"Teka lang po ah, pano po kayo nakakasiguro na ang nangyaring iyong ipinapahayag ay totoo?" tanong ko sa ermitanyo. Kasi naman 3 version ang narinig ko so alin dun ang totoo?
"Pinag aaralan ko ng mabuti ang historya ng mga lugar na ito at kung ano ang katotohanan sa mga lugar na ito, salamat na rin sa lawa ni Cassiopeia dahil nalaman ko kung ano ang totoong nangyari." explanation ng ermitanyo, napaisip ako na kung pwede na ba kaming bumalik sa kanya kanya naming kaharian. Pero naalala ko na may issue pa pala ang dalawang reyna at hari dahil sa mga nangyari sa anak nila.
"Alam niyo ho ba ang nangyari sa anak ng mga nakaupong reyna at hari sa dalawang palasyo sa dalawang kaharian na iyong nabanggit?" tanong ko pero parang naconfuse siya.
"Ang nangyari sa nakaupong mga reyna ngayon ay hindi na kasama sa pinag aaralan ko kaya pasensya ka na dahil hindi kita matutulungan dyan." banggit ng ermitanyo at umalis na.
"Matulog na tayo para bukas maaga tayo makalakad." sinabe ko at pumikit na, nakakapagod toh pero kailangan.
Kinabukasan ay ako ang pinakanaunang nagising at ang mga kasama ko ay naghihilik pa at as usual, parang allergic pa din sa isa't isa dahil may ginawa silang harang para di sila magsamang dalawang panig.
Ginamit ko ang element bending ko at nagproduce ako ng napakalakas na hangin para magising sila at ayun nagsucceed ako.
"Gising na! Next na pupuntahan natin ay Cassiopeia's main church." sinabe ko at nauna na maglakad.
Ang nakakapanibago lang ngayon ay tahimik sila at di sila nagtatalo pero ramdam ko ang tension sa pagitan nang dalawang panig. Hindi ko na matiis yun kaya nagsalita na ako.
"Uyyyy di ba talaga kayo magkakasundo??? Narinig niyo naman sinabe ng ermitanyo kanina na hindi pinahamak ni Hariang Caspian at Haring Thendoria ang isa't isaaaa, so wala nang dapat pag awayan okay? Magbati na kayoooo." pagmamakaawa ko pero agad ko pinagsisisihan yun dahil ayun nagstart na naman ng away.
"Bat kami makikipagbati sa kaharian ng prinsipeng nanggagahasa?" tanong ni Amethyst kaya nag init ang kabilang panig.
"Di rin namin gusto makipagbati sa kaharian ng prinsesang nangangaliwa!" pasigaw na sinabe ni Sybella at ayun nagpisikalan na sila, Im surprised di nila ginagamit kapangyarihan nila sa pakikipagpisikalan sa isa't isa, literal na nagsusuntukan at sabunutan lang sila.
Haist hindi ko na mapapakalma toh kaya nagpatuloy na lang ako maglakad hanggang sa maging sensitive sila at tumigil sa ginagawa nila at sumunod na lang sa akin.
Atat na atat na akong malaman kung ano ang totoo. The sooner I find out the truth, the sooner I leave.
And the sooner na makilala ko ang sarili ko, the sooner na makakauwi ako kela mama.
Sa dinadaanan namin, napakaraming puno at napakahaba ng daan papunta sa simbahan ni Cassiopeia, halatang natatakot na ang mga kasama ko sa kadahilanang hindi gaano makita ang araw sa dinadaanan namin.
"Nagugutom na ako..." pagrereklamo ni Ishmael.
"Pasalamat ka ready ako." confident na pahayag ni Amethyst at naglabas ng 4 na plato at isang umuusok na baked chicken. As expected from her, sa isang buwan na kasama ko siya, alam kong magaling siyang magluto. Kaso kulang ng mashed potatk chicken niya pero okay na rin yan atleast meron.
Yun nga lang napansin ko na pati yung kabilang panig ay gutom na rin, nakita ko rin naman na willing magshare tong mga taga Thendoria kasi mababait naman sila kahit papano pero ang aarte pa ng mga toh eh.
"Alam kong nagugutom na rin kayo at pasalamat kayo mas maayos ako magluto kesa sainyo hmph." banggit ni Sybella at naglabas ng... Mashed potato uyy!

BINABASA MO ANG
Beyond the Stars [ON-GOING]
FantasiaA girl suddenly found herself in an unfamiliar world with a battle between two kingdoms, will she remove the barrier between them?