Nagteleport ako?
Agad akong tumawid ng daan papunta kela Amethyst na halatang nagulat din sa ginawa ko.
"Anong nangyari Angel?" tanong sa akin ni Amethyst.
"Ewan ko, ginawa ko lang yung turo sa akin ni Conrad tapos may nakita akong parang portal sa harap ko, nakita niyo ba yun?" tanong ko, pero mukhang nagtaka lang lalo sila Amethyst at Ishmael.
"Ang mga nagteteleport lang nakakakita nun Angel." paliwanag ni Conrad sa akin. "Pag inisip at sinapuso mo na ang lugar na gusto mong puntahan, may portal na lilitaw sa harap mo at pag pumasok ka dun, mapupunta ka na sa lugar na ninanais mo." dagdag pa niya.
"Uy ayos! Mayroon tayong kaibigan na—" di natapos ni Ishmael sasabihin niya dahil pinutol na ni Amethyst ang sinasabe niya.
"Subukan mo nga ang Animal Shifting." tinuruan niya ako ng animal-shifting at sinubukan kong gawin ang tinuro niya.
Maya maya nakita kong parang lumiit ako, bakit?
"Angel, ikaw ay naging kuneho..." gulat na batid ni Amethyst, teka? Yun nga ang gusto ko gayahin, naging rabbit ako?
Tinuruan din ako ni Ishmael ng element bending at naggawa ko rin iyon, di ko sila expert lahat pero naggawa ko, bakit?
"Hindi mo pa gamay ang lahat ng ito pero para sa katulad mong kakaumpisa pa lamang, napakahusay mo na." batid ni Conrad.
"Pero bakit ako nilagay sa Telekinesis?" nagtatakang tanong ko.
"Yun siguro ang pinakaunang kapangyarihang ginamit mo, isang kulay lang dapat ang magiging desisyon ng kapa kaya pinili niya ang kapangyarihang nagamit mo na." naggamit ko na? Kelan ko ginamit ang telekinesis bago ako suotan ng kapa?
Inalala ko ang lahat ng activities ko mula pagkabata hanggang sa napunta ako dito.
Ay naalala ko na yung mamang naghahabol sa akin sa Manila na natulak ko gamit isip ko.
So totoo nga? Bakit hindi sinabe sa akin ni mama?
Gusto kong umuwi pero kailangan ko malaman buong pagkatao ko, magsestay ako dito until malaman ko kung ano ba talaga ako, madami pa atang hindi nasasabe si mama sa akin.
"OY kayong dalawa! Wag niyo pagkakalat toh kahit kanino ah!" banta sa kanila ni Amethyst.
"Eh bakit ba? Ayaw mo nun? May powerful dito?" nagtatakang tanong ni Conrad.
"Una sa lahat, kilala mo si Amelia, pag nalaman niyang merong mas magaling sa kanya, sasaktan niya itong si Angel, pangalawa, ang mga makapangyarihang katulad niya ay maaaring kunin ng mga—" naputol sasabihin ni Amethyst ng magsalita ulit ang principal sa parang speaker.
"Oras na para tumuloy sa inyong kanya kanyang dermitoryo." utos niya kaya sumama na ako kay Amethyst tas humiwalay ang mga lalaki sa amin.
Ang ganda ng kwarto dito, kumikinang, color pink, tas napakalambot ng kama, parang hindi nga dorm ito parang kwarto ko lang toh sa Manila.
"Ang saya naman na ikaw ang kasama ko sa kwarto" banggit ni Amethyst nang nakangiti, pumunta siya sa CR ata yun at maya maya nakita ko nakanightgown na siya.
"Ikaw ba ay di magpapalit?" tanong niya sa akin. Ay oo suot ko pa pala ang dress na binigay sa akin ng queen pamasok ko.
"Eh wala kasi akong damit eh." nahihiyang sabi ko sa kanya.
"Ayan oh damit mo." sabi ni Amethyst sa akin habang may tinuturo.
Nakita ko nga ang eleganteng nightgown na nakasabit, pero teka? Akin toh?
BINABASA MO ANG
Beyond the Stars [ON-GOING]
FantasíaA girl suddenly found herself in an unfamiliar world with a battle between two kingdoms, will she remove the barrier between them?