~NINTH~

25 4 1
                                    

Riel's POV

I'm so excited, excited kasi makakarating na ako kung saan nagmula si Kyler, pero kabaliktad ng excited na mood ko may sakit ng alam kong madadanasan ko.

Pero sige, okay lang. Alam ko naman na noon pero bakit hindi ko sinabi? Eh kasi, gusto ko magmula sa kanya na totoo yung alam ko. Na kakapit ako hanggang sa hindi sya mismo ang magsasabi sakin. Tanga na ba ako non?

Siya ang nag first move na pumasok sa buhay ko kaya dapat siya din ang mag first move na umalis. Hindi ako gagawa ng move na sa una palang ay hindi ko ginawa. Call me weird but I'm not that immature na pangungunahan yung tao, at baka mali yung hinala ko.

I can make my own decisions at the same time i can hear your explanation, too. I'm not good enough to ignore the kindness and weakness of the people around me. If I can help them,then I will. I'm not an Army para hindi ko gawin ang ginagawa ko.

Busy ako sa pagpapakabusog sa mata ko dahil sa paligid, this place is paradise. I wish I can go back here soon. At nawala ang magandang view ng may humarang sa mukha ko, sino pa ba edi ang bonak na Phoebe.

"Nainlove kana ata sa lugar namin Riel..." Tawa niya kaya umirap naman ako.

"Your place is beautiful and I would love to stay here forever." Tawa ko. Gusto ko sanang sabihin na, mas inlove ako kay Kyler but wag nalang.

"Tara." Saad niya at hinila ako. Nagpatinaod ako hanggang sa pumara kami ng tricycle papunta sakanila.

"Hey, okay lang ba talaga pag sa bahay niyo ako tumira muna?" Alanganin na tanong ko na ikinatawa niya.

"Of course! Susunduin ba kita pag hindi? Gaga ka talaga eh, saan ka titira kung ganon?"

"Eh nakakahiya kasi kina Tita."

Kakasabi ko lang yon ay humalakhak na siya kaya napaatras ang mukha ko. Punyawa ng babaeng to, kung makatawa parang wala ng bukas.

"Ano? HAHAH! Na...nakakahiya?" D niya matuloy tuloy ang sasabihin niya sa pagpipigil ng tawa. Bwisit. " Ikaw? May hiya pa? HAHAHAH!" Ayy gaga pala.

"Oo, syempre kina tita. Pero sayo wala tangina ka." Inirapan ko sya at tumawa lang ang bonak talaga.

"Ewan ko sayo, tara na nga." Saka niya ako hinila hanggang sa nasa bahay nila na kami.

----
"Ugh kairita," sabay dapa niya sa kama. Nandito kami ngayon sa kwarto niya kasi di naman sya papayag na sa ibang kwarto ako at syempre ayoko din. Pero nakakatawa lang itsura niya ngayon. HAHAHAHAHH. Kasi naman.... Inutosan siya ni Tita kanina para bumili ng meryenda namin at syempre ang bonak ayaw kasi tirik na tirik ang araw. "Why naman kasi ako... Pwede naman kasi si Kuya nalang." Tingnan mo 'to HAHAHAH

"Tsk. Hayaan mo na atleast buhay ka pa, diba?" Asar ko at umirap lang sya na ikinatawa ko. This girl is badass.

Bigla naman nagpatugtog si Phoebe at hindi ko inaasahan na mapanakit ang kanta. Habang pinapakinggan ko ang kanta ay naaalala ko ang conversation namin noong una palang, noong okay pa, nong alam kong wala pa akong kahati yong mga panahong saakin pa siya masaya at ang mga yon ay maririnig ko na din galing sakanya. Sa mismong bibig niya na hindi ganto, na hindi ako nanghuhula na parang tanga.

Pilit nating iniwasan
Ganitong mga tanungan
At kahit 'di sigurado
Tinuloy natin ang ating ugnayan

Ngumiti ako ng mapait at dinama ang kanta hanggang sa nagsilabas na ang pinipigilan kong luha, mga luhang senyales na magiging malaya na ako mula sa taong minsang nagpasaya sa'kin.

Ngayo'y naubos na'ng kwentuhan
Nagsimula nang magsisihan
Lahat ay parang lumabo

'Di alam kung sa'n tutungo
Sabi ko na nga ba
Dapat no'ng una pa lamang
'Di na umasa
'Di naniwala

"Hoy! Anong ine-emote emote mo jan ?" Tanong ni Phoebe. Agad ko namang pinunasan ang lumandas na mga luha at lumingon sa kanya. Kita ko ang magkahalong Asar at taka sa mata niya. Hayst Phoebe kung alam mo lang.

"Wala, masaya lang ako at nakarating na ako dito, dito sa inyo." LIES! Magaling ka na magsinungaling Rielle.

"Sus! Ang sabihin mo miss mo na tropa ko." Saad niya at tinusok tusok pa tagiliran ko kaya napahalakhak nalang kami at nagpagulong gulong sa kama. I wish ako parin ang pipiliin niya... And everything went black dahil nakatulog na ako. Sana nga miss ko lang siya. Sana hindi totoo mga napapansin ko.

----
Nagising ako sa isang boses, boses na napakatinis. Sira na eardrums ko. Phoebe malilintikan kita.

"Good afternoon! Hoy babae, bumangon ka na jan." At tinapik tapik ang pisnge ko kaya tuloyan na akong nagising, hayst kung sino makakatabi ng babaeng to sigurado di makakatulog dahil sa ingay ng bungaga ng kasama niya. Tsk.

Tiningnan ko ang oras at shuta 4:00 PM na. Hindi ko alam na apat na oras akong natulog ah. Binalingan ko ng tingin ang demonyong gumising saken at ay siya na ngayon ang nakadapa sa kama. Putek na to, kailangan bang mag ingay muna bago matulog??

Bumuntong hininga ako at lumabas ng kwarto. Saan ba dito ang banyo nila Phoebe, give up na sana ako ng may nakita akong tao sa baba... Ay kuya niya pala, nahihiya akong magtanong. Bumalik nalang ako sa kwarto at sa bintana na ako nagtungo. This place is peaceful pagsapit ng hapon.

"Nage-emote ka nanaman ba?" Ay shuta akala ko na natutulog na to bat nang gugulat pa. "Sabi ko naman sayo eh, miss mo na siya no? Hindi ka na nakapaghintay HAHAHAHHA makikita mo naman sya bukas eh."

And yes, tommorow the day I did not expect to lose everything, I knew I would know everything but I did not expect to feel this way. yes I want him to say but it must have come from him, but it really hurts.

Naglalakad kami papunta sa bahay nila Kyler, ako'y kinakabahan dahil hindi ko alam ang mangyayari. Either magiging masaya ako or malulungkot ako dahil sa posibleng mangyari. Hingang malalim Riel, your going to be fine.

"May kinakabahan dine." Syempre saad ng demonyo at tumawa pa. Kailan naman kaya to tatahimik kaka-asar sakin.

"Eh ikaw kaya dumayo sa bahay ng jowa mo no?" Hmmm. Sana talaga..

"Okay lang, no. Basta the room is wide enough for us diba." Sagot niya at tuloyan na siyang humalakhak. Ay makalat buset.

"Ayy ewan ko sayo, ang kalat mo Phoebe." Sabi ko at nauna ng maglakad.

"Hoy Riel, mauna ka na at may bibilhin pa ako jan. Nagugutom ako."

"Hoyyy! Hindi ko alam kung saan. Hoyy! Phoe" wala na nakalayo na ang demonyo. San ba bahay nila? Magtatanong na sana ako nong may nasagip ang mga mata ko.

Dalawang tao na nagtatawanan sa labas ng bahay, magkahawak ang mga kamay at may hinihintay. Wow! Did I just witness that scene, oh wait at hindi pa tapos. They kissed each other at para akong nanghina ng makita ko ito. Ha!

Nakatayo lang ako don sa may gilid ng kalsada, tanaw ang dalawa na masaya. Kyler and Ewinna, nagtatawanan, naghahalikan, kitang kita ko. At sa pagsakay ng babae doon din ako nakita ni Kyler, gulat ang nasa kanyang mga mata samantalang ako lumandas na ang mga luha.

Nginitian ko siya at sabay talikod, pero saan nga ba ako pwedeng pumunta? Asan na si Phoebe, ba't siya nawala? Nasagot yan ng may humila sa braso ko at yinakap ng mahigpit. I was too preoccupied sa nangyari kaya wala na akong nagawa kundi umiyak nalang sa bisig niya.

"Shhh, Riel." Kinakalma niya ako pero lumalakad kami paalis sa lugar na yon. "Let's go, you can't be weak in front of him. You can't." Diin na sabi niya kaya kinalma ko ang aking katawan at pinunasan ang mga luha sa aking pisnge. Thanks for coming, Phoebe.

"I am not weak, I'm strong enough to witness that scene." Matabang na sabi ko. Yes, I can't be weak.

(A/N: goodnight... Enjoy reading. Stay safe everyone 🙆🏻‍♀️)

QUARANTINE LOVERS ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon