[A/N: nagkamali lang sa names eh inayos ko lang po hehe]
Okay habang busy sila mag away sa likod, tiningnan ko ang nakasulat sa mapa, kailangan namin dumaan muna sa Aidan's point, sunod naman ay sa Cassiopeia's main church, sunod ay sa Sweetmount Village, and ayun na ang Cassiopeia's lake.
Bigla silang tumahimik sa hindi ko alam na dahilan. Narealize ko na dumidilim na pala ang paligid kaya eto at natatakot ang 6 kong kasama.
"Binibini? Hindi ba delikado dito?" natatakot na tanong ni Damian.
"Sana kasi hindi ka na sumama kung natatakot ka lang pala." sagot ni Conrad.
"Aba! Kung makapagsalita ka kala mo ikaw hindi takot! Sana ikaw na lang ang hindi sumama kasi napipikon ako makita lang mukha mo." sagot naman ni Damian.
"Aba sa tingin mo natutuwa akong makita ka? Kapal naman ng mukha mo." rebut ni Conrad.
At ayan nag away na naman sila. Kelan ba tatahimik ang mga ito? Kung mag away ang mga ito kala mo may napagdaanan dati eh. Eh wala naman. Ngayon lang nga ata nagkita kita ang mga yan.
"Hindi mo ata ako nakikilala? Di mo alam sino binabangga mo ah!" rebut naman ni Ishmael kay Feston.
"Hindi kita kailangan kilalanin! Bakit ako? Kilala mo ba ko?" sagot naman ni Feston kay Ishmael. Napatahimik sandali si Ishmael pero nakipag away ulit maya maya. Nakakastress naman.
Maya maya ay parang nalilito na ako at hindi na makapagconcentrate dahil ang ingay ng na sa paligid ko. Nakakairita kaya napapadyak ako at naasigaw.
"Hindi ko hiningi na magpasama sa kahit sino sa inyo, dapat nga mag isa ako ngayon eh. Pero hindi kasi gusto niyong sumama, kasi ayaw ninyo akong mapahamak at nirerespeto ko iyon. Sana rin hanggang ngayon ay alam niyo kung bakit kayo sumama rito at yun ay para samahan ako at hindi para makipagpatayan sa isa't isa! Naiintindihan niyo ba?!" sigaw ko na nagpatahimik sa kanilang lahat. "Alam kong napapagod na kayo kasi magagabi na at kailangan na natin magpahinga, kaya ang unang destinasyon natin ay ang Aidan's point at dun tayo magpapalipas ng gabi." sabi ko at naglakad nang muli.
Naririnig ko ang bulungan at sisihan nila sa likod pero titigil rin yan. As long as di na sila nag aaway at hindi na ko natotorete okay na yun.
Nakita ko na ang isang malawak na field at ayun na ang Aidan's point. Niyaya ko na sila na umupo.
"Kailangan natin ng apoy." sabi ko kaya agad na naghanap si Damian ng mga kahoy at nakita ko na napakarami niyang dala at halatang mabigat ang dala niya pero hindi niya ininda iyon.
"Kikiskisin ko lang para magkaron ng apoy." pagvovolunteer ni Feston.
"Wag ka nga pabida dyan, ako na gagawa ng apoy." offer ni Ishmael.
"Baka mapundi pa yan pag ikaw gumawa ng apoy, ako na lang." pambabara naman ni Feston.
"Anong sabi mo?!" tanong ni Ishmael kaya inawat ko sila.
"Ako na lang gagawa ng apoy. Kulit niyo eh." volunteer ko at ginamit na ang kapangyarihan ko na element bending.
Namangha sila Feston, Damian at Sybella sa ginawa ko.
"Di niyo kaya gawin yan noh?" pang aasar na naman ni Ishmael kaya napairap na lang si Sybella.
Ilang oras din kaming nakatunganga run at tahimik, kung siguro sa isang panig sa kahit sino man sa kanila ang kasama ko. Mag iingay kami at may kwentuhan. Pero ngayon siguro nagkakailangan sila kasi magkakaaway ang dalawang panig na ito.
"OY magkwento nga kayo!" pagbebreak ko ng silence kasi nakakailang na talaga, kasi andito kami in Aidan's point na walang katao tao kundi kami lang nakakatakot pag sobrang tahimik at baka may multo na magpakita rito huhu.
"Sige may kwento ako." pagvovolunteer ni Feston.
Lahat kami ay nakikinig sa kung ano man ikukwento niya. Alam ko yan dahil miski sila Amethyst ay nakatingin kay Feston.
"Nabasa ko sa libro sa amin ang dahilan kung bakit walang tao dito sa Aidan's point." nakakaintriga naman kaya nakikinig ako. "Mayroon daw kasi ditong nakatira na matanda na nananahimik hanggang sa dinayo siya ng mga dalaga't binata na kaedad natin at sinira ang bahay niya. Pagkatapos nun ay kinabukasan, namatay ang mga dalaga't binata na iyon ng di alam ang dahilan pero ang sabi sabi, ay dahil daw naghigante ang matandang nasiraan ng bahay. Kaya lahat ng mga pumupunta rito ay napaparusahan at dinadalaw ng matandang iyon. WAH!" lahat kami at nagulat sa WAH niya. Halatang takot na takot sila Ishmael, Conrad at Amethyst pero sila Sybella, Damian at lalong lalo na si Feston, ay tumatawa lang.
"Ako ay nagbibiro lamang, walang kwentong gayon HAHAHHAHAHA, mga duwag!! HAHAHHAH." ayun tawang tawa na sabi ni Feston kaya namumula sa galit ang tatlong taga Thendoria, akmang susugurin na sana ni Ishmael si Feston nang may narinig kaming gumagalaw sa may bush malapit sa amin.
"Ano yun? Diba walang tao dito?" natatakot na batid ni Feston.
"Ayan ikaw pala ang duwag eh." pang aasar ni Ishmael na mas lalong nagpaingay ng gumagalaw na bush.
Natatakot na sila at alam ko iyon dahil lahat sila ay lumalapit na sa akin.
"Matandang nakatira dito dati, pasensya na po, hindi na po namin kayo guguluhin huhu" naiiyak na sabi ni Amethyst. At sa cue na iyon, may lumabas na ermitanyo at lahat sila ay nagulat.
"Bakit kayo natatakot mga iho't iha?" tanong ng ermitanyo sa amin.
"H-hindi po k-kayo m-multo?" nauutal na tanong ni Sybella kaya natawa ang ermitanyo.
"Walang multo rito, hindi ko pa kayo nakikita sa lugar na ito ah, taga saan ba kayo?" tanong sa amin ng ermitanyo.
"Taga Therondia po." "Taga Caspian po." sabay na sabi ng dalawang panig kaya nagkainitan na naman.
"Haring Caspian at haring Therondia. Napakalungkot ng kwento ng dalawang iyon." nalulungkot na sabi ng ermitanyo.
"Opo, diba po nag aaway sila para sa singsing ni Cassiopeia na nagbibigy ng buhay na walang hanggan kaya nilason ni haring Therondia si Haring Caspian para mapasakanya ang singsing na iyon." kwento ni Damian na naging dahilan bat naantig ang tenga ko. Di yan ang kwento na narinig ko. Ang sabi ng Reyna Vemery ay sinaksak daw ni Caspian si Haring Therondia.
"Mali ang kwento mo iho." batid ng ermitanyo, so tama ang kwento ng queen? "Eto ang kwento ni Haring Caspian at Haring Therondia." nagpause siya saglit at nagpatuloy. "Totoong may singsing si Cassiopeia na nagbibigay ng buhay walang hanggan sa kung kanino man nagmamay ari neto. Si Haring Caspian at Haring Therondia ay nagpapaligsahan sa kung sino man pinakamalakas at nanalo, siya ang makakakuha ng singsing. Lahat ay gimawa nila, kalabanin ang higante, maglakad sa apoy, at kumain ng bato. Sobra silang nahumaling sa singsing na iyon na kahit napakadelikadong gawain ay gagawin nila. Yun nga lang sila ay nasawi nang sinubukan nilang sumisid sa karagatan ng isang oras nang di umaahon." kwento ng ermitanyo.
Wait, so yun ang nangyari? Wala palang rasom para mag away sila?
BINABASA MO ANG
Beyond the Stars [ON-GOING]
FantasíaA girl suddenly found herself in an unfamiliar world with a battle between two kingdoms, will she remove the barrier between them?