Riel's POV
P
agkatapos ng kwentuhan ay umakyat na ang mga pinsan ko para ituloy ang mga tulog nila while me ay hinatid ko muna ang mga kasamo sa gate.
"Ryan take care our team, and guys you know what to do..."nakangiting binalingan ko sila at malungkot lang na mata ang sumalubong sakin.
"Take care din Cap, we will visit you here"nakangiting sagot ni Rosette.
Tumango ako at ngumiti sa kanila. Tumalikod na sila at nang nakarating na sila sa sasakyan ay lumingon sila ng huling beses and they wave their hands kaya sinuklian ko din.
Pinanood kong makaalis ang sasakyan nila at saka pumasok sa loob...
"Ate Riel!"nagising ako sa sunod sunod na Katok sa pinto at mga sigaw ng pinsan ko.. ano nanamang trip ng mga ito.
"Nandyan na!" Sigaw ko pabalik at nagmadaling maghilamos tsaka tinungo ang pinto. Pag kabukas ko ay nanlaki ang mga mata ko dahil pumasok silang lahat sa kwarto ko at nakabihis pa... Saan nanaman tutungo ang mga to? Tanong ko sa isip ko.
"What?"tanong ko dahil nakatingin sila sakin. Ang mga lalake nakangisi at yung mga babae naman umiirap.
"Hurry up! Just go change your clothes and take a bath. We're going to roam around Riel." Inis na sambit ng maldita.
Nagugulohan man ako ay nagtungo na ako sa banyo at naligo. Tapos na akong magbihis at lalabas na. Pagkalabas ko ay all eyes ang mga kupal.
"What?" Inis ko na ding tanong at umirap.
"Do you need to wear a clothes like that?"kunot noong tanong ni Lexin. My oldest brother.
Nagtaka ako sa inasta ng kapatid ko dahil hindi naman siya ganyan sakin lately.
"What's wrong with her dress?..oh come on boys, don't be possessive to Riel" ngising singhal ni ate Gryea kambal ni kuya Gregg. Kaedad ni kuya Lexin ang mga kambal.
Inabot ni ate Gryea ang kamay ko at pinulupot ang kamay niya sa baywang ko at ganun din ako. I miss them, i miss ate Gryea. Siya ang pinakaclose ko sa pinsan ko. Si Gwen naman ay kay Lumian.
"Riel anong order mo?" Tanong ni kuya Lexin. Nandito kami ngayon sa restaurant dahil nagugutom ang mga lalaki.
"Anything kuya, the same as ate Gryea nalang"sagot ko at tumingin sa mga tao na dumadaan sa labas. Nasa pinakadulo ako ng upuan dahil gusto ko sa may salamin.
"How's the life of an Army?" Tanong ni ate Gryea.
Liningon ko sya at ngumiti "Hard in the first place but nasanay din, masaya pero at the same time malungkot dahil umiiyak lagi si mommy."sagot ko at umiwas.
"Do you wanna go back to Army if ever gusto mo?"narinig kong tanong ni ate ng nahagip ng mata ko ang isang grupo ng lalake doon sa may kotse at nagtatawanan pa.
Lumingon yung lalake sa gawi ko at ngumiti kaya napaiwas ako.
"Hey Riel, are you okay? you're not answering my questions" tanong niya.
"Ah wala.. amm ano ulit yung tinatanong mo?"tanong ko at umiiwas na tumingin sa labas.
"Riel are you looking at the boys outside?" Ngising tanong niya. At nakita kong nakatingin siya sa mga lalakeng tinitingnan ko kanina.
"N-no im not"mabilis na tanggi ko at nauutal kong sagot at liningon ang mga pinsan kong nagtatawanan na.
Gusto ko mang makisabay sa tawanan nila pero hindi ko magawa dahil napapalingon ako sa lalaking yon.
"Okay, cause he is looking at you" nakangiting bumaling sakin si ate at kinkilig pa. Paktay! Wag naman niya sanang banggitin dito.
"Lexin..."tawag ni ate Gryea kay kuya at pinipigilan niya pang tumawa. Nanlaki ang mga mata ko dahil babanggitin niya nanaman ang tungkol sa lalake"... Someone is looking at Riel" tuloy niya at humagikgik pa.
Bumaling ang tingin ko sa mga pinsan ko at naka kunot ang noo nila. Eto na nga ba ang kinakatakutan ko. Ate Gryea talaga.
"Who's the guy?" Tanong ni kuya Gregg at nakangisi pa ang loko.
"I don't know what ate Gryea talking about"kibit balikat kong sagot At linibot ang tingin.
"You sure Riel?" Tanong ni Gorden.
Liningon ko sya at nakangisi nga ang loko. Umiling ako at nginitian si Gorden. Gorden is the same age as me. He graduated doctor while im in the training. Ganun din si Gwen,the Hernandez FA.
"Ate are you okay?" Takang tanong ni Kyle at doon ko lang napansin na kanina pa sila kumakain at ako nama'y tulala.
Tumango nalang ako at tinuonan ng pansin yung pagkain..
Habang kumakain kami ay di mawala sa isip ko yung lalaki sa labas kanina. I've never seen a guy like him before,hindi naman sa dinedeny kong ganun ang mga pinsan ko pero the guy is different.
Umiling iling nalang ako napangisi. Lihim akong napangiti pero napapitlag ako ng marinig ang boses na yon. Napalunok ako sa kaba.
"Riel, are you going to eat or not?" Matigas na tanong ni kuya kaya alam kong kanina pa siya nakatitig sakin. Nawala nanaman ako sa tamang wisyo. Napalunok ako at minataan ang mga pinsan kong kumakain pero sa amin ang tingin.
"Nawalan na ako ng gana kuya..." Malamig na sagot ko tsaka tumayo. Gusto ko munang umalis at magpahangin dahil hindi ko kaya ang tensyon ng mga pinsan ko at kapatid."..excuse me, CR lang ako." Hindi ko na hinintay na makasagot sila ay unalis na ako.
Nagtungo ako sa CR at may kinakalikot ako sa bag ko ng may nakabunggo ako. Mabilis akong tumayo at humingi ng tawad pero nanlaki ang mata ko dahil sa taong kaharap ko ngayon.
"Oh my god! I'm sorry--"hingi ko ng tawad at nagulat sa taong kaharap. Hindi ko inaasahan na magkikita kami ngayon at dito pa.
(A/N)
hi it's me Niccky
I hope you like it and don't forget to vote.....mwahhh😘
BINABASA MO ANG
QUARANTINE LOVERS ( COMPLETED )
Short Story"Kahit hindi tayo ang para sa isa't-isa, masaya parin ako at nakilala kita at nakasama.....Kahit hindi pang habang-buhay alam kong naging masaya ako sa piling mo kahit sandali lamang."