26

535 14 0
                                    

Xuen pov

Pababa na ako ng marinig kong nag uusap ang dalawa..

" kasi nga baka magselos daw si Xuen... Kilala mo naman ako Lucas, hindi ako makatulog kapag hindi siya ang katabi ko."

Sino naman yun?

" tama naman si Tita eh, ano nalang masasabi ni Xuen kapag kahiga mo pa si Bunny mo "

Letche sino si Bunny?

"Mula pa noon, siya na nakakatabi ko. Mahirap iwasan. Kasalanan naman din nila, sinanay nila ako na siya ang katabi."

Two timer talaga ito froglots na ito.

" sa tagal niyong magkatabi ni Bunny, hindi pa ba kayo nagsasawa sa isa't isa?"

" siraulo ka ba? Bakit naman ako magsasawa sa kanya, eh kalahati siya ng buhay ko"

Humanda ka saakin...

" sino pipiliin mo na katabi si Xuen o si Bunny!?"

Lalo akong lumapit para marinig ang isasagit nito.

" hirap naman ng tanong mo----"

Bwisit!

binato ko ang hawak kong suklay sa sobrang inis ko.

" Hoy babae nagdadabog ka!? " tanong niya. Nagulat ata sila.

" Nahulog lang yung dustpan.. "

Dustpan pa talaga nasabi ko. Tinignan niya akong nakashort at sandal.

" Saan lakad niyo? "Tanong ulit niya.

" pake mo!? " sagot ko sa kanya.

So dalawa pala kami ang kinakama mo, tignan natin kung hanggang saan pagtitiis mo.

Hinding hindi kita tatabihan.

Nagbubulungan pa silang dalawa.

" sige Xuen, sa taas muna ako. " paalam ni Lucifer.

Tumango lang ako. Pinulot ang suklay tsaka umupo sa sofa.

" hoy babae saan ang lakad niyo? Lalabas ka ng ganyan kaigsi ang short mo?"

" ano naman pakealam mo sa suot ko?"

" hindi pwede ang ganyang short dito.. Baka nakakalimutan mo nasa probinsya ka.. gusto mo ba pagpantasyahan ka ng mga nakakakita sayo."

Pinagpatuloy ko lang ang pagsuklay sa mahaba kong buhok.

" nakikinig ka ba saakin Xuen!? " aba siya pa may ganang magalit ngayon.

" Ano gusto mong isuot ko? PAJAMA!?. pwede ba Froglots, wag mo akong pinapakealaman sa suot ko dahil hindi naman kita tatay at mas lalong hindi kita BOYFRIEND!"

Natahimik naman siya sa sinabi ko, bakit!? Totoo naman ah hindi ko pa siya boyfriend para pagbawalan ako.

Biglang bumaba sina Lucifer at Vanadey.

" Nag aaway na naman kayo!? " tanong ni Vanadey.

" oh see, pareho kami ni Vanadey na maigsi ang short bakit hindi pinagbabawalan ni Lucifer si Vanadey?"

Hindi pa din ito nagsalita. Umurong ata ang dila.

" ano ba pinag aawayan niyong dalawa?" Lucifer

" WALA! " sabaypa naming sabi.

~_^ ako

~_~ siya.

Oh! My DoctorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon