Ano daw? Isang katanungan lang ang tanging maisasagot ng totoo ng lawa?
Ano pipiliin ko? Lumakbay ako ng pagkahaba haba dahil inaasahan kong mapag aayos ko ang dalawang panig at kasabay nun ang pagkilala ko ng mas maigi sa sarili ko.
Wala naman akong naiusad at nalaman tungkol sa sarili ko dito sa paglalakbay na ito at hindi ko pa rin nalalaman ang totoong nangyari sa Caspian at Therondia. Ano gagawin ko?
Pipiliin ko bang maging makasarili? Habang naisip ko iyon ay napatingin ako sa mga kasama ko na halatang naiilang pa rin sa isat isa. Mahalaga na sila sa akin kahit dalawnag buwan palang ako dito sa lugar na ito. Matitiis ko bang ganyan sila for the sake na mas makilala ko sarili ko?
Ang turo sa akin ni mama sa mundo namin dati is wag maging makasarili at as much as possible tumulong sa iba nang walang hinihinging kapalit.
Baka pag nagbati pa yung dalawang panig na ito, edi mas mag uunite kami at ang next mission naman namin is kilalanin ang sarili ko. Kaya eto, nakapagdesisyon na ko.
"Iha, alam mo na ba ang katanungan na nais mong ipasagot sa lawa?" tanong sa akin ng babae sa village.
"Opo, alam ko na po." kinakabahan pero handa na ko.
"Sige dahan dahan mong ilublob sarili mo sa lawa, at sa oras na nasa ilalim na ang buong katawan mo, itanong mo ulit sa isip mo ang gusto mo ipasagot sa lawa." pagagabay niya sa akin.
Nagipon muna ako ng hininga bago ako dahan dahan na lumubog sa ilalim, nang magsink na pati ang ulo ko, tinanong ko na ulit sa isip ko ang gusto ko malaman.
Bakit may away sa pagitan ng Therondia at Caspian noon hanggang ngayon?
Nang maitanong ko yan, nagulat ako kasi nakahinga ako ulit knowing na nasa tubig ako. Yun nga lang pagkatapos ko huminga at parang inanod ako sa kung saan man hanggang sa mapunta ako sa isang lugar.
Anong lugar ito? Wala pang gaanong disenyo dito at ang tanging meron kang ay mga damo, puno at ang bughaw na langit.
Maya maya lang ay may nakita akong dalawang makikisig na lalaki na nakakatakot ang aura.
Ang mas nakakagulat ay dinaanan ako ng isa nang di niya ko napapansin. Tumagos nga lang siya sa akin nung dinaanan niya ko. Wala bang nakakakita sa akin dito? Asan ba ko?
"Sa akin mapupunta ng singsing Caspian! Ako ay tiyak na mas malakas at mas makisig kaysa sa iyo!" sinabe ng isang nakakatakot na lalaki. Teka? Si Caspian kausap niya? So by any chances, siya si Therondia?
"Hinding hindi ako magpapatalo sa iyo Therondia, nagawa na natin lahat ng paligsahan maliban sa pagsisid sa karagatan. Kung sino ang pinakamatagal na nakasisid dito ay siyang pinakamalakas at talagang karapat dapat sa singsing ng Diyosang Cassiopeia" pagbabanta ni Caspian.
At ayun nga sumisid sila sa karagatan, at di nga nagsisinungaling ang ermitanyo dahil wala ngang umahon na ni isa sakanila, nakita ko na lang ang lumulutang na bangkay nila pagkatapos ng isang oras na pagkasisid nang hindi umaahon.
Inanod na naman ako ng lawa at dinala ako sa isang lugar.
Ito ang Cassiopeia's main church, sa loob nito ay may isang dalagang umiiyak habang nagdadasal. Inapproach siya ng isang binata at inofferan ng panyo. Nag usap sila at maya maya ay napagdesisyunan ng umalis.
Sinundan ko sila upang mapakinggan ang usapan nila.
"Bakit ka nga ba andito sa lugar na ito?" tanong ng binata sa dalaga.
"Nakakapagod na rin kasi sa amin, lagi na lang pinapaalala sa akin ang aking mga tungkulin kahit di ko naman alam kung para saan ang mga iyon." naiinis na sinabe ng dalaga.
"Parehas pala tayo binibini." nagkangitian ang dalaga at binata. Hindi ako naniniwala sa love at first sight pero eto ako ngayon at nakikita kong totoo nga iyon.
"Ano nga ba ang pangalan mo?" tanong ng binata.
"Hiwaga." pagpapakilala ng dalaga habang nilalahad ang kamay.
"Sinag." nakipagkamayan ang binata sa kanya
Sinag? Hiwaga? Diba yun yung prinsesa at prinsipe? Dyan pala sila una nagkakilala?
Nang makarating na sila sa mga tahanan nila, nagulat ang isa't isa dahil sa lahat ng pwedeng lugar, bakit ang irog nila ay nakatira sa panig kung saan tinuturing na kaaway ng kanilang kaharian.
Madaming pumipilang manliligaw sa prinsesa dahil pinipilit na siya magpakasal ng reyna at hari dahil kailangan daw niya ng hari bilang tagapagmana ng trono.
Ngunit ayaw ng prinsesa sa mga yun at patagong nakikipagkita sa prinsipe ng Caspian sa bakod na nagsisilbing harang sa dalawang panig.
Paminsan ay tumatakas pa sila upang makasama lamang ang isa't isa nang hindi nakikita ng kung sino man sa dalawang kaharian.
Ngunit isang araw ay hindi na napigilan ng prinsesa na sabihin ang katotohanan sa kanyang mga magulang.
"May iba na akong mahal, inay at itay, at hindi siya taga rito sa kaharian na ito sapagkat s-siya a-ay" nauutal na banggit ng prinsesa. "t-taga C-Caspian." at napayuko sa pinakahuling katagang iyon.
Pinagalitan siya ng kanyang mga magulang pero wala siyang pakialam at hindi nagpainda. Masyadong malakas ang pagmamahal ng prinsesa sa prinsipe. Nakakatouch naman, sana hindi siya ginago ng prinsipe ah.
Napalipat naman ako sa kabilang panig at nakita ko ang prinsipe na kausap din ang mga magulang niya.
"Mahal ko ang prinsesa ng Therondia! Wala akong pakialam kung taga saan man siya dahil mahal ko siya. At ang mas nakakahigit pa dun, ay mahal niya rin ako!" ang tapang naman talaga.
Syempre pinagalitan din siya, at nung kinagabihan nun ay nagkita ulit sila sa bakod at nag usap.
"Tumakas na tayo rito, tayo na at magpakasal." alok ng prinsipe sa prinsesa.
"Hindi tayo tatanggapin ng mga tao dito." naiiyak na sinabe ng prinsesa.
"Magpapakasal tayo dun sa lugar kung saan tayo una nagkita, titira tayo sa napakalayong lugar kung saan walang Therondia at walang Caspian. Dun tayo sa tahimik na lugar, wala akong pakialam kahit saan basta kasama kita." banggit ulit ng prinsipe at hindi na nag alinlangan ang prinsesa na sumama sa kanya.
Ayun nga nagpakasal sila dun sa simbahan at yung bishop na nakita namin sa aming paglalakbay ang nagkasal sa kanila.
Nakita ko ang isang typical na mag asawa na ang babae ay nagluluto, at ang lalaki ay nagtatanim para sa kanilang makakain. Ang laki ng pinagbago ng dalawa. Nung una kong nakita sa kanila ay nakasilk pa ang kanilang mga damit pero ngayon ay namumuhay na sila ng simple.
Ngunit araw araw ay hinihingi nila sa dyosa, tumitingala sa mga bituin para sa isang anak.
Nakita ko rin ang kanilang mabubuting puso na hindi nagdadalawang isip para tumulong sa iba.
Ngunit isang araw ay mayroon din nanghingi ulit ng tulong sa kanya.
"Ako ay gutom na gutom na at walang makain." naiiyak na sinabe ng pulubi, mabilis pa sa alas kwatro na inasikaso ng prinsesa ang pulubi na para bang ito lang ay isang bisita.
Pero siya nga ay isang bisita dahil ang pulubi na na sa harap niya ay naging isang napakagandang diyosa. Siya si Cassiopeia.
"Dahil sa inyong kagandahang loob ng iyong asawa, mayroon akong ibibigay sainyong regalo." nakangiting sinabe ng diyosa habang ang mag asawa ay gulat na gulat pa rin.

BINABASA MO ANG
Beyond the Stars [ON-GOING]
FantasíaA girl suddenly found herself in an unfamiliar world with a battle between two kingdoms, will she remove the barrier between them?