " tawag ni Vana sa kanya.

Nakikita mo sa galaw niya na parang gusto niyang bitawan ang baril.

Sinulyapan ako ni tito at tumango ito upang sabihing lumapit ako sa kanila.

Dahan dahan akong humahakbang palapit sa kanila.

Inaabot ko ang kamay ni Vana.

Sa isang iglap lang binitawan niya si Vana at tinutok sa akin ang baril.

Iyak ng iyak ang anak ko sa nakikita niya saamin. Hindi ko kayang nakikitang umiiyak ang anak ko. Mula pagkabata nito ay mabibilang lang ang iyak niya.

" Sige ako nalang ang patayin mo kung gusto mo, wag lang ang anak natin Vanadey. Ako ang may kasalanan ng lahat,.. Kaya nagmamakaawa ako. Ako nalang!.. ako nalang!" naiiyak kong sabi.

Oh! My DoctorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon