UNA

46 0 0
                                    


Sa isang maliit na bahay nakatira ang mag - anak ni Aling Maring.Isang byuda at naiwan sa kaniyang pangangalaga ang anim na mga anak.Isang construction worker ang kanyang asawa at namatay sa pagbagsak mula sa ikasampung palapag na ginagawang gusali.Dahil sa kahirapan hindi na umurong ang kaso sa pagkamatay ng kanyang asawa, hindi kasi alam kung aksidente ang nangyari o may pagkukulang ang contractor at construction company.Binigyan na lamang sila ng sampung libong pinansyal para sa pagpapalibing ng kanyang asawa.

Naiwan sa kanyang pangangalaga ang kanilang anim na anak. Si Manolito ang kaniyang panganay na anak na bente trese anyos na, sumunod dito Sally na bente anyos,si Slenty na labin - limang taon,si London na labing isang taon, si Stanley na pitong taon gulang at ang kaniyang bunsong si Mael na siyam na buwang gulang pa lamang.

"Mader, where na you?! " maarteng sigaw ng bata ngunit baklang si Don-don habang binabantayan ang bunsong kapatid na si Mael na nakahiga sa yari sa yantok na duyan.

"Ano ba Junior ang ingay - ingay mo! Alam mong kagagaling ko lang sa trabaho!" Biglang sigaw ng kanyang nakakatandang kapatid na si lito na nakahiga naman sa isang uuyog - uyog nang mahabang upuang gawa sa kahoy sabay takip sa tenga nito. Madaling araw na itong nakauwi dahil sa pagpapasada ng traysiklo.

"Eh k-kuyang si M-mael u-umiiyak n-nasan ba s-si M-mader?" napapalunok na tanong nito habang kinukuha si el - el sa duyan at kinarga ito. "Gutom na gutom na to" dagdag niya sabay sulyap sa kuya na naghihilik na sa pagtulog.

Pumunta naman ito sa kanilang may kaliitan na kusina. Tiningnan kung may laman pa ba ang isang maliit na garapon na nalalagyan ng gatas ng kapatid.

"Patay tayo nito!" Malakas na sigaw nito nang makitang simot na ang gatas ng kapatid. Lalo naman lumakas ang iyak ng kapatid at lalong pumipiglas piglas na sa kanyang pagkakakarga.Tuluyan ng napatayo ang nabulabog ang natutulog kapatid sa salas.

"Ano ba! naturingan ka pang junior! Babakla - bakla ka! Patahimikin mo ang bata na yan kung ayaw mong kaladkarin ko kayo palabas!" bulyaw nito sa kapatid habang dinuduro duro ito.

"Nakikita mo namang wala si nanay bakit di mo hanapin hindi yung ngawa ka ng ngawa dyan! Hanapin mo problema ba yan!" sunod - sunod na bulyaw muli nito habang kinakamot ang ulo.

"P-ano s-si E-el e-el?" nanginginig sa takot na tanong ni Don - don slash donying sabay lingon sa kapatid.

"Eh di isama mo! Sino ang mag aalaga nyan!" sagot nito sabay balik ulit sa pagtulog. "Bobo!"

"Oh ano pa ang tinutunga- tunganga mo dyan! Alis!" asik nito sa kapatid na nanatiling nakatayo habang karga pa rin ang iyak ng iyak na si Mael.

"Istorbo!" rinig nitong sambit habang dali - dali siyang tumakbo sa labas.

Bigla namang nagsilabasan ang mga tsismosa nilang kapitbahay ng marinig ang sigaw sa kanilang bahay. Naabutan niya itong nagkukwentuhan sa tapat ng bahay sabay na pagkalakas lakas ang mga bunganga.

"Anong nangyari dyan sa kapatid mo Don?" pasimpleng tanong ni Aleng Merta kahit mukhang alam na nito ang nagyayari na lumapit sa kinaroonan nila ng kapatid na iyak ng iyak. Nasipagsunuran naman ang mga iba pang kasamahan nitong mga dakilang tsismosa rin sa kanilang barangay para makiusyuso.

"Oo nga! Nas'an ba ang nanay niyo?" segunda ng mga ito. Imbis na sagutin ay tumungo sila ng kapatid sa tindahan ni Aling Mercy, ang may - ari ng pinakamalaking tindahan sa kanilang barangay kulang nalang nga gawin na itong isang grocery store sa laki.

"Tao po! Tao po!" Katok niya sa tindahan. Lumabas naman ang matandang matabang babae mula sa isang pintuan.

"Ano!" singhal nito na may masamang masama ang mukha.

A MOTHER'S LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon