prologue

7.7K 108 5
                                    

inspired by Diary ng Panget

Ugly Duckling’s POV

Sabi nila masyado daw akong busy sa pag-aaral kaya hindi ko napag-ukulan ng pansin ang paghahanap ng boyfriend.

Anong hindi napag ukulan? Hello?  Wala kaya talagang nagpaparamdam sa akin na gusto nilang manligaw, kaya pakiramdam ko ako talaga ang pinakapangit na babae sa balat ng lupa pero sabi naman ng mga kaibigan ko eh hindi naman daw ako ganun kapangit.

 Paano ko naman sila paniniwalan eh sarili ko ngang nanay hindi ako masabihan ng maganda. Alam  n’yo ba kung ano ang lagi sinasagot ni mommy kapag tinatanong ko sya kung maganda ako.

“Anak wala akong magagawa kung ganyan ang kinalabasan mo. Magparetoke ka na lang”  T.T nanay ko ba talaga yun?

Insecure ako sa kapatid ko dahil fourteen years old pa lang ang dami nang manliligaw. Ako naman 19 years old na never been touch never been kiss pa rin.

 Hay buhay tanggap ko na talaga na magiging matandang dalaga na ko. Isa kasi akong ugly duckling.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Mr. Perfect’s POV

I am just a guy who wants to prove his self to his dad. This is why I need to be Mr. Perfect

Kaya pinilit kong mag-aral ng mabuti at maging pinakamagaling sa klase. Nawalan din ako ng oras para makipagkaibigan dahil libro lagi ang mga kasama ko. Si Lucas lang na anak ng kaibigan ng mama ko ang naging friend ko.

Nanlabo na rin ang mga mata ko dahil sa sobrang pagbabasa. Pero parang kahit anong gawin ko parang palaging kulang ang effort na ibinibigay ko para ipagmalaki ako ng papa ko kaya kahit gustong gusto ko ang pagdodoktor ay napilitan akong kumuha ng business oriented course dahil ito ang gustong mangyari ng papa ko. 

Gusto kasi niyang pamahalaan ko ng mabuti ang negosyo niya pag dating ng panahon.

Nagsimula akong magrebelde kay papa dahil pakiramdam ko kontrolado na niya ang buhay ko.

Napag-isip-isip kong gawin naman ang mga bagay para sa sarili ko, kaya sa halip na ipagpatuloy pa yung course na gusto ni papa nagpunta ako sa Antipolo at nagenrol sa course na pangarap ko.

What do you think will happen when this two personality meets?

UGLY DUCKLING MEETS MR. PERFECT (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon