CHAPTER 70

144 5 0
                                    


" Guys "

Napalingon kaming tatlo kay mich ng magsalita ito.

Anong nangyare sakanya? Muka siyang pinagbagsakan ng langit sa istura niya ngayon.

" Anong klaseng pagmumuka yan Mich? May problema ba ha?" Singhal ni Alex

" A-alex"

" Ano bang problema Mich? Sabihin mona saamen " sabat ni kim

Diko talaga maintindihan ang kinikilos nito ngayon saka yun mga titig niya saamen mukang may nalaman siyang hindi maganda.

Pero ano naman yun?

" Michelle , wala kabang balak sabihin saamen yan?" Singhal ko.

" M..may problema tayo guys " anito at nakaramdam ako bigla ng kaba.

" A-ano ibig mong sabihin ?"

" T...tumawag si mommy saaken at ang sabi niya pauwi na sila tita Precious rito, at ang masamang balita pa ay inaasahan nilang si Ghail ang susundo sakanila sa airport. Anong gagawin naten?" Kinakabahan na saad nito.

Nagkatinginan kaming tatlo sa sinabi ni mich.

Pare parehas kami ng nararamdaman ngayon.

Hindi magandang balita ang aming narinig lalo na ang magulang na ni Ghail ang pinaguusapan.

Lagot na. Ano na gagawin namen ngayon?

" G-guys, m..may naisip naman na siguro kayong p..plano hindi ba?" Utal utal na sambit ni kim

Gosh. " Paano na? Once na nakalapag ang eraplanong sinakyan nila tita, wala na tayong magagawa pa. Ano na gagawin naten guys? Alex? Kim magsalita naman kayo oh! Yannie" sigaw ni mich saamen.

Walang pumapasok sa utak ko ngayon . Gosh!

Delikado na. " I told you! Dapat sinabi na naten kila Tita precious ang nangyare kay Ghail pero ano? Nanahimik tayo." Hindi ko na napigilan pang sigawan sila.

Hindi dahil galit ako sakanila kundi natatakot ako sa pwedeng mangyare ngayon.

3 weeks na ang lumipas at hindi pa nga namen nasasabi kila ninang ang nangyare, tutol man ako sa plano nila ay wala din kami nagawa ni Mich.

" Look Yannie, hindi naman naten inaasahan na mangyayare to eh. Hindi naman naten alam na uuwi agad sila Tita." Sagot ni Kim

" Pero kahit na, dapat sinabi agad naten sakanila. " inis na singhal ko.

Pumagitna naman si Alex saamen.

" Please Yannie, Kim wag na kayo magaway pa. Dapat ang gawin naten ngayon ay magplano sa pagdating nila." Anito.

" Paano? Anong g-gagawin naten?"

Malaking problema to. Gad!
Paano namen to masosolosyunan?

Isang minuto kaming tumahimik para magisip ng plano ng magsalita si Alex.

" Sabihin na naten kila tita ang totoo"

" What?Seryoso kaba jan Alex? 3 weeks na ang lumipas since nawala si Ghail?" Di makapaniwapang saad ni kim

" Alex , nun una palang dapat sinabi na naten agad sakanila pero tumutol kayo ni kim, tapos ngayon 2 linggo na ang lumipas saka pa lang naten sasabihin? " sambit ni Mich

Lumapit ako kay mich " Ilang ulit namen kayo sinabihan tungkol jaan, pero hindi kayo pumayag. Ano ba talaga ?" Pagsangayon ko kay Mich.

" Teka nga lang , bakit parang sinisisi niyo pa ata kami ni alex?"

The Queen GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon