Isang buwan na ako dito sa Caspian, and that means baka gawa na yung Lobelia o yung gamot para bumalik yung boses ko.
Same pa rin ang routine tuwing umaga, yun nga lang ngayon ay may katulong ako kaya di ako sanay. Mas sanay ako na ako yung nagsisilbi kesa sa ako yung pinagsisilbihan.
Pagkabangon ko ay pumunta ako sa garden ng palasyo at dun namalagi. Ang ganda at halata mong naalagaan ang mga halaman dito. Pag nababagot ako dito ako pumupunta. Namiss ko na nga ang wifi at internet eh, sana napipicturan ko ito ngayon at napopost sa instagram tas lahat ng mga followers ko mapapawow sila sa ganda ng mga bulaklak dito.
Habang busy akong hinahawakan at pinagmamasdan ang mga bulaklak dito. May naririnig akong nagtatalo from a distance. Usually sanay na ako kasi si Feston at Damian lang naman yun pero ngayon may boses babae kaya hindi ako nagdalawang isip na silipin kung sino yun.
"Kayo ah parang may tinatago kayo sa akin." batid ng babae dun kela Damian at Feston. Ano yun?
"U-uy H-hindi ah wala kami tinatago!!!" pagdepensa ni Feston.
"Araw araw dati lagi tayo tumatambay sa bahay mo Feston pagkatapos ng klase tapos ngayong nakaraang buwan lagi na lang hindi natutuloy plano natin kasi pinapatawag kayo ng reyna tapos lagi kayo andito sa palasyo niya. Bakit?" tanong ng babae sa kanila.
"Eh may inuutos nga siya sa amin eh. Aalis na ng kami, hinahanap na kami ng Reyna eh, paalam!!!" dali daling pagpapaalam ni Damian at dumere dereto sa garden.
"Magandang araw binibini!" sabay na bati ni Feston at Damian na parang mga sundalong reporting for duty.
"AHA! SABI KO NGA BA MERON KAYONG TINATAGO EH!" nagulat ako kasi andito na yung babaeng kausap nila kanina pero hindi niya pa ko nakikita. Natahimik ang dalawang lalaking nakatingin sa akin saka lang napatingin din sa akin ang babae.
"Ay kumusta ka? Ikaw ba ang dahilan kung bakit hindi na ko nakakasama kela Feston at Damian?" nakangiting tanong niya sa akin. Sarcasm ba? Nakakatakot. Nahalata ata nila Feston at Damian na natatakot ako kaya agad silang nagsilbing harang sa pagitan namin ng babaeng kumakausap sa akin ngayon.
"Wag mo takutin Sybella!! May sakit na nga ang binibini eh!" saad ni Damian.
"Ay hala natakot ba siya? Pasensya na ah. Ano pangalan mo binibini?" tanong sa akin ng Sybella.
"Hindi siya nakakapagsalita, ngayon palang siya papagalingin ng Lobelia. Iinumin niya na yun pag nakita na kami ng queen dito." saad ni Feston.
Nagkwentuhan lang sila kung paano ako nakita ganun or kung ano mga ginagawa nila pag kasama ako or kung ano ginagawa ko gayong hindi ako makapagsalita.
Maya maya ay nag aya din silang libutin ang Caspian at dahil wala naman akong magawa dito sa garden ay sumama na lang ako.
Yun nga lang sa paglalakad, nagtatalo lang silang tatlo. Paano ba naman kasi? Si Sybella gusto ako katabi at ganun din ang dalawang lalaki na lagi kong kasa kasama noon.
"Bakit ba ayaw mo katabi ko yung binibini? Ngayon ko nga lang siya nakikilala tas ilalayo mo siya?" saad ni Sybella.
"Yun na nga eh, ngayon mo lang siya nakilala kaya hindi mo alam paano siya poprotektahan, kami ni Damian, alam na namin kasi kami ang kasama niya sa isang buwan niyang pamamalagi rito. Kaya wag ka na maarte!" pang aasar ni Feston at wala nang naggawa si Sybella kundi ang tumabi sa kaliwang bahagi ni Damian. Kung nakakapagsalita lang sana ako edi sana sa kanya na lang ako sumama. Nasestress na akong kasama yung dalawang lalaking ito eh.
Mga pagkatapos ng isang oras na paglalakad namin, mayroong pixie na nag appear sa balikat ni Damian.
"Ikaw ay pinapapatawag ng queen at hinahanap niya ang binibini, handa na raw ang Lobelia na gamot para sa sakit niya." sabi ng pixie at nawala na.
"Ayan na binibini makakapagkwentuhan na tayo!! Pag nakapagsalita ka na ang dami dami nating gagawin!!" natutuwang saad ni Damian.
Agad agad kaming bumalik ng palasyo at nakita ko ang queen na may hawak na mangkok at may color pink na liquid sa mangkok na iyon. Yan ba ang Lobelia? Baka panget ang lasa nyan!
"Inumin mo na iha." naghesitate ako uminom pero inencourage ako ng queen na inumin yun. Sabagay gusto ko na rin magsalita para matanong ko na ang mga bagay na matagal ko ng gustong itanong. Sa isang buwan kong pamamalagi rito, si Prinsipe Sinag lang ang hinahanap ko at hindi ko siya nahanap sa lugar na ito. Kailangan ko ng inumin ito para masagot na ang mga tanong ko.
Kaso nakakailang uminom kasi 5 tao ang nakatitig sa akin ngayon. Ang queen, king, si Damian, si Feston, at si Sybella. Napansin ata nila na niilang ako kaya umiwas sila ng tingin sa akin.
Ininom ko na iyon hanggang sa maubos, ang panget ng lasa! Pero dapat kong lunukin ito para makapagsalita na ako. Nang maubos ko na, tumingin ulit silang lahat sa akin.
"Magsalita ka nga iha." utos sa akin ng hari.
"M-magandang a-araw" nauutal na saad ko. Nakakapagsalita na ako!!! Talagang nakakatuwa naman ito!!!
"NAKAKAPAGSALITA NA NG BINIBINI!!!" natutuwang saad ni Damian.
"Ano ang pangalan mo binibini?" tanong ni Sybella sa akin.
"Angel." saad ko at lahat sila ay natuwa kasi napakagandang pangalan raw iyon at napakaganda ko daw. Nambola pa.
Nagkwentuhan kami nila Sybella pero hindi ko binanggit ang Therondia sa kanila. Mga isang oras pagkatapos nun ay nagsiaya na sila na umuwi.
"Sige na iha magpahinga ka na." utos sa akin ng reyna pero hindi ako makakapagpahinga gayong may tanong pa sa isipan ko at nakakapagsalita na ako.
"Mahal na reyna, may nais lang po sana akong itanong sa iyo." paalam ko sa kanya at siya naman ay parang gulat na gulat.
"Sige iha. Tumuloy ka sa aking kwarto at dun mo itanong ang nais mong itanong." utos sa akin ng reyna at pumunta na nga kami sa kwarto niya.
"Nasaan po si Prinsipe Sinag?" tanong ko na siyang dahilan kung bakit nangasim ang mukha niya. Nakita kong pinipigilan niya ang pag iyak. Pero maya maya ay nagsalita na siyang muli.
"Ang una kong anak na si Prinsipe Sinag ay—" di niya natuloy ang sasabihin niya dahil may biglang bumukas ng pinto ng kwarto niya.
"LAPASTANGAN!" nagulat ako, si Queen Vemery at Haring Jareth, uh oh...
"ANG KAPAL NG MUKHA NIYONG PUMASOK SA PAMAMAHAY KO!" galit na saad ni Queen Belen.
"ANG KAPAL RIN NG MUKHA MONG NAKAWIN ANG ISA SA AMING ESTUDYANTE!" saad naman ni King Jareth.
"WAG NA WAG MONG PAGTATAASAN NG BOSES ANG ASAWA KO!" galit naman na saad ni Haring Gethrod. Hala nag aaway sila.
"HINDI SIYA ISA SA INYO AT MALAMANG SA MALAMANG, NINAKAW NIYO RIN SIYA KUNG SAAN MAN! NGAYON AY NAGTATANONG SIYA KUNG ANONG NANGYARI SA ANAK KO, SIGE IPAPAMUKHA KO LANG SAINYO KUNG ANO ANG GINAWA NG ANAK MO SA ANAK KO!" galit na galit na saad ni Queen Belen. "MINAHAL NG ANAK KO ANG ANAK MO, PERO ANONG GINAWA NG ANAK MO? PINAGPALIT SIYA SA TAGA THENDORIA DAHIL LANG HINDI SILA PAREHAS NG KAHARIAN! SA SOBRANG PAGMAMAHAL NG ANAK KO SA ANAK MO, NAGPAKAMATAY SIYA NANG IWAN SIYA NI HIWAGA!" galit na saad ni Queen Belen. Okay? Ano daw? Ibang version toh kay Queen Vemery ah.
"HINDI IYAN TOTOO!" galit na galit na din sila King Jareth. Narealize ata nila na nakikinig ako sa away nila kaya inaya na agad ako ni Queen Vemery na umalis sa lugar na iyon.
Wala na akong nagawa kundi ang sumama na lang dahil baka magkainitan pa sila lalo.
Pero iba ang version ng kwento ni Queen Belen at iba din ang version ni Queen Vemery. Saang panig ako maniniwala?

BINABASA MO ANG
Beyond the Stars [ON-GOING]
FantasíaA girl suddenly found herself in an unfamiliar world with a battle between two kingdoms, will she remove the barrier between them?