Gumising ako nang may excitement sa katawan, bakit? Kasi 13th birthday ko na ngayon!! Start na ng teenage life ko, makakagala with friends, magiging high school, at di na ko tatratuhing baby ni mama.
Nagsuklay ako, toothbrush, hilamos, ayos ng kama usual routine ko tuwing umaga, tumingin ako sa mga social media accounts ko at as usual, madami bumati sa akin, mga classmates, friends, families, teachers, nagreply muna ako ng "thank you" sa kanilang lahat bago ko binaba ang cellphone ko at bumaba na ng hagdan.
Magsasaing na ko kasi yun ang daily chore ko, si papa nasa trabaho for sure, tas si mama naman bumili yan siguro ng ingredients kaya wala pa siya dito, wala naman akong pake sa iba pang handa niya, ang tanging request ko lang is yung special lumipang shanghai niya na hinahanap hanap ko.
Antagal tagal naman ni mama, naiinip na ako, sa sobrang pagkainip ko lumabas muna ako ng bahay at nagdecide na gumala gala.
Ang ganda talaga ng paligid, ang saya maglakad lakad dito. Yun nga lang at some point may nararamdaman akong presensya sa likod ko, kumuha ako ng pocket mirror at nagkunyaring nag aayos ng buhok habang dahan dahang tinitingnan kung sino na sa likod ko.
Sh*t merong weird na lalaki na sumusunod sakin. At sh*t! Nahuli niya kong nakatingin sa kanya sa reflection ng salamin ko!
Tumakbo ako as fast as I can kasi syempre ayoko mamatay huhu, kaso nahahabol niya pa din ako. I decided to hide behind the tree para di niya ko makita.
And ayun sinilip ko yung lalaki and mukha naman siyang naguguluhan at mukhang di niya nga alam kung na saan ako kaya dumeretso na lang siya.
Sign na yun na lumabas na pero pagkalabas ko nakita ko siya sa harap ko, teka, bat ambilis? Ni hindi ko nga napansin kung naglakad or tumakbo ba siya papunta sa akin eh, nagulat na lang ako na sa harap ko na siya.
Natatakot ako, gusto ko siyang itulak palayo sa akin pero di ko maggawa sa sobrang takot ko, di ko magalaw buong katawan ko sinasabe ng isip ko na itulak siya palayo pero hindi kaya sumunod ng katawan ko.
Pero nagulat ako sa sumunod na nangyari sapagkat nakita kong natumba siya patalikod, teka.. Anong nangyari? As far as I know walang ibang tao na pwedeng humila o tumulak sa kanya, kaming dalawa nga lang nandito eh.
Teka... Ginawa ko ba yun? Imposible naman yun, basta ang alam ko lang, kahit ako man o hindi ang gumawa nun, ito ay isang hindi pang ordinaryong pangyayari pero pinakita ko sa kanya na matapang ako at hindi ako natatakot kahit takot na takot na ako sa kaloob looban ko, at ayun naconvince naman siya at tumakbo palayo.
Nagpatuloy ako sa paglalakad lakad nang may maramdaman ulet akong presensya sa likod ko at this time, di lang siya nag iisa, marami sila, kaya hindi na ko nagalinlangan pa at tumakbo na agad hanggang sa bilis ng makakaya ko.
Hindi ko isusugal ang buhay ko thinking na baka maggawa ko ulet ang bagay na baka ginawa ko kanina or baka coincidence lang.
Tumakbo ako papunta sa bahay namin at bago ako pumasok, siniguro ko muna na walang nakasunod sa aking kahit sino, ayokong madamay ang pamilya ko sa nangyaring gulo sa akin kanina.
Nang makasiguro akong wala ng tao, pumasok na ko sa loob at doon napansin kong nagpiprito na ng lumpiang shanghai si mama, I feel bad kasi di ko siya natulungan magluto kasi gumala gala pa ko, nagmano ako sa kanya at nagsorry.
"ay mama, wala na nga pala akong gamot, di ako nakainom kanina" banggit ko sa kanya, nagmukha siyang nag aalala at natatakot sa simpleng sentence ko lang na yon, ano nakakatakot? Eh isang beses lang naman ako di nakainom buong buhay ko? Yes, may sakit daw ako kaya simula bata may gamot na akong iniinom at I never missed taking meds up to this day lang, isang beses lang naman ako di nakainom, si mama talaga OA.
Nagpunas ako ng lamesa at nilabas ko ang mga plato at naghain na ng pagkain, at nakakatuwa kasi dinamihan talaga ni mama ang lumpiang shanghai.
Hindi kami mayaman, hindi rin kami mahirap, na sa middle class kami pero if I will have my birthday wish, ang wish ko is sana habang buhay na lang kami ganito masaya at magkakasama. Well, eto birthday wish ko every year eh pero so what? Kontento na ko sa buhay na meron ako, may mama ako na mahal na mahal ako, at may papa na inaalagaan ng mabuti kami ni mama. I wouldn't trade them for anyone or anything in the world.
Maya maya lang may kumatok na sa pinto namin, baka andyan na si papa! Yeyy! Pupunta na sana ako para pagbuksan siya ng pinto pero pinigilan ako ni mama, nagtataka ako sa ginagawa niya ngayon, ang weird ng kinikilos niya.
"mama, anong nangyayari sayo?" nag aalala kong tanong, kasi kanina pa siya strange at di mo maintindihan, ngayon naman mas naging aligaga siya at parang may hinahanap na kung ano na hindi ko alam kung ano.
"mama, ano hinahanap mo? Tulungan na kita oh" pagkabanggit ko nyan mas lalong lumakas at bumilis ang pagkatok ng kung sino man sa labas. Baka nga si papa na yun at naiinip na siya.
Pupuntahan ko sana siya ulet pero hinila ako ni mama papunta sa kanya at niyakap.
"mama, bakit? Bat anlamig mo? Bat parang kinakabahan ka?" tanong ko kasi nag aalala na talaga ako sa kanya.
"anak, alam kong hindi mo pa maiintindihan pero sana tandaan mo na mahal na mahal ka ni mama at papa ah" naiiyak niyang banggit sa akin, anong nangyayari uyy, umiiyak si mama, ayokong umiiyak si mama
"mama tama na po please, ano po bang nangyayari?" naiiyak ko ring tanong sa kanya pero hindi niya ako pinansin at may binigay lang sa akin na box na nakalock at sinuotan ako ng necklace na may star sa gitna.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"paglaki mo, maiintindihan mo din ah" banggit ni mama habang hinihimas niya likod ko at nakayakap ako sa kanya.
Biglang narinig kong winawasak na ang pinto namin, gusto ko silipin ang nangyayari pero biglang hinimas ni mama ang star sa necklace ko at may binulong na salita na di ko maintindihan.
"Cassiopeia" at pagkabulong niya nun napunta ako sa ibang mundo.
Nasaan ako? Nasaan si mama? Bakit ako nandito?
Naglibot libot ako at nakita kong hindi ito pangkaraniwang mundo, may nakita akong nagtatanim ng pumpkin sa gilid at nagbunga agad pagkadilig sa mga ito, at mayroong lumilipad na creature na may ulong lion at pakpak eagle. Hindi ko na talaga alam ang mundong ito.
Mayroon akong nakitang lalaking parang kaedad ko lang kaya pinuntahan ko siya para mawala na nag confusion ko.
"Kuya, nasaan po ako?" nagtataka kong tanong sa kanya.
"Nasa mundo tayo ng Cassiopeia" nakangiting sagot niya at nawala na bigla.