xxxANGEL's POVxxx
Cassiopeia? Ano yung Cassiopeia? Anong mundo toh? Nilibot libot ko ang mga mata ko at nakita kong hindi makatotohanan tong mundong ito. Nagbabasa ako ng Geography books at wala akong ni isang nakitang lugar na Cassiopeia dun.
Naglakad lakad ako at pumunta sa may lawa para mahimasmasan, at nakita kong ang ganda ganda ng tubig, sobrang linaw, walang ganitong kalinaw na lawa sa Manila, naghilamos ako at uminom ng kaunti. Nananaginip ata ako.
Nananaginip naman ako kaya lulubus lubusin ko na, lumangoy ako sa lawa kahit alam kong hindi ako marunong lumangoy baka sakaling sa panaginip man lang kaya ko lumangoy.
Pero hindi ako nananaginip kasi nalulunod na ko, nanghihingi ako ng saklolo, kala ko katapusan ko na pero may tumulong sa akin mag ahon.
"Salamat po Kuya" batid ko, nakita kong may 4 pa siyang kasama na lalaki at isang matandang babae na nakagown at may korona. Sa tingin ko bodyguard ng mga ito yung matandang babae.
"Magbigay galang ka sa-" batid ng isa pang lalaki pero pinutol siya ng matandang babae.
"Iha, ngayon ang unang araw ng klase ng mga bata sa Therondia bakit hindi ka pa nakaayos?" tanong sa akin ng babae pero hindi ako makasagot, Therondia? Ano yun? Kanina Cassiopeia ngayon Therondia naman?
"uhm kasi po-" naputol na naman ang sasabihin ko dahil inutos sa akin ng babae na sumama sa kanya, ang sabi dati ni mama sa akin, don't talk ti strangers, pero wala naman akong kakilala sa mundong ito, either way mamamatay ako kumausap man ako ng tao o hindi, at pano kung matutulungan ako ng babaeng ito? Magrereklamo pa ba ko?
Nakarating kami sa isang napakalaking bahay na parang palasyo kung titingnan, ang laki, ang mas nakakagulat is merong mga sundalo sa tabi ng red carpet leading sa entrance ng bahay na iyon.
"Queen Vemery" sabay sabay na bati nila at yumuko, queen? Reyna? Reyna tong kasama ko? Jusq nakakahiya naman.
Sinamahan ako ng mga bodyguards sa isang kwarto na may malaking kama at malaking cabinet na madaming mga damit, pinilian ako ng queen ng susuotin at sinabihan na magbihis at pagkatapos ay ihahatid ako ng mga bodyguards na kasama niya papuntang school ng mga bata dito, kainis mag aaral na naman ako.
Pero wala na kong naggawa at nagbihis na lang, pagkatapos ko magbihis, alam kong hindi tama pero naglibot libot ako sa kwarto, ang laki kasi, parang kasing laki lang ng bahay namin. Nakita kong sobrang linis at parang inalagaan ang kwartong ito, pero alam kong hindi sa queen ang kwartong ito kasi impossible namang papapasukin ako ng queen sa kwarto niya eh di naman niya ko ganun kakilala.
Sa paglilibot ko, may nakita akong picture frame ng babaeng nasa mid 20's siguro na nakakorona din, ang ganda niya, mukhang mahinhin at mabait siya kung titignan, may isang picture frame naman na picture ng Queen kasama ng isang lalaking kaedad niya lang at isang bata, I assume na yung lalaki ay ang King, pero sino yung bata?
Napatigil ako sa paglilibot ko nang katukin ako ng kung sino mang tao sa labas, kaya agad agad kong inayos ang pinangialaman ko at lumabas na.
Nagdahan dahan ako sa paglalakad kasi hindi naman ako sanay sa dress na pinasuot sa akin ng queen, ang laki kasi, habang naglalakad ako, nakasalubong ko siya na nakatitig sa bintana at naalarma siya nang makita niya ang presensya ko.
Nagcourtsey ako sa kanya simbolo nang pagbibigay galang sa nakatataas. Nakita kobg may namumuong luha sa mata niya, gusto ko man siya icomfort pero di ko maggawa dahil di ko alam kung pwede ko ba siya lapitan or hindi, pero agad din niyang pinunasan yun at pinaalis na kami pero pinigilan ko muna sila.
"Mahal na reyna, meron po kasi akong sakit sabi ng aking nanay at naubusan na po kasi ako ng gamot" paalala ko sa kanya, sabi kasi ni mama bawal ako makamiss ng isang medication, hinfi ko akam kung bakit.

BINABASA MO ANG
Beyond the Stars [ON-GOING]
ФэнтезиA girl suddenly found herself in an unfamiliar world with a battle between two kingdoms, will she remove the barrier between them?