30

554 16 1
                                    

Lucifer pov

Nakilala namin ang lolo at lola ni Xuen, ayon sa kanila hindi naman sila mapili para sa apo nila kung sino daw ang iibigin nito ay tatanggapin nila.

Lunch time:

" so Susu sino na saamin ang papakasalan mo?" naibuga naman ni Xuen ang kinakain nito.

" Oo nga Xuen sino ba saamin?" Aim

Natawa naman ang tatlong matanda.

Si Lolo Ferdinand pala at si Lola Lourdes... si Anti Esther na kapatid ng Mama nito.

" Iho, paano ba kayo nagkakilala ng apo ko? "Lolo Ferdy

" nagkakilala po kami sa Australia, napadaan po siya. Bigla nalang po tumigil ang mundo ko, para bang slow mo ng makita ko siya. Napaganda po ng apo niyo, mula noon hinanap ko na po siya hanggang nagkita kami ulit sa korea. "

😑 Ako at Vanadey
😒 Xuen
😁 AIM

" Ganyan talaga ang lahi namin, habulin. Kahit nitong lolo Ferdy niyo ay hinanap din niya ako. " Lola Lourdes

" Parang si Tantan at si Susu noong bata siya mula bata sila, si tantan na ang naghahabol kay Susu noon. Pinuntahan pa ako ng batang yan para sabihin niyang pag malaki na daw sila ay papakasalan na niya si Susu. " lolo

Biglang sumama ang mukha ni Aim.

" Kahit naman po ngayon lolo ay papakasalan ko pa rin siya. " Tristan

" nakaraan ka na niya.. Ako ang future niya! " Aim

" hahaha naku apo, dalawa na sila ang umaangkin sayo. " lola

" Si Tantan nalang pakasalan mo Susu, nangako ka noon hindi ba, na babalik ka at papakasal kayo.. para susunod naman kami ni Nana." singit naman ni Kurt.

sarap lasunin... 😡

" Ano ka ba naman Kurt, elementary days pa tayo noon. Hindi pa natin alam ang sinasabi natin. " Xuen.

Nabuhayan naman ang lokong si Aim.

" ako kahit na sino sainyo ang papakasalan ng Apo ko ay ok lang saakin..Ang kaso kung papayag ang kanyang Ama. " Lolo

Napatahimik naman kaming lahat sa sinabi ni lolo.

" Ikaw Nana, si Lucifer ba talaga ang nobyo mo?" tanong ni lola.

Wow lola duda ka?

" Opo lola.., siya po ang kalahati ng buhay ko"

😊 Kinilig naman ako doon ah

" wala na ba talaga kong pag asa Nana?" paawa effect nitong si Kurt.

" magpapakasal kami bago matapos ang gulo" bigla bigla kong sabi.

" gulo?" lolo

" ang ibig sabihin niya lolo ay ang gulo ng pag iibigan" sagot agad ni Vanadey

" mabuti pa itong si Nana.. Ikaw kaya Susu kailan ka ba magtitino? Parating sumbong saakin ng Mama mo na tinatakasan mo daw mga bantay mo" lola

" lola naman, alam niyo naman na ayoko ng bantay."

" wag kang mag alala Susu ako na ang---"

" sige ituloy mo,... At wag kang mag alala sagot ko din kabaong mo" binigyan siya ng masamang tingin.

" hahaha biro lang pre.. Na kay Susu naman kung sino pipiliin saatin."

" ay naku nagkakainitan na ang mga batang ito... ah Tristan bakit hindi mo nalang sila ipasyal sa farm para naman makalanghap din sila ng sariwang hangin." anti Esther.

Oh! My DoctorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon