Chapter 15: Dear Angel

14 3 0
                                    

Gulat na gulat sila Prinsesa Hiwaga at Prinsipe Sinag sa nangyayari pero ginawa pa rin nilang makinig sa kung ano mang sasabihin ng Diyosa.

"Kayo ay bibiyayaan ko ng isang anak bilang aking regalo sa inyong mabubuting kalooban, siya ay iyong ingatan. Magpatuloy pa rin kayo sa paggawa ng mabuti at baka kayo ay gantimpalaan ko lalo." saad ng diyosa at biglaan na lang nawala.

"Ano ang ibig sabihin ng diyosa? Gantimpala sa pagiging mabuti?" nagtatakang tanong ni Hiwaga.

"Magantimpalaan man o hindi, masaya ako tuwing nakakagawa ako ng mabuti, at alam kong ikaw rin ay ganoon." nakangiting saad ni Sinag. "Sinabe rin ng diyosa na tayo raw ay magkakaanak! Yun ang pinakamagandang gantimpala na matatanggap ko! Wala na akong pakialam sa iba pa. Magkakaanak na tayo Hiwaga!" natutuwang saad ng prinsipe at inikot ikot ang prinsesa sa tuwa.

Hindi pa rin naman kumukupas ang pagmamahalan ng dalawa. Nakikita ko kung gaano inaalagaan ng Prinsipe Sinag ang buntis na Prinsesa Hiwaga. Ang Prinsesa Hiwaga naman ay laging kinakantahan at binabasahan ng mga storya ang kanyang ipinagdadalang tao.

Dumating ang araw na pinakahihintay ng mag asawa at yun ang kung saan ay isisilang na nila ang kanilang anak. Dahil marami silang natulungang mga tao, marami ring tumulong sakanila ngayong isisilang na ang kanilang kauna unahang anak.

"Babae ang iyong anak." saad ng komadrona at ibinigay ang bata sa prinsesa.

"Anong ipapangalan natin sa kanya irog?" tanong ng prinsipe sa kanya.

"Araw-araw tayo nagdarasal lagi sa mga bituin para sa isang anak." naiiyak na saad ng prinsesa nang dahil sa tuwa. "Kaya papangalanan natin siyang Tala." natuwa naman ang prinsipe sa pangalan at halatang nagustuhan at nagandahan siya sa pangalang ibinigay ng kanyang irog.

Ganoon pa rin naman ang buhay nila pagkatapos ng insidenteng iyon. Si Hiwaga ay nasa bahay inaalagaan ang anak na si Tala at ang kanyang asawa naman ay nagtatrabaho upang may makain.

Laging nakabantay si Hiwaga kay Tala hanggang sa isang araw ay mayroong kumatok sa pintuan nila Hiwaga upang manghingi ng tulong.

Iniwan saglit ni Hiwaga si Tala at inabutan ng pagkain ang taong nanghihingi ng tulong sa labas. Nagpasalamat ito. At saktong pagkaalis neto ay dumating ang kanyang asawa at sabay pagtawa ng kanilang anak na si Tala na naiwan sa higaan sa kwarto nilang dalawa.

Agad pinuntahan ng mag asawa ang bata sa kadahilanang ito ang dahilan ng kanilang kasiyahan sa araw araw, makita lamang itong masaya at malusog ay sila rin ay sobrang saya na.

Ngunit nang makita nila ang bata sa pagkakataong ito ay sila ay nagulat at natakot sapagkat mayroong hawak hawak na bagay ang bata na pamilyar sa mag asawa.

"Ang h-hawak b-ba ni T-tala ay—" nauutal na saad ng prinsesa.

"S-singsing ni Diyosang Cassiopeia" nauutal rin na sagot ng prinsipe. Sila ay napatulala sa bata na walang kaalam alam sa kung ano mang bagay na hawak niya.

Natakot at naiiyak si Hiwaga dahil sa nangyari.

"Ito ang bagay na naging dahilan bakit nag away ang panig nating dalawa! Malamang kakalat ang balita at susugurin tayo rito! Madadamay si Tala! Ayoko masaktan si Tala! Bata lang siya at hindi dapat siya kasama sa mga ito!" naiiyak na saad ng prinsesa.

"Hindi ko kayo pababayaan, ako ang bahala. Hindi ko hahayaang masaktan ka at lalong lalo na si Tala. Wag ka na umiyak irog." niyakap ng prinsipe ang prinsesa at pinatahan ito. Kahit siya ay umaktong malakas, siya rin ay natatakot para sa kapakanan ng kanilang nag iisang anak.

Hindi nga sila nagkamali dahil pagkalipas ng ilang linggo ay mayroon ngang sumugod sakanila na hindi naman nila kapitbahay at may mga dalang sulo na may nagbabagang apoy.

"ALAM KONG NASAINYO ANG SINGISING! BIGAY NIYO SAMIN ANG SINGSING!" ngunit alam nilang hindi dapat ibigay ito sa mga taong aabusuhin lang ang kapangyarihan nito kaya hindi nila ibinigay ang singsing.

Lumaban ang prinsipe hanggang sa makakaya niya. Siya ay malakas base na lamang sa kung pano ko siya panoorin ngayon. Ang prinsesa naman ay na sa loob ng bahay, umiiyak habang yakap yakap si Tala.

"Kailangan ko protektahan ang asawa ko, ngunit hindi ko pwede iwan si Tala dahil baka masaktan siya ng aming mga kaharian." halatang naguguluhan ang prinsesa sa kanyang gagawin.

Nilagay niya si Tala sa isang basket, kinumutan ito at sinubukan itago ang singsing sa kailailaliman neto at inilagay sa tagong lugar.

"Diyosa ni Cassiopeia, kailangan ko po tulungan ang aking asawa. Ipinagdarasal ko po sa inyo. Kung hindi man po kami maligtas, sana po si Tala ay mailigtas ninyo, protektahan niyo po siya at wag na wag niyo po siya ipapahamak." pagdarasal ng prinsesa bago niya niyakap ng mahigpit ang kanyabg anak at hinalikan ito. "Mahal na mahal ka ng nanay at tatay mo ah." saad niya bago iti tuluyang iniwan at tinulungan ang kanyang asawa.

Nakita ko na ang bata na na sa basket ay nawala, walang kumuha sa kanya sadyang nawala lang siya sa lugar na iyon. Inilipat ko ang tingin ko sa mag asawa at nakikita kong nanghihina na sila hanggang sa tuluyan na silang nabawian ng buhay.

Sinugod ng mga taong nakalaban ng mag asawa ang loob ng bahay para makita ang hinahanap nilang singsing ngunit hindi pa rin nila makita at sila ay hindi nagtagumpay sa kanilang misyon.

Maya maya lang ay hindi na ulit ako makahinga at naramdaman ko na ulit na nasa ilalim ako ng tubig kaya dali dali akong umahon.

"Oh? Kumusta ka Angel?" tanong ni Amethyst sa akin.

"Ayos lang" saad ko.

"Ano ang iyong nalaman? Sino ang may kasalanan?" tanong ni Sybella.

"W-wala. Sila ay tunay na nagmamahalan at nagkaroon pa nga ng anak. Parehas silang namatay na pero ang anak nila ay buhay at hindi alam kung saan napunta. Hahanapin ko ang kanilang anak para iharap sila sa reyna at hari ng inyong mga kaharian." saad ko.

"Pwede ba magpahinga muna tayo? Gabi na eh, sige na Angel." saad ni Conrad. Pinagbigyan ko na lamang sila dahil alam kong nakakapagod ang maglakbay. Bumalik kami sa village at tumuloy s isang bakanteng bahay roon.

Pinagmasdan ko ang mga kasama kong nakatulog agad. Ako itong hindi makatulog dahil hindi ko maproseso ang mga nangyayari.

Sa aking pagmumuni muni, nakita ko ang box na ibinigay sa akin ni mama bago ako napadpad rito. Nakita ko rin ang kwintas na isinuot niya sa akin noon.

Hinimad ko ang kwintas at nagulat ako dahil bumukas, locket pala iyon. At pagkabukas ko ay may susi sa loob.

Ang susina iyon ay para sa box na ibinigay sa akin ni mama. Kaya binuksan ko iyon at nagulat ako dahil andaming papel roon bumukas ako ng isa at nakita kong isa pala iyong liham

To: Angel

From: Eden

Pangalan ni mama toh ah? Binuksan ko na lang ang liham dahil baka may importanteng nakasaadsa loob nun.

Dear Angel,

Kung ito ay nababasa mo ay ibig sabihin nun ay handa ka na malaman ang totoo....

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 10, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Beyond the Stars [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon