"Mortal na kaaway namin ang mga taga Therondia." banggit ng isa na nagpakaba sa akin ng doble doble.
"Pero hindi pa kita nakikita dito sa lugar na ito ah." banggit ng isa, uh oh patay na ata ako nito.
Dahan dahan nila akong nilapitan at ngayon ko lang narealize na may mga armas pala sila. Uh oh wala na patay na ako.
"Dayo ka dito noh?" natatawang sabi ng isa. Huh? Di nila ako papatayin?
"Halata naman kasi hindi niya kabisado ang lugar na ito." natatawang sabi ng isa pa. Huh? Teka? Im confused.
"Pero ingat ka palagi ah, may mga masasamang tao dito sa paligid ligid lang." sabi ng isa na para bang may pinariringgan. Ehhhh?
"Maiwan ka na namin rito binibini ah at hinahanap na kami sa amin." paalam ng isa at tuluyan na kong iniwan.
Nakatulala lang ako and processing kung ano ang nangyari, nakausao ko ang mga kaaway ng Therondia? Isang gabi palang ako dito andami na nangyayari sa akin.
Na sa kalagitnaan ako ng pagzozone ko nang marinig kong may sumisigaw from a distance.
"ANGEEEEEL!!!" sh*t! Sila Amethyst yun ah! Sinubukan ko gamitin ulit ang teleportation ko at sa wakas ay gumana na ito.
Nandito na ako sa kabilang bakod kung saan teritoryo ito ng Therondia at agad tumakbo papunta kela Amethyst.
"San ka ba galing ah? Hinahanap na tayo ng ating mga guro at kailangan na raw natin magpahinga." nag aalalang batid sa akin ni Amethyst at hinila na ko papuntang dorms namin.
Okay, what a day...
Paggising ko ay may nakita na naman akong damit, dress na naman siya na napakaganda.
"-Q.V."
Siya na naman? Diba siya ang nagpadala sa akin ng damit pantulog kahapon? Pero ayoko naman maoffend siya kaya pagkatapos ko maligo, sinuot ko ang damit na binigay niya sa akin.
Sa klase ay buong araw akong tulala at iniisip pa din ang nangyari. Bakit magkaaway ang Caspian at Therondia?
Napansin ata nila Amethyst yun nung breaktime pero sinabe ko sa kanila na ayos lang ako.
Binigyan kami ng pagkain sa parang canteen at wow! Di halatang pang canteen lang ang pagkain dito! Mukhang masarap eh.
"Gusto ko mas mainit pagkain ko." reklamo ni Ishmael habang ginagamit ang element bending niyang kapangyarihan na pinapainit gamit apoy ang pagkain niya.
Practicin ko nga rin akin.
Sinubukan ko kumain nang hindi ginagamit ang mga kamay ko. Ginamit ko ang isip ko para isubo sa sarili ko ang pagkain. At habang tumatagal ay parang nasasanay na rin ako at mas nagiging gamay ko na ang telekinesis.
"Ang husay mo talaga Angel!" puri sa akin ni Amethyst pero may isang bagay pa din ang hindi mawala sa isip ko.
"Sino ang mga taga Caspian?" straightforward kong tanong na talagang nagpagulat sa kanila.
"Saan mo nalaman ang lugar na iyan?" nag aalalang tanong sa akin ni Amethyst.
"Ang mga taga Caspian ay kaaway ng mga taga Therondia." paliwanag ni Conrad.
"Bakit? Anong nangyari?" tanong ko tas sila din ay nagtaka.
"Oo nga noh? Ano nga ba nangyari?" tanong ni Ishmael na di rin alam ng iba ang sagot.
"Angel kung gusto mo ng kasagutan, tanungin mo na lang ang Reyna at Hari dahil sila talaga ang may ayaw sa mga taga Caspian." paliwanag sa akin ni Amethyst.
Nang matapos na ang breaktime, balik klase kami, eto ang subject na magkakaklase kaming lahat sa 4 na grupo pero parang hindi ako nag eenjoy kasi meron pa kong iniisip na malalim.
Nang matapos ang klase, inaya ulit ako nila Amethyst na sumama sa kanila pero humindi muna ako, kailangan ko ng alone time, una, hindi ko pa kilala ang sarili ko at pangalawa, gusto ko malaman kung ano nga ba ang totoong nangyari sa gitna ng Thendoria at Caspian at kung bakit nga ba sila nag away.
Ang lawak talaga ng Thendoria, medyo naliligaw ako papunta sa palasyo ng queen kasi wala na akong kasama ngayon.
Sa paglalakad ko mas marami ako nakita di tulad ng dati. Nakita ko na may parang simbahan din pala sa lugar na ito at may statue ng babae. I assume yun si Cassiopeia.
Ang dami rin pala talagang mga bulaklak rito. Sana ganito din sa Pilipinas. Kasi dito hindi kumukupas ang bulaklak.
Pero namimiss ko na rin sa Pilipinas, namimiss ko yung street foods, haist, para akong dugong bughaw dahil sa mga kinakain ko.
Sa dami ng iniisip ko di ko na namalayan na na sa harap na ako ng palasyo, papasok na sana ako nang hinarangan ako ng 2 sundalo.
"Kailangan ko po makausap ang reyna." paalam ko kaya sinamahan nila ako papunta sa loob.
Sinamahan nila ako umakyat ng hagdan at pinapunta nila ako sa kwartong pinasukan ko kahapon.
Kumatok ako at binuksan ang pinto at nakita ko yung queen na nakaupo, nakatingin sa litrato at umiiyak.
Agad niya iyon pinunasan nung nakita niya ako at tumayo para ipakitang matatag siya.
"Anong kailangan mo iha?" pinipigilan niyang hindi magcrack ang boses niya dahil sa kanyang pag iyak.
"May itatanong lang po sana ako sainyo." magalang na sabi ko at pinapasok niya ako sa kwarto, nakakahiya pero dapat ko siyang sundin kasi queen siya at ako ay isang estudyante lamang dito sa lugar niya, sa katunayan, hindi nga ako dito nakatira.
"Gusto ko lang po malaman kung sino ang mga taga Caspian." pagkabanggit ko sa pangalan na iyon ay agad na nanlisik ang mga mata niya sa galit.
"San mo nalaman ang lapastangan na pangalan na iyan?!" galit na galit niyang tanong sa akin, hindi ko siya masagot, hindi ako makapagsalita, takot na takot ako. Pero agad niyang sinubukang kumalma at humingi ng paumanhin sa akin at sinimulan ang kwento tungkol sa Caspian.
"Sa mundo ni Cassiopeia, merong dalawang taong unang nakatira dito, yun ay si Haring Therondia at Haring Caspian. Meron silang iisang bagay na gustong gusto nilang makuha at yun ay ang singsing ni Cassiopeia na bibigyan ka ng buhay na walang hanggan pag napasakamay mo iyon, at dahil dun ay nag away sila at sinaksak ni Caspian si Haring Therondia." kwento niya sa akin.
"Pero diba po nakaraan na yun? Historya na lamang iyon ngunit bakit ka po galit hanggang ngayon?"
Mas lalo siya napahikbi sa tanong ko, hala, magcocomfort na naman ba ako?
Pinakita niya sa akin ang litratong hawak niya kanina, yun yung nakita kong litrato kahapon dito.
"Yan ang anak ko, si Prinsesa Hiwaga." panimula niya na naiiyak pa rin.
"Nasan na po siya?" tanong ko na mas lalo pang nagpaiyak sa kanya.
"Patay na siya." hagulgol niya, "Pinatay siya ng prinsipe ng Caspian." galit na galit na kwento niya habang naiiyak pa din.

BINABASA MO ANG
Beyond the Stars [ON-GOING]
FantastikA girl suddenly found herself in an unfamiliar world with a battle between two kingdoms, will she remove the barrier between them?