Chapter 7: Wander

17 5 0
                                    

Onti onti kong minulat ang mata ko at pagkamulat ko ay nakahiga ako sa hindi pamilyar na lugar. Asan ako?

Nanghihina ako at hindi ko magamit ang aking kapangyarihan dahil wala akong lakas.

Nang subukan kong tumayo, biglang may pumasok na dalawng lalaking kaedad ko kasama ang isang lalaki at babae na kaedad ng hari at reyna ng Thendoria.

Pamilyar ang dalawang lalaking ito, ito yung nakasama ko noong naligaw ako sa lugar na ito. Hala! Baka ngayon na ng ang katapusan ko.

"Ito po ang babaeng nakita kong nahimatay sa damuhan." sabi ng isang lalaking kaedad ko sa 2 matanda.

"Nakita rin po namin yan nung isang araw na naliligaw eh." sabi naman ng isa.

"Tingin ko po ulila siya at wala siyang matutuluyan." dagdag ulit ng isa.

"Eh kung tanungin kaya natin siya?" sabi naman ng isa at lumapit sa akin ang 4 na kasama ko sa kwarto.

"Nakatulog ka ba ng maayos? Ano ang iyong pangalan?" tanong ng isa. Sasagot sana ako pero walang boses na lumalabas sa bibig ko. Paulit ulit kong sinusubukan magsalita at wala pa ding nangyayari, naiiyak na ko. Napansin ata nila na nagpapanic na ako kaya agad nila akong pinaupo at pinakalma.

"Hindi siya makapagsalita mahal na reyna." batid ng isa sa matandang babae. Reyna? Siya ang reyna ng Caspian? Edi ibig sabihin siya ang nanay ng Prinsipe Sinag. Magdalita ka Angel!! Tanungin mo kung na saan si Prinsipe Sinag! Ginamit ko ang buong lakas ko para makapagsalita pero wala pa ring nangyayari.

"Hindi ba mayroon kayong tanim na bulaklak panggawa ng Lobelia Feston?" huh? Lobelia? Ano yun? Atsaka Feston pala pangalan ng lalaking yun.

"Kakatanim palang ho eh, sa susunod na linggo magbubunga na ho iyon." sagot nung Feston sa reyna.

"Isang buwan bago makagawa ng Lobelia gamot para sa mga nawalan ng boses, kaya habang hindi pa nagagawa ang gamot, dito siya sa amin titira." padeklara ng hari, hala! Di ako titira dito babalik akong Thendoria. Huhu, pero wala na rin ako magawa kasi wala akong sapat na lakas para bumalik dun.

Sinamahan na ako ng hari at reyna papunta sa palasyo nila, ako ay tumitingin tingin sa paligid at normal lang naman. Well hindi normal, what I mean is parehas lang sila ng Therondia, walang pinagkaiba.

Pagkarating din namin sa palasyo, wala din pinagkaiba, nagbigay galang din ang mga sundalo sa hari at reyna at tuluyan nang pumasok.

"Tuloy ka iha oh, ito ang magiging kwarto mo ah." tinuro sa akin ng reyna ang kwarto na plain white, siguro guest room ito, pero titira ako sa palasyo, di ako makaaniwala.

Mukha akong gulat na gulat pero akala ata ng hari at reyna ay hindi ako natutuwa sa itsura ng kwarto ko.

"Ayaw mo ba ng kulay? Sige papalitan natin." sabi ng hari at nagsnap siya at naging kulay pink ang kwarto kaya mas lalo ako namangha at natuwa. Nakita ata nila na nakangiti na ko kaya inisip nila na natutuwa ako.

"Isa itong regalo ng Diyosa ni Cassiopeia sa atin!" tuwang tuwa na sinabe ng reyna sa hari.

"Oo nga, hindi tayo nagkaroon ng anak na babae, ngayon ay may tuturingin na tayong anak ngayon na babae, tingnan mo siya oh, ang ganda ganda niya." emosyonal na sinaad ng hari, hah?! Ano daw?

"Mukhang kailangan niyang mapag isa, maiwan ka na namin ah." naiiyak ang queen, anak? Ako? Reyna at hari? So magbubuhay prinsesa ako dito?

Medyo nanghihina pa din ako kaya humiga ako sa napakalambot na kama, mas malambot at malaki ito sa kama dun sa dormitoryo, madali akong makakatulog nito.

Paggising ko ay nakita ko ang queen na nasa tabi ko sa bedside table na nakaupo habang nagbabasa ng libro, sinilip ko kung ano ang binabasa niya at nabasa ko ay 'paano mag alaga ng magiging prinsesa?' awit kakarating ko lang dito parang gusto na nila ako ituring na anak, at kung magiging anak nila ako, edi magiging kapatid ko yung Prinsipe Sinag na nanggahasa sa Prinsesa Hiwaga? Eww.

Napansin ata ng queen na gising na ako dahil tumigil siya sa pagbabasa.

"Nagugutom ka na ba? Kaya mo na ba tumayo? Tara at tayo ay kumain na." nagugutom na rin ako kaya tumayo na ako at sinundan siya.

Pumunta ako sa mahabang lamesa at ako ay pinatabi ng queen sa tabi niya. Andaming pagkaing nakahain, well soup ang nakakaraming klase ng soup.

"Magandang araw binibini!" bati ng dalawang lalaking kaedad ko, isa si Feston at yung isa ay hindi ko kilala.

"Binibini, ito ang tikman mong sabaw, masarap yan at mawawala ang sama ng pakiramdam mo." saad ng isang lalaking hindi ko pa kilala.

"Magtigil ka Damian! Binibini, ang sabaw ko ang tikman mo, dyan siguradong gagaan ang loob mo!" saad naman ni Feston.

"Oy Oy Oy magtigil kayong dalawa! Tinatakot niyo yung bata kararating lang dine eh, ang hihigupin niya ay ang sabaw na niluto ko dahil ako ang hari rito!" saad naman ng hari. Huh?

"Magtigil ka nga Gethrod! Ikaw ay hindi naman talaga nagluluto kahit dati, gusto mo lang na magpasikat dito sa batang ito, baka mapahiy ka lang kaya ang kakainin niya ay ang sabaw na niluto ko." sabi naman ng reyna. Okay?

Ngayon ay nagtatalo talo na sila sa kung kaninong sabaw ang mas masarap. Edi tikman nila ang luto ng isa't isa para malaman nila.

"Ang bata na lang ang papiliin natin, iha, ano bang naiibigan mong higupin sa apat na iyan?" tanong ng hari at ipinakita ang apat na mangkok na may lamang ibat ibang uri ng sabaw.

Ayokong may masaktan sila kaya kinuha ko lahat ng iyon kahit sobrang dami iyon at hindi ko mauubos.

Tinikman ko yung isa at talagang napakapanget ng lasa! Sinubukan ko gamit lahat ng makakakaya ko para hindi mapakita na ayaw ko iyon pero hindj ako nagtagumpay dahil nadura ko iyon.

"Sabi ko kasi sayo Damian na wag mo pakainin yan eh, yan tuloy muntik siya malason muli." pang aasar ni Feston kay Damian.

Sunod na hinigop ko ay saksakan naman ng tamis kaya napaubo ako. Agad silang tumakbo para himasin ang likod ko. Awit special treatment.

"Sabi ko kasi sayo Feston wag mo lagyan ng napakaraming pulot pukyotan ang sabaw mo eh!" pang aasar naman ni Damian kay Feston.

"Kung titingnan mo kasi ang binibini, ang galaw at mukha niya ay kasing tamis ng pulot pukyutan! Sinisimbolo ng sabaw na ito ang katangian niya kaya iyan ang ginawa ko." saad naman ni Feston, anudaw?

"Magtigil ka! Masama ang puro tamis lalo na't hindi siya nasa mabuting lagay!" pagsasaway sa kanya ni Damian kaya natawa silang lahat.

Sunod na tinikman ko ay napaawang ako ng bibig. Napakaanghang!!! Lahat sila ay hindi nagkanda ugaga na kunan ako ng tubig na maiinom.

"Ayaw niya pala sa maaanghang? Ako kasi mahilig sa mga iyan." nahihiyang saad ng Hari.

Tinikman ko ang pinakahuling sabaw at iyon ang pinakamasarap.

"Sarap ba?" tanong ng queen kaya napatango ako, nakita ko na binelatan niya ang 3 pang nagluto ng sabaw at lahat sila ay napakamot na lang sa batok.

"Mahal na reyna gusto niyo po ba na ako na lang ang magpakain sa dalaga?" tanong ata ng katulong nila pero tumanggi ang reyna.

"Ngayon ka lang ho gumawa ng mga gawaing pangkatulong magmula noong—" hindi na natuloy ang sinasabe ng katulong dahil pinandilatan siya ng reyna. Wala na ko naiintindihan.

Ang alam ko lang ay pinapakain na ako ngayon ng reyna at sinusubuan pa, wow reyna tas ako sinusubuan? Wow what a life!

Pero mali ito eh, sinabe ng mga taga Therondia na masasama ang mga taga Caspian, na sila ay hindi mapagkakatiwalaan, pero base sa nakikita ko, ay parehas lang naman silang may mabuting puso.

Pwede kayang nagsisinungaling ang taga Caspian? O pwede din kayang nagsisinungaling din ang mga taga Therondia? Hindi ko alam.

Bukas ay sisimulan ko ang paglalakbay para sa mga kasagutan sa aking katanungan.

Beyond the Stars [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon