Kabanata 12

0 0 0
                                    

Tatlong araw na ang nakalipas simula ng malaman ko ang dahilan ng pagbabalik ni Antonio. At yun ay ang planong pakasalan ako. Nang una ay hindi ako makapaniwala ngunit nilinaw ito sa akin ni Antonio.

Tunay ito at walang halong biro.

Napasinghap nalang ako ng hangin. Hindi ko inakalang ang tinuturing kong kaibigan ay magkakaroon ng pagtingin sa akin, marikit ba akong talaga?

Tumayo na ako ng maihanda ko na ang susuotin ko sa kaarawan ni Sonya. Ngayon ang napag-usapang pagdalo ko sa isang malaking kasiyahan at kanina lang ay may ipinadalang damit si Sonya sa isa sa kanilang mga alipin.

Muli kong hinawakan ang napakagandang damit na ibinigay ni Sonya upang aking magamit. Napakaganda ng telang ginamit dito at halatang mamahalin. Ang bawat burda dito ay napakapulido na animo'y makina ang gumawa.

Napangiti na lamang ako at pumikit. Iniisip kung gaano magiging kasaya ang gabi ko. Iniisip kung ano ang aking mararamdaman kapag isinayaw ako ni Kael sa unang pagkakataon.

Nang mag-dapit hapon na agad kong tinanggal ang suot na bestida at isinuot ang ipinahiram ni Sonya. Inayos kong mabuti ang aking buhok at nilagyan pa ito ng palamuti para bumagay sa aking suot. Nang matapos agad akong nagtungo sa salamin at gulat sa aking nakita.

"Ako, ako ba ito?" tanong ko habang pinagmamasdan ang sarili.

Napangiti na lamang ako ng malaki ng makitang mukha akong kabilang sa kanila. Ngunit kahit na ganon, alam kong isa pa rin akong dukha at hindi nararapat sa kasiyahang iyon.

Napailing na lamang ako sa naisip at lumabas na ng aking kwarto.

"Isabelle, ikaw ba iyan?" agad na tanong ni ina paglabas ko.

Agad akong tumango at napangiti ng malaki.

"Mana ka talaga sa akin, ang taglay nating kagandahan ay walang katulad" dagdag pa nito at sabay kaming tumawa.

Lumipas ang ilang pag-uusap namin ni ina ng napagdesisyunan ko ng mag-paalam.

"Ina, aalis na po ako" pagpapaalam ko.

"Mag-iingat ka anak, sana lang ay maging masaya ang gabing ito"

Ngumiti ako at tumango.

"Sisiguraduhin ko pong magiging masaya ako" paniniguro ko bago ako umalis.

Pagdating ko sa labas napangiti ako ng matamis ng makita siyang suot ang isang magandang kasuotan at bagay na bagay sa kanya. Nang makalapit na ako batid ang mangha at tuwa sa kanyang mga mata habang nakatingin sa akin.

"You look so beautiful, damn I really wanted to be your future husband"

Napailing na lamang ako.

"Hindi kita maintindihan Kael," pag-papaalala ko dito.

Nahihiyang napakamot siya sa kanyang batok.

"Oo nga pala, pasensya na nakalimutan ko" tumigil siya at iginaya ang kanyang kamay. "Maari ba?" tanong nito.

Tumango ako at saktong may tumigil na kalesa sa aming harapan. Inalalayan niya akong umakyat hanggang sa maupo. Tahimik kaming nagtungo sa mansyon ng mga Samonte ngunit ganon na lang ang aking kaba ng makarating.

Inilibot ko ang aking tingin. Puno ng mga mayayamang bisita ang buong mansyon. Halata ito sa mga kasuotan nila hanggang sa mga palamuti sa kanilang katawan at kasuotan. Napahinga ako ng malalim at nilingon si Kael.

"You look like one of them, wag kang matakot" ngumiti ito. "Nasa tabi mo lang ako"

Tumango ako at sabay na kaming nagtungo sa loob.

Timeless Love Where stories live. Discover now