~SECOND~

52 8 18
                                    

Riel's POV

"R-Riel?" Halong gulat at takang tanong niya.

"Kyler?" Gulat ding sagot pero nangilid na pala mga luha ko. Kala ko wala na, kala ko tapos na, kala ko d na ako magiging ganito pag kaharap siya pero bakit ngayon bumigay na. Bakit hanggang ngayon di pa tapos, di pa tapos yung panghihirap ko, paghihirap na kalimutan sya.

Umiwas ako ng tingin para lihim na punasan ang luha ko tsaka ngumiti ng peke.

"Oh Kyler.. musta?" Waleya ka selp, anong klaseng tanong yan?
"Ang liit ng mundo at dito pa tayo nag kita no?... Amm sige mauna na ako ah, see you around" lumakad ako paharap at lalagpasan na sana siya pero napatigil ako dahil nagsalita siya.

"Riel i miss you" pabulong niya pero sapat na para marinig ko.

Napaawang ang labi ko at lumingon sa kanya, hinanap ko ang mga mata at nakita ko ang sabik at pagsisisi doon. Ngumit ako ng tipid, nagsimula na akong lumakad sabay na tumulo ang mga luha kong kanina ko pa tinatago.

Hanggang sa tumigil ako sa isang bench pero di manlang tumigil ang pakening luha ko. Tinukod ko ang dalawa kong kamay sa lamesa at nagpunas ng luha, pero napatigil ako ng napansin ang pamilyar na lugar, at kung saan ang pwesto ko ngayon.

Lalo lang bumuhos ung luha ko dahil bumabalik nanaman lahat ng sakit at masasayang ala ala. Kung saan dito kami una hanggang sa huling tagpo.

7 YEARS AGO...

I was busy scrolling my Facebook when I suddenly received a friend request and chat with my friend.. it says

Lodicakes: hey Riel accpet mo yung nag friend request sayo, HAHAHAH! Have fun!

Umirap nalang ako sa hangin at tiningnan ang nag friend request. Babaeng to talaga bat hindi sarili niya ireto niya?bat kailangan damay pa ako. Porket wala akong kachat eh ganun na? ABA DAPAT LIMA D LANG ISA HEHEHE. Napangisi ako dahil sa iniisip.

I looked at the friend request and I was right because that woman gave my name again. Pero di man lang dinag dagan para the more the merrier. Choss

Inaksep ko ung lalake at bumalik sa pag i scroll.. at lumipas ng ilang minuto ay may natanggap nanaman akong chat pero this time sa lalake na. Binuksan ko ito at

Rein Kyler Damaso:Hi HAHAHA

Syempre ako to kaya nagreply ako. Wala nga akong kachat kaya why not diba?. Tularan natin si author kasi sakanya ko natutunan yon HEHEHHE

Me: hello.

Medyo pabebe tayo selp para di halata. Tuloy-tuloy na yung chat namin hanggang sa..

Rein: pwede ba tumawag?kung pwede..

Nataranta ako pero nakangiti naman. Kinakabahan pero excited! Waleya ka selp!

Dali dali akong nag reply at pumayag..

Me: pwede naman..

Tumawag sya at hanggang 12:00, komportable ako sakanya at di na nawawala mga ngiti sa labi ko. Tuwing may chat siya kusa akong ngingiti.

Me: Ah basta kung gaano kaboring dito sa RA ganun din kasaya sa RP

Rein: Amm kupal..

Me: anong kupal?tadyakan kita jan kitamo

Rein: joke lang, may sasabihin kasi ako sayo. Sana pag nasabi kona ito Sana walang magbabago.

Me: ohh sige ano ba yon? Baka mabangag ako kakaisip kung ano yan HAHAHHA.

Rein: kasii.. ano Riel di na kita gusto..

Pagkachat niya ng ganon ay parang tumigil yung mundo ko tsaka nanginig yong kamay ko.. sasagot na sana ako ng ok lang pero typing na ulit sya. At wala sa sariling napangiti ako ng mabasa yung sumunod na chat niya.

Rein: kasi mahal na kita Riel sana ok lang, sana walang magbago kahit hindi ka ganun. Sana ganto padin Riel..

Syempre d ko na idedeny kasi ganun din nararamdaman ko para sakanya pero ako to eh kaya pabebe muna ako..

Me: ahh ano... Ok lang Rein kasi the feelings is mutual naman.

Nakahinga ako ng maluwag ng na send ko yung chat ko.. at namula na mukha sa kilig. Grabe talaga apekto niya sakin bat ganun? Ayyyyyyy! Waleya ka selp! Pero napatigil ako ng tumawag siya kaya dali kong sinagot ito at napakagat sa labi dahil narinig ko nanaman boses niya..

"Hello Riel?" Tawag niya sa malalim na boses. Kingina! Pati boses niya inlove na akoo pano pa kaya pag sa personal siya magsasalita edi hulog na ako...

"Oh Rein bakit?" (A/N:Anong bakit Riel? Antanga mo! Umayos ka nga Riel..)

Ayy grabe ka author ah.. hindi ba pwedeng makilig muna?

"So pwede ba manligaw?" Namilog ang mga mata ko at kusang namula ang pisngi ko.

(A/N:Grabe ka naman makilig Riel parang ligaw lang naman..)

"Kahit di ka na manligaw Rein HAHAAH" ayy mali ka ata selp ano sinagot mo. Bangag ka nanaman..

(A/N: HINDOT MO RIEL WALANG KA PRENO PRENO! BANAT PADIN NG BANAT)

"CHAROOT! Pero pwede, pwede kang manligaw Rein" abot langit na ngiti ko. At gumulong gulong sa kama. Buset sana mawala kana covid! Sana!

(A/N)
Sorry sa late update. Enjoyy

QUARANTINE LOVERS ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon