Akmang magtatanong ako ng biglang napasapo si ina sa dibdib niya. Tumibok ng mabilis ang puso ko at ang alam ko lang ngayon ay tumatakbo ako sa labas upang humingi ng tulong.
Nakailang sigaw ako bago may lumapit sa akin kaya tumakbo ako patungo sa bahay para sundan nila. Agad nilang binuhat si ina at isinakay sa kalesa.
Sa sobrang kaba at takot ay hindi ko namalayan ang sariling napaupo na at ang mga luha ko ay umaagos na. Sumunod ako sa ospital at agad nagtungo kay ina.
"Ano, pong lagay niya?" tanong ko sa doktor.
Hinawakan ko ang kamay ni ina at naupo sa tabi niya.
"Nagbara ang kanyang daluyan ng hangin patungo sa puso, kailangan na natin siyang operahan upang maisaayos ito dahil baka sa susunod na atake niya ay hindi na niya kayanin"
Nanigas ako sa kinauupuan. Humigpit ang hawak ko sa kamay ni ina bago nilingon ang mang-gagamot.
"Magkano po ang aabutin sa operasyon?" nag-aalinlangan kong tanong.
"Maghanda nalang ho kayo ng higit sa dalawampung libo" sagot niya bago umalis at iwan akong hindi alam ang gagawin.
Napahagulgol na lamang ako habang pinagmamasdan ang natutulog na si ina. Saan ako kukuha ng ganong kalaking halaga? Hindi ko alam ang gagawin. Hindi kami pinalad tulad ng iba na makaangat sa buhay. Marami pa kaming gastusin at utang na kailngang bayaran, paano na ito?
Wala sa sariling umalis ako at iniwan si ina. Hindi ako makakapag-isip ng tama kung mananatili ang kaba at takot sa loob ko, kailangan kong huminga sandali para malaman ang gagawin.
Sinundan ko kung saan man ako dadalhin ng aking mga paa at namalayan ko ang sariling nakatayo sa ilog. Kita ang ganda nito dahil ngayon ay may liwanag na. Kita na ang mga puno sa gilid nito at ang luntiang mga damo nito. Kulay asul na tubig at ang sikat ng araw ay lalong nakakadagdag ng kagandahan.
Naupo ako sa damuhan at bahagyang ngumiti. Akala ko ay hindi na magiging magulo pa ang buhay ko gaya ng magulo ito dahil sa ama ko ngunit nagkakamali ako. Si ina nalang ang natitira sa akin at ayaw kong mawala siya.
Pinunasan ko ang luha na dumausdos sa pisngi ko. Si ina ay naging ama na din sa akin sa matagal na panahon. Habang lumalaki ay saksi ako sa bawat paghihirap niya upang mapalaki ako. Hindi man nakapag-aral ay may alam pa rin naman ako dahil itinuturo sa akin ni ina ang mga natutunan niya noong siya ay nag-aaral pa.
Pinagpagan ko ang aking saya at tumayo na. Dalawang hakbang pa lang ay muli akong lumingon sa ilog ng may marinig na malalim na boses galing dito.
"Someone help!"
Nanlaki ang aking mga mata ng makakita ng isang binata na nalulunod. Ilog? Malulunod? Ako ba'y niloloko nito?
Imbis na tulungan ay pumameywang ako habang pinapanood siya. Nang makita ako ay sumenyas siya na tulungan siya ngunit umiling ako dahilan para mapahampas siya sa tubig. Siguro ay nainis ko ng labis ang binatang ito.
Naupo ako sa damuhan habang nakatingin sa kanya. Katulad ng sinabi ni ina na ama ko daw moderno din ang pananamit ng isang ito. Hindi moreno ang kanyang kulay kung hindi puti, isang tisoy ang lalaking ito. Umiling nalang ako sa aking naisip. Ilang minuto lang ang nakalipas ay umahon na siya at galit na tinignan ako.
"Why didn't you helped me?!" galit na sigaw niya at sinuklay ang basang kulay itim na buhok.
Kumunot ang noo ko at itinagilid ng bahagya ang ulo. "Ano ang iyong sinasabi ginoo?" takang tanong ko habang nakatingala sa kanya.
Marahas siyang napabuga ng hangin. "Don't tell me you don't understand what I'm saying?!" iritang tanong niya.
Ngumiwi nalang ako at tumayo. Muli ay pinagpagan ko ang aking saya. Tumalikod na ako at akmang lalakad na paalis ng hawakan niya ang aking kamay.
YOU ARE READING
Timeless Love
Historical FictionWhen Isabelle stepped out of the church for her to go home a known fortune teller called her. She predict an impossible event Isabelle never knew would happen. She didn't believe in it and she put in her mind the fortune teller predicted will never...