~TWELVE~

20 4 2
                                    

Riel's POV

Nagising ako sa isang kwartong puti. OMG! Am i dead?! Patay na ba ako? Asan na si San Pedro? St.Peter ? Mga anghel? Asan ako? Bakit puro puti?! Oh nasa langit na ako?

Nagising ako sa riyalidad ng marinig ang boses na nanggagaling sa right side ko kaya napabaling ako don. And there i saw my family with the doctors. I'm in the hospital, i got shoot three times. At bumalik ang alaala ko sa nangyari sa gabing yon. Kyler's body is stuck in my head, dugo sa sahig, iyak ni mommy.

Napasigaw ako sa naalala at sumakit ang ulo ko. Agad na lumapit ang mga doctor at ang pamilya ko na alalang alala kung ankng nangyayari sakin.

"Marielle! Anak... Buti at gising ka na.. may masakit ba?" Umiiyak na tanong ni mama at hinawakan ako sa kamay.

Wala na akong sinayang na oras kaya yinakap ko na siya at umiyak sakanya.

"Mommy... Si Kyler po?" Unang tanong ko, buhay pa yon. Buhay pa siya, hindi pa siya patay. Hindi niya ako iiwan ng kupal na yon. "W-where's Kyler? Pwede ko ba syang dalawin? Gising na po ba sya? Mommy?" Sunod sunod na tanong ko dahil takot ako sa mga pwedeng sagot. Hindi pa siya patay. He can't die, hindi niya iiwan si Ewinna. That should be me.

"Marielle, pahinga kana muna anak. Masaya ako at nagising kana din sa wakas." Binabalewala niya ang tanong ko. At anong nagising kana din?

"Mom ilang oras akong nawalan ng malay?"

"Nakahiga ka sa hospital bed 12 days anak."

"W-what?! No your kidding, right?" Umaasa ako...

"Get some rest, Riel. You need it." At naramdaman ko na lang na inaantok ako.

The next day, I woke up and I see a big figure nakatalikod ito sakin. May sarili atang utak yong bibig ko at kusang sumilay ang ngiti sa aking labi.

"Ky-Ash?..." Tawag ko pero nagulat ako ng tumingin sakin. I sadly smiled at him. He responded it with hug, he hugged me tight like i was a crystal or diamond that might fall and broke into pieces. But different from Kyler....

"Fuck. Sorry na late ako, sorry.... Sorry." Tanging mga salita na lumalabas sa bibig niya.

"No Ash, you definitely came in time. It's okay." Pagkumbinsi ko.

"Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may mangyari sayo ng mas malala pa dito dahil late ako. Kung sana dumating ako mas maaga."

"Hush, Ash. I'm alright, wag ka na magalala. Okay na ako." Tuloyan na siyang tumahimik pero di bumibitaw sa yakap. It feels good to be in his arms.

Sa pagkakayakap ko kay Ash nagtagal hanggang sa may nagflash na mukha sa isipan ko kaya napabitaw ako sa yakap niya. Pag-aalala ang nasa mata ni Ashton ng tiningnan ako.

"Why? May masakit ba?" aniya ni Ash.

"Ahmm... T-tell me," kailangan ko ng malaman kung ano ang nangyari o bakit siya ang natamaan, kung bakit siya nandoon sa bahay sa mga oras na yon, kailangan masagot ang mga tanong ko. It's now or never, i want to know the truth. "Where's Kyler? What happen to him? What happen to Rosette and Ewinna?" Fuck i need answers.

"Ahmm... I'm sorry Riel...shit... Ano-".hindi na natuloy ni Ashton ang mga salita niya dahil bumukas ang pinto sa kung saan ay naroon kami.

Iniluwa ito ng mga pinsan ko at kapatid, nauna si Kuya Lexin na nagulat ng makita niya na akong gising kaya binaba niya agad ang dala niyang prutas at walang sabing yinakap ako.

"Kamusta ang pakiramdam mo? Masakit pa ba? Tell kuya, Riel." Yocc, cringe. Ngumiti ako sa mga nasa likuran niya at saka tinapik sa balikat ang madrama kong kapatid.

"Ano ba Kuya, hindi na ako bata para sa mga ganyan. Ang drama mo, hindi ka ba mahihiya? Nasa harapan ka kaya ng mga tusong pinsan natin. Tsaka okay na ako kuya, wag mo lang ako bine-baby kasi I'm not teenager anymore." Dada ko kaya nakatikim ako ng batok sa kuya ko. Ihh kasi naman eh 24 na kaya ako malayo na sa 16 . Duhhh. Inirapan ko nalang.

"And why are you here, by the way? I thought your in Boston?" Tanong ko dahil umalis siya nong nakaraang buwan dahil may trabaho siya sa US.

"What's wrong if I'm here? Don't you miss me? Eh syempre nong nabalitaan ko ang nangyari sa bahay at sayo.." sabay turo pa sa noo ko, hindi naman malapad ang noo ko ah. "Di na ako nagdalawang isip na umuwi para tingnan kayo dito." Patapos niyang sabihin ay tumabi na sa akin sa hospital bed at pinalibot ang kamay sa bewang ko. Ahhhh! Why do I have a cringe brother? Disgusting.

"Eh kayo? Anong tingin tingin niyo jan?" At tinaasan ng kilay ang mga nakatunganga kong pinsan.

"Eh paano kami makakalapit eh nandyan naman yang kapatid mong sobrang higpit, ayaw niyang hawakan ka namin dahil baka daw lumala yang sakit ng katawan mo." Aniya ni ate Gryea at sinamaan ng tingin si Kuya.

"Oo nga ate maski ako ayaw ipalapit sayo." Lumian said while pouting. Napangiti ako sa itsura niya, cute. Sakin nagmana.

"Eh anong ngini-ngiti mo jan?" Asar na tanong naman ng yabang kung pinsan. Ay maasar nga din to. Miss ko na siya asaren, babawi ako.

"Nothing, sweetie. Ang cute lang kasi ni Lumi mana sakin." I chuckled and glance at Gorden whose now in shock.

Napabitaw naman si Kuya sa pagkayakap sakin at inasar nila ang nakatulala na alam kung di niya inaasahan na sabihin ko yon. Fluttered. Nakisali narin si Ash sa pangaasar sa pinsan ko hanggang sa nagbatuhan na sila ng asaran.

Sa pagkakataong iyon lumapit ang mga pinsan kong babae at ang kapatid ko naman ay yinakap ako ng mahigpit, buti nalang sumama ito sa pasyal ng mga pinsan ko nong nangyari ang insidenteng iyong kundi baka.. no that won't happen.

"How are you feeling, Ate?" Lumi asked. I smiled at her at hinimas ang buhok niya.

"I'm fine, wala ng masakit. Where's mom?" Nagkatinginan ang tatlo saka ngumiti parehas sakin. Now I don't get it.

"May pinuntahan sila nina mommy." Tipid na sagot ni Gwen. Halatang may iniiwasan na masabi.

"Guys, i want you to answer me honestly." Siguradong saad ko. "Where's Kyler, please answer me honestly. I want to know what happen after nang nawalan na ako ng malay." I'm craving for an answer.

Like a while ago, they both stared each other and smiled at me.

"Riel, ano si Kyler...he passed away last week." Nanghina ako sa narinig, it can't be. They're just kidding, no he's not dead. Umiling ako at lumandas na ang luha ko sa pisngi. Hindi ako naniniwala.

"Ate, he told us that he loves you so much, that he cares for you that's why he's there, he protect you and mommy." Ni Lumian na ngayo'y lumuluha na din.

"Your kidding, right? Tell me this is a joke. He can't be dead." Humihibni na ako kaya napalingon na ang mga lalaki na nagaasaran at tumahimik.

"Riel, i know na hindi nakakapaniwala pero wala na siya... He saved you from her demon girlfriend. He saved tita, Riel." Sabay yakap sakin ni Gwen. I hug her, too. Hanggang sa yinakap na nila akong tatlo.

"Why?! Bakit ?! Bakit hindi niya ako ginising sa isang linggo na kaya ko pa siyang makausap?!" Umiiyak na tanong. "Bakit hindi niyo ako ginising para makausap siya kahit sa huling pagkakataon man lang. Bakit hindi niyo ako ginising para masabi kong mahal ko rin siya, na baka lalaban pa siya pag sinabi ko yon?! Bakit?!" Wala akong pakealam kung nagsisigaw na ako dito basta gusto ko lang malaman kung bakit?!

"He visits you last week, everyday, kapag nagigising siya ay deretso siyang pupunta rito para makita ka, kinakausap ka niya kahit na tulog ka." Napatingin ako kay Ashton ng sambitin niya yon. Lalo akong umiyak.

Kyler...

"He's always beside you pag pumupunta kami dito, naaabutan naming siya na lumuluha sa tabi mo." Si Cabin. I imagine Kyler's crying face. Bakit ba ako hindi nagising sa mga araw na iyon?!

"When Friday comes, 12 noon. He said that he's thankful dahil naging maayos kayo bago nangyari ang insidente, na masaya siya dahil you let him be your friend and you forgive him. He is happy to see you safe and well, Riel." Si Ate Gryea naman.

"He died of July 17th 1:15 PM, he died. He died with the smile in his face." With the last word of Kuya i cry hard.

----
(A/N: I tried not to cry while writing this Update but i failed 😭)

QUARANTINE LOVERS ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon