[A/N: may inayos lang po ulet sa chapter na toh huhu]
Tahimik lang kami habang pauwi ng Therondia. Nakakatakot. Hindi ko alam ang dapat kong sabihin or kung may dapat ba akong sabihin. Nang na sa barrier na kami, nakita ko na kung paano sinira ng queen yun nang di manlang hinahawakan at pumasok na sa kabilang panig at inayos muli nang di ulit hinahawakan. Pano?
Pagka pasok ko ng Thendoria, ineexpect ko nampagagalitan ako ng queen kasi sumama ako sa kalaban. Pero mali ako.
"Ayos ka lang ba iha? Napano ka? Ano ginawa nila sayo dun?" Sunod sunod na tanong ni Queen Vemery, para lang siyang si Queen Belen eh.
"Ayos lang po ako, wag na po kayo mag alala." Pagrereassure ko sa kanila.
"Masyado mo kaming pinag alala iha. Halos lahat ng mga tao sa kaharian na ito ay himahanap ka magmula nung ikaw ay nawala." Batid ni Haring Jareth. Huh? Bakit ako hahanapin ng mga tao dito?
"Ang mabuti pa ay sa palasyo ka na namin matulog para mababantayan ka na namin doon." Suggestion ng Queen, matutulog na naman ako sa palasyo?
"Oo nga iha, ang mabuti pa ay pumasok ka muna sa klase niyo at pagkatapos nun, dalhin mo lahat ng gamit mo sa dormitoryo at ilipat mo sa palasyo, dun ka matutulog sa dating kwarto ni Hiwaga." Utos ng hari at sila ay umalis na, nakita ko ang queen na medyo naluluha. Ano gagawin ko?
Pumunta akong klase at lahat sila ay natuwa na nakita ako, sinabe nila na nag alala raw sila sa akin nung nawala ako, tas lahat daw sila ay nalungkot. Wow OA naman ng mga toh.
Pero syempre laging may exception, hindi lahat ay natuwa nang makita ako, hindi ko na kailangan banggitin pangalan niya eh kasi mukhang kilalang kilala niyo naman kung sino yun. Ang sama ng tingin niya sa akin hanggang ngayon. Wow parang gustong gusto na talaga niya ako patayin ah.
Nang matapos ang klase ay nagkasalubong na naman kami nila Amethyst at niyakap nila ako nang mahigpit na kesyo nag aalala raw sila sa akin ganun.
"Kahit kelan talaga napakapapansin mong babae ka!!" Di ko na kailangan sabihin kung sino ang nag interrupt sa amin at nagsabi ng mga kataga na iyan. "Kaya ka siguro nawala para malipat sayo yung mga atensyon ng mga nilalang dito!!" Yan nagagalit na nga siya. Nagsilbing harang si Amethyst sa aming dalawa at ipinagtanggol na naman ako.
"Kaya siya hinahanap rito kasi napakabait niyang tao hindi kagaya mo! Gusto mong isumbong kita sa queen para hindi ka na makapag aral pang muli?!" Pagbabanta ni Amethyst kay Amelia na naging dahilan kung bakit siya natakot at lumayo na lang biglaan.
"Kumusta ka naman Angel?" Tanong sa akin ni Conrad nang umalis si Amelia.
Kumusta nga ba ako? Hindi ko din alam kung ano nga ba ang lagay ko. One word to describe it, confused.
"Naguguluhan ako eh." Sagot ko kay Conrad.
"Naguguluhan saan?" Tanong ni Ishmael.
"Naguguluhan sa kung ano nga ba ang totoo at kung sinong panig ang nagsisinungaling." Pagkatapos ko sabihin yan ay kwinento ko kung ano ang nalaman kong nangyari sa prinsipe ng Caspian.
"Wag mo sila paniniwalaan Angel dahil kilala ko si Queen Vemery at hinding hindi siya magsisinungaling o gagawa ng kwento." Saad ni Amethyst pero wala akong pakialam.
"Pero hindi mo kilala si Queen Belen kaya hindi mo masasabi kung siya ba ay nagsisinungaling o hindi." Saad ko na nagpatahimik sa kanilang lahat. "Gusto ko lang na dahil andito na rin naman ako sa mundo ni Cassiopeia, gusto ko malaman kung ano nga ba ang totoo, at hindi ko malalaman kung ano ang totoo pag sa Thendoria o Caspian ako nagtanong." Saad ko.
"Merong tinatawag na lawa ni Cassiopeia dito sa kung saan lahat ng katanungan mo ay mabibigyan niya ng sagot pag pumunta ka doon." Pagpapaliwanag ni Amethyst.
"Edi magteteleport ako papunta run." Saad ko.
"Hindi mo magagawa iyan, isa sa batas ng teleportation ay dapat nakita mo na ang lugar na ito sa totoong buhay at hindi lamang sa isang mapa." Saad ni Conrad.
"Mayroon bang mapa dito ng buong Cassiopeia?" Tanong ko at umoo sila at mayroon daw nun sa library pero sila na raw ang kukuha dahil baka mapano pa raw ako kaya pinaghintay na lang nila ako sa damuhan.
Habang naghihinty ako ay may naririnig akong sumisitsit. Nagpalingon lingon ako to see kung sino yun at nung napalingon ako sa barrier, andun sila Fetson at Damian na tinatawag ako at na sa likod nila si Sybella.
Lumapit ako sa kanila at ayun kamustahan na naman at tinanong kung okay lang ba ako. Kwinento ko na naghahanap rin ako ng mapa ng buong Cassiopeia at sinabe nilang meron at agad agad pumunta at naghanap ng mapa.
Habang naghahanap sila ng mapa, inayos ko na ang mga gagamitin ko dahil sa tingin ko ay mahaba habang paglalakbay ang mangyayari.
Makalipas ang ilang oras ay nahanap na rin nila ang mapa.
"Eto na ang mapa." Sabay sabay na sabi nilang lahat, at as usual, nagkainitan ang dalawang panig kaya kinuha ko na lang yung dalawang mapa na inoffer nila at aakmang aalis na.
"San ka pupunta? Sasama kami sayo baka mapano ka." Banggit ni Amethyst sa akin.
"Uy oo nga baka mamaya may masamang mangyari sayo lalo na pag maling tao mga kasama mo." Pagpaparinig naman ni Sybella kaya nagalit tong isa.
Dapat talaga ako lang yung aalis pero mapilit eh.
Pagkatapos nilang gawin ang mga bagay na dapat nilang gawin, ay nagsimula na kami maglakbay.
Habang naglalakad kami ay hinihila ako nila Feston sa tabi nila at ganoon din sila Ishmael.
"Binibini dito ka lang at baka may mangyaring masama sayo dahil sa maling kasama mo." Pagpaparinig na naman ni Feston kaya nagalit si Ishmael.
"Ano ba problema mo ha?!" Sigaw ni Ishmael.
"Wala naman bakit?" Nakangiting pang aasar na tanong ni Feston.
"Eh sinisiraan mo kami sa kaibigan namin eh!!" Sigaw na naman ni Ishmael.
"Bat ka natatamaan? Siguro totoo sinasabe ko noh?" Pang aasar na naman ni Feston at ayun nagtuloy tuloy na ang away.
Okay napakahabang biyahe neto tas nakaakstress lalo mga kasama ko. Diyosa ni Cassiopeia, bigyan mo ko ng lakas, Amen.

BINABASA MO ANG
Beyond the Stars [ON-GOING]
FantasíaA girl suddenly found herself in an unfamiliar world with a battle between two kingdoms, will she remove the barrier between them?