VANABRIGHT 3

371 7 0
                                    

Vana Pearl pov

Nagising ako ng katok na sunod sunod... Kaya bumangon ako padabog...

" what?!"

Nakita kong nakabihis na ito.

" anong what!? May pictorial ako.. ako pa ba gigising sayo?" galit niyang sabi.

" wala ka namang sinasabi saakin!"

" binigay ko sayo schedule ko kagabi... sinend ko sa number mo."

" Ah.... Meron ba? Hindi ko napansin eh... Mag hintay ka.!"

Sinaraduhan ko agad ito at pumunta sa banyo.. Bwist na bwisit dahil iisa lang ang banyo ng condo...

Ang pagligo ko ay umaabot sa 20 to 25 minutes.. 20 minutes ang pinaka mabilis kong ligo.

Lumabas ako ng banyo na nakasandal sa harap ng banyo... nakakunot ang noo. Hindi ko siya pinansin at pumasok sa kwarto.

After 30 minutes lumabas na ako.

Nakatulog na ito sa sofa.

Ginising ko ito...

" hoy ano!? Akala ko ba may pictorial ka?"

Tumayo ito na parang naalimpungatan pa.

" ang bilis mo ha... halos 1 oras na ako naghintay."

Nauna na akong lumabas ng condo. Syempre siya na din ang nagbuhat ng mga gamit niya.

Sa isang studio kami pumunta para sa isang photoshoot sa isang brand ng damit.

" sorry direk nalate kami..." sabi nito. Ako naman nasa likuran lang niya.

" it's ok Bright wala pa naman si Miss Sophia. Sa dressing room muna kayo dahil nag aayos palang naman ng set. Ohhh may kasama ka pala?" tukoy niya saakin.

Tinignan ako ni Bright.

" yeah by the way direk siya si Vana ang PA ko..."

Inabot saakin ang kamay niya ngunit hindi ko ito tinanggap. Kaya tinignan ako ni Bright...

" ah pasensya ka na direk... hindi kasi ito sanay.... "hinili ako ni Bright papasok sa dressing room nito

" Please Vana... kahit ngayon lang maging approachable ka naman sa mga taong andito. Nakakahiya ginawa mo kay direk... "

" Hindi ako sanay na tumatanggap ng kamay...."

" then at least smile sometimes...."

Sa lahat ng ayoko ay tinuturuan ako kung paano ngumiti.

" ano ba gagawin ko? "

Humugot ng malalim na hininga at ngumiti ito.

" Mamaya andito na yung mga make up artists... just sit there and look at me. "

" yun lang ang gagawin ko??? "

" yes... Basta dito ka lang sa dressing room."

Yun ang bilin niya saakin. Kaya ginawa ko naman. Habang inaayos siya saakin ito nakatingin.

Bakit ba niya ako tinitignan?

Naka set na sila para sa photoshoot.. nakita ko kung gaano kaganda yung kasama niyang babae. Pero wala naman akong pakealam. Nasa tabi ako ng isang  staff.. pinapanood sila.

Siniko ako ng katabi kong babae.

" grabe noh! Bagay na bagay sila ni Sophia...."

Tinignan ko ito... Close ba kami para sikuhin ako??

Oh! My DoctorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon