Chapter 7

11 3 7
                                    

Zefhio's POV

"Kuya deadline na raw 'ho next week 'yong registration fee para sa art club na sasalihan ko, at tsaka sabay na rin do'n iyong group project na gagawin namin sa bahay ng kaklase ko, hindi ko mababantayan si Shaina sa araw na iyan"

agap ni Avalora habang may ginagawang kung ano-anu sa manila paper.

"Oo"

sinabi ko iyon ng wala sa sarili kahit alam ko namang kapos sa pera ngayon at may shedule ako n'yon ng deliveries sa sabado.

Linggo ngayon kaya katatapos ko lang mag deliver ng mga orders sa kompanya namin buong araw at dahil sa pagod ay ipina-ubaya ko si Shaina sa ate niya upang makapag-pahinga ako ng maaga para sa lunch break shift ko bukas.

Kailangan ko ngayon ng malaki-laking pera para sa sinsabi'ng babayarin sa paaralan na papasukan ko bukas at kay Avalora pati narin sa mga gastusin dito sa bahay lalong-lalo na sa pag papa-gatas na kakailanganin ng bunso kong kapatid.

"Uy Pio yari ka sa'kin mamaya hanggang ngayon 'di pa dumadating order ko alam mo, isa kang hakdog" 
pagbibiro ni Kenji sa'kin habang sinusuntok ako sa braso.

"Tumahimik ka nga Ji"
inismiran ko siya.

Unang araw ko sa klase dito sa St. Louis Senior high. Si Kenji lamang ang natatangi kong kakilala dito dahil kaklase ko rin siya noong high school.

Habang papunta sa hallway nahalata ko ang estudyante na kanina pa yata may hinahanap dito, posibleng baguhan din siya gaya ko. Palipat-lipat siya  sa tinatanaw na bulletin boards na nakapaskil sa ding-ding.

Tinanong ko ang pangalan ng hinahanap niyang silid at sinabi niya naman kaagad, maputi at may hitsura siya nang humarap siya sa akin kaya lang mas matangkad ako sa kaniya.

"3rd floor left, 2nd room"

nang malaman kong kapareho kami ng magiging silid sinabayan ko na siyang maglakad papunta do'n.
Ang dami niya pang kyuryosong tanong kaya naman ay isa-isa ko ito'ng sinagot, ang galing niya makipagkaibigan dahilan kung bakit maingay kami papalakad sa silid o di kaya ay mas lalo pa'ng umingay nang maka upo na kami.

Maayos naman ang first day dahil hindi medyo mabigat ang pinapagawa sa amin ng lecturer.

Nagsiuwian na ngunit dikit ng dikit si Luzere sa akin. Ewan ko nga ba sa kaniya kung bakit ang dal-dal niya kung kailan una pa lang namin'g pagkikita. Hindi siya nakauwi ng umaga dahil sa huli ay kiniwentuhan ko siya sa mga pangyayari sa buhay ko, natapos lamang dahil nag text na daw iyong ate niya.

No choice ako kundi maki pag usap nalang sa kaniya dahil ibang silid naman si Kenji.

"I want you back"

biglang salubong ni Elena sa akin nang ibinigay ko na sa kaniya ang order niya.

"Hindi pwede Elle,matagal na panahon na iyon at hanggang kaibigan nalang ang turing ko sa'yo"

Ex ko si Elena two years ago, gusto ko siya at tipo ko siya noon ngunit nang malaman ko'ng may gusto siyang iba ay sumobra ang pagka bato ng puso ko  kahit alam kong ang bata ko pa at immature pa, I realized I'm too precocious and naive that time.

Palagi ko siyang kasama hanggang sa magkahulugan kami sa isa't-isa, nag first move ako sa pangliligaw kaya ay sinagot niya naman ako kaagad. Ngayon ay hindi ko gusto'ng mangyari ulit sa akin ang ganiyang mga bagay.Hindi ko na uulitin ang ginawa kong pagkakamali na magmahal kaagad sa kagaya niya.

Hindi kami nagtagal nang magsimulang mawasak ang tiwala ko sa kaniya hanggang sa napurohan ako ng doble nang namatay si mama dahil sa sakit at wala kami'ng ama dahil simula pa pa lang ng hindi pa pinanganak si Shaina ay  nangibang-bansa siya at nangakong babalik pa ngunit umasa kami ng umasa, hindi na namin siya nabalitaan.Oo alam ko'ng hating kapatid ko lang si Shaina at  si Avalora,magka-iba ang ama namin pero ipinagbilin sila ni mama sa'kin.




Wasting CharmsWhere stories live. Discover now