Chapter 6: The other side

25 5 0
                                    

Its been a month na since nakatira ako dito. Wala pa din akong ganun kaalam tungkol sa sarili ko at ang tanging naggawa ko lang ay maensayo ang kapangyarihang meron ako. Ineensayo ko sa klase ang kapangyarihang telekinesis at sa dormitoryo naman sa gabi at patago ang iba ko pang kapangyarihan.

Medyo nasasanay na din ako sa lenggwahe nila rito kaya nabawasan na ang pagtataglish ko.

Na sa klase ako ngayon at nag eensayo ako para sa darating naming pagsusulit sa pagdepensa, ako ay mataimtim na nag aaral at ganun din si Amelia na hanggang ngayon ay masama pa din ang tingin sa akin. Ako ay lubos na kinakabahan dahil sa mga titig niyang iyon.

Sa isang buwan ko nga palang pamamalagi rito, nalalamangan ko siya parati at ako na ang napapansin ng mga guro rito at kilala na rin ako sa paaralang ito kaya lubos siyang nagalit at nagagalit pa rin sa akin. Hindi ko lubos na maintindihan kung bakit siya galit na galit gayong mataas rin naman ang marka na nakukuha niya.

Dumating na ang pagsusulit at agad kong sinagutan ang mga iyon, maya maya lang ay pinasa na namin iyon at di tulad sa dati kong kinaroroonan sa Maynila, dito ay mabilis niyang namarkahan ang aming mga pagsusulit marahil na rin sa kapangyarihang taglay na mayroon siya.

"Ang nakakuha ng pinakamataas na marka ay si.... Angel" lahat ay nahpalakpakan sa pahayag ng guro kong iyon maliban na lang kay Amelia na mas umasim pa ang mukha, wala na rin akong pakialam marahil ay nandyan ang 3 kong kaibigan na sumusuporta sa akin.

Matapos ang klaseng iyon ay lumabas na ako ng paaralan habang sila Amethyst ay naiwan dahil may kukunin silang gamit sa loob.

"Hindi ka talaga titigil noh?!" hinarangan ako ni Amelia at sinabe ang mga pahayag na iyan.

"Anong ibig mong sabihin?" tinanong ko.

"Ang papansin mo masyado!! Kinukuha mo lahat ng atensyon ng tao sa paligid mo at inaagawan mo ako ng pwesto! Pwede ba kung saan ka man naroroon dati, bumalik ka na doon at wag nang magpakita pang muli!!!" pagbabanta niya sa akin.

"Amelia" di ako nagkakamali, boses iyon ng queen, bakit siya nandito sa labas ng paaralan namin? Dapat siya ay nagpapahinga ah? "Ikaw ay humingi ng paumanhin kay Angek kung hindi ay hindi ka na makakapag aral sa paaralan na ito." utos sakanya ng reyna at humingi na sa akin ng paumanhin bago umalis.

Pagkaalis niya ay nagcourtsey ako sa harap ng reyna at nagbigay pasasalamat sa ginawang pagligtas sa akin. Tumango lamang siya bilang pagsasabing walang anuman bago tuluyang umalis at iwan akong mag isa.

Ako ay naglakad palayo sa lugar kung saan ako tuluyang mapag iisa, kailangan ko mapag isa dahil madami akong iniisip na mga bagay bagay.

Umupo ako sa isang tabi at naalala ang kwento ng queen noong nakaraang buwan.

Throwback:

"Namatay na siya, pinatay siya ng hari ng Caspian." galit na galit at umiiyak na sabi niya.

"Si Hiwaga ay nag iisang anak ko, napakaganda at napakatalino, marami ang nanliligaw sa kanyang mga lalaki na taga Therondia pero lahat ng iyon ay tinalikuran niya dahil mayroon siyang bukod tangi na minamahal, at yun ay si Prinsipe Sinag ng taga Caspian. Minahal siya ng tunay ng aking anak kung kaya't sumama siya sa kanya, pero GINAHASA NIYA ANG ANAK KO!!! BINABOY NIYA AT PINATAY NIYA ANG ANAK KO!!! LAPASTANGAN SIYANG TAO KAYA NGAYON AY GALIT NA GALIT PA RIN AKO SA MGA TGA CASPIAN!!!" napasigaw na siya habang umiiyak. Hindi ako nagsalita dahil hindi ko rin naman alam ang dapat kong sabihin sa kanya.

"Kaya itong damit mong ito, ingatan mo iyan ah dahil yan ang damit niya noong kaedad mo lamang siya. Ako ang nagbibigay sa iyo ng mga damit mo at ang hiling ko lang ay sana wag mong hahayaang masira yan o mabahiran ng dumi ah." naiiyak pa din siya, di ko alam kung tama tong gagawin ko pero yinakap ko siya hanggang sa tumahan siya. Nakakaawa siya ng lubos.

End of Throwback

Bumabalik pa rin sa isipan ko kung ano mang sinabe sa akin ng queen, may tao palang kayang gawin yun, napakasama ng taong iyon kung ganun, wala siyang konsensya.

Kung nasaan man ang Prinsipe Sinag na iyon, dapat siyang manghingi ng paumanhin sa queen sa kung ano mang kalapastangang ginawa niya at dapat niyang pagbayaran ang kasalanang ginawa niya kay Prinsesa Hiwaga.

Kaso natatakot ako, baka kung ano gawin sa akin ng mga taga Caspian kung nakita nila ako dun. Base sa kwento ng queen, hindi sila mabubuting tao.

Pero gusto ko din makilala ng lubos ang sarili ko, sa isang buwan kong pagtira dito sa Therondia, naikot ko na halos lahat ng lugar dito at wala pa rin akong kaalam alam sa sarili ko. Bat ako may kapangyarihan at kung ano ano pa man.

Bago magabi ay pumunta na ako sa dormitoryo ko at nagulat ako dahil mayroong basket na may mga lamang prutas sa loob.

"Para sa iyo Angel"

Yan ang nakasulat na mensahe sa labas ng basket pero hindi nakalagay kung kanino galing, baka galing na naman sa queen, sakto din dahil kailangan ko ito dahil mukhang mahaba at nakakakabang biyahe ang tatahakin ko ngayon.

Hinintay ko na makatulog si Amethyst bago lumabas ng kwarto namin dala ang basket ng prutas. Mahirap na at baka mag alala ulit siya sa akin at magtanong pa ng napakaraming tanong.

Ginawa ko ang lahat ng makakaya ko para hindi ako mahuli ng tagabantay na lumalabas ng dormitoryo.

Nagtagumpay ako sa paglabas, ngayon naman ay hahanapin ko ulit ang bakod kung saan sa kabilang panig ay territoryo na ng Caspian.

Kumuha ako ng prutas at kinagatan iyon habang naglalakad at ayun napunta na ako sa bakod na hinahanap ko.

Ginamit ko ang teleportation na kapangyarihan ko para makatawid sa kabila. At saktong pagkatungtong ko doon ay nakaramdam ako ng hilo at sakit ng lalamunan, tila ba ay nawawala ako sa sarili ko.

Hindi ko magamit ang kapangyarihan ko sa iisa pang pagkakataon marahil sa sobrang sama ng pakiramdam ko.

Sinubukan ko sumigaw para humingi ng tulong pero hindi ako makapagsalita dulot ng sakit ng lalamunan ko.

Di ko na namalayan na nakahiga na pala ako sa damuhan. Nanghihina na ako at wala na kong ibang naggawa kundi ang pumikit na lamang.

Beyond the Stars [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon