Chapter 8: Son and Daughter

17 5 0
                                    

Hmm, gising na ako pero ayoko pa bumangon. Gusto ko pa matulog. Pano ba naman kasi? Anlambot lambot ng kama at ang bango bango sa loob ng kwarto.

Pagkamulat ko ng mata ko, tsaka ko lang naalala na na sa palasyo pala ako ng Caspian natutulog, umupo na lang muna ako at tumulala bago ko ayusin ang kama.

Pero patayo palang ako sa kama nang may pumasok na katulong sa kwarto na tinutuluyan ko na may dala dalang napakalaking tray ng samu't saring pagkain.

"Binibini, mamili ka po ng gusto mong almusal na kakainin mo." alok sa akin ng katulong, umiling ako bilang pagtatanggi kasi nahihiya ako.

"Utos ng reyna iyan kaya dapat ho ay kumain ka." batid niya at wala na nga akong naggawa kundi mamili na lang ng kakainin.

Pinili ko yung ham na umuusok at mayroong kasamang kape at mansanas panghimagas. Wow breakfast palang full course meal na agad dito. Syempre di tulad kagabi, hindi na ko nagpasubo at kumain na lang sa sarili ko. Napakasarap ng pagkain nila dito sa mundong ito.

Pagkatapos kong kumain, lumabas na ko ng kwarto at nag ikot ikot sa palasyo dahil binigyan rin ako ng permisyo ni Reyna Belen para makapagikot sa palasyo ng Caspian. Oo nagpakilala siya sa akin at Belen ang pangalan niya.

Kailangan ko mahanap si Prinsipe Sinag. Kailangan niya manghingi ng paumanhin kay Reyna Vemery dahil sa kababuyan niya. Naghanap hanap ako sa palasyo at tiningnan kada kwarto roon pero wala siya. Pero meron doon kwarto na kulay bughaw at mas malaki pa sa kwarto ko, iyon ata ang kwarto ng prinsipe.

Pero ang dapat sa kanya ay makulong dahil sa panggagahasa niya. Hindi maganda ang ginawa niya kaya dapat niya iyon pagbayaran.

Pero napagod lang ako sa paghahanap hanap dito sa palasyong ito at wala akong ni isang prinsipe na nakita rito kaya napagdesisyunan kong lumabas ng palasyo at hanapin siya sa buomg Caspian.

Lumabas ako nang walang nakakakita sa akin at nagtagumpay ako.

Naglakad lakad ako at talaga ngang walang pinagkaiba ito sa Thendoria. Nakakita na naman ako ng simbahan na mayroong statwa ng babae na inaassume kong si Cassiopeia.

Pumunta ako sa loob ng simbahan nagbabakasakaling andun ang Prinsipe Sinag. Malay mo nagiguilty na siya at gusto niya humingi ng tawad sa diyosa.

Pero nagkamali ako dahil wala siya dun kaya naghanap pa ako at naglakad lakad pang muli.

Nang makaramdam ako ng pagod, kumuha ako ng prutas na bunga ulit sa lugar na ito at umupo sa ilalim ng puno para magpahinga.

Dapat magpapahinga lang ako pero napahiga na rin ako dahil napakasarap at sariwa ng simoy ng hangin dito. Ang bango bango pa.

At hindi makati sa balat ang damo rito sa mundong ito. Sa libro at pelikula ko lang nakikita ang mga ganito at hindi ko akalaing mangyayari pala sa akin toh sa totoong buhay.

Hindi ko matiis na makatulog dahil sa sobrang kumportable ng paligid ko. Parang hindi mo na kakailanganin ng kama para makatulog ka ng maayos sa lugar na ito.

Nakapikit na ako at patulog palang sana nang may umistorbo sa akin.

"BINIBINI! GUMISING KA!" nagulat ako at agad akong napatayo para tingnan kung sino iyon, si Damian lang pala.

"Tinakot mo ang binibini tsk, sabing dahan dahan lang eh!" binatukan siya ni Feston habang sinasabe iyon.

"Hinahanap ka ng reyna binibini, sobrang nag aalala ang reyna sa lagay mo, kailangan mo na umuwi at ikaw ay aalalayan ko." pang aalok ni Feston sa akin.

"Anong ikaw?! Ako ang mag aalalay sa kanya!!" pangongontra naman ni Damian at nagtalo na nga sila kung sino ang maghahatid sa akin pag uwi.

Dahil busy sila magtalo, ako ay tumayo na at naglakad na palayo. Ako na lang maghahanap ng palasyo mag isa at baka mas mastress ako lalo sa dalawang ito.

Maya maya ay narinig ko na sila na papalapit sa akkn at tumatakbo. Ayun magkasama naman pala silang ihahatid ako eh. Ayan kapayapaan.

"Ikaw kasi ayan tuloy iniwan tayo ng binibini kasi tinatakot mo siya!!!" pambabara ni Feston.

"Kaya tayo iniwan ng binibini dahil sumasakit ulo niya sa iyo!!!" pambabara naman ni Damian.

Kapayapaan nga ba? Or not? Nag aaway pa rin sila eh.

Yun lang ang ginawa nila magdamag, ang mag away habang hinahatid ako papuntang palasyo. Aww explain stress?

Nang andun na ako sa pinto ng palasyo, as usual may mga sundalo na nakabantay sa pinto pero pinapasok ako ng mga sundalo at hinarangan ang dalawa kong kasamang nagtatalo.

Nakita ako ng queen at agad niya akong nilapitan nang nakita niya ako.

"Saan ka ba galing iha? Bat ka lumabas? Ano ginawa mo? Hindi ka ba kuntenti rito? Ano ba kailangan mo para hindi ka na umalis dito at baka mapano ka?" nag aalalang at sunod sunod na tanong ng queen. Uhm? Pano ko sasagutin eh di nga ko makapagsalita at wala pa rin akong boses. "Tara na nga at pumunta ka ng kwarto, hinanda na ng mga katulong ang panligo mo at maligo ka na muna bago ka magpahinga ah." bilin sa akin ng queen.

Pagkapasok ko sa CR, ang laki at namangha ulit ako. May bathub na sobrang laki at nakita ko na hinanda nga talaga ng mabuti ng katulong ang panligo nito dahil bumubula bula pa.

Nagtanggal ako ng damit ko at tumungtong sa bathtub. Nakakapresko! Sa Manila kasi tabo lang ako eh.

Nagbabad ako dun at dun ko sinubukan matulog at nakaidlip nga ako hanggang sa makakaya ko at umahon ako pagtapos.

Nakita ko na may nakahanda na rin akong damit na sa tingin ko ay yinari pa sa silks. Wow special ako ah.

Sinuot ko iyon at nagsuklay mg buhok bago ako dumeretso sa kama ko.

Hihiga na sana ako nang lumapit ang queen sa akin.

"Akala ko ay merong nangyari sayong masama iha. Pinag alala mo ako ng husto." panimula ng queen sa akin. Bat siya nag aalala eh di naman niya ko kaano ano? "Alam kong sasabihin mong hindi kita kaano ano pero ang gaan na ng loob ko sayo. Siguro dahil hindi pa ako nagkakaron ng anak na babae sa buong tanang buhay ko. Lalaki lang ang naging anak ko at iisa lang siya." napaantig ang tenga ko sa sinabe niya. Yan ata si Prinsipe Sinag! Makikinig nga ko sa kwento niya. "Inalagaan ko siya, kami ng asawa kong si Gethrod, mahal na mahal namin siya kasi nag iisang anak namin siya eh, yun nga lang—" naputol ang kwento niya dahil mayroong kumatok sa pinto.

"Mahal na reyna kailangan ka raw ng paaralan ng Caspian." batid ng katulong kaya napatango na lang ang reyna.

"Magpahinga ka na riyan binibini ah. Wag ka na aalis ulit." nakangiting saad ng reyna bago lumabas ng tuluyan ng kwarto.

Naputol ang kwento niya. Anong mayroon kay Prinsipe Sinag?

Beyond the Stars [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon