Hanggang ngayon ay pakiramdam ko namumula pa rin ang aking pisngi dahil sa ginawang pag-amin ni Kael. Tila ba tuwing naiisip ko iyon tumatalon ang puso ko sa tuwa at may parang paro-parong kumikiliti sa loob ng aking tiyan. Huminga ako ng malalim at bahagyang tinapik ang aking pisngi.
"Isabelle, ang aga-aga ayan agad ang iniisip mo" bulong ko habang tinatapik ang magkabilang pisngi.
"Isabelle, mag-uumagahan na tayo" narinig kong sabi ni ina.
"Opo, babangon na po"
Tumayo na ako at bago lumabas ng kwarto huminga ako ng malalim.
Humikab pa ako bago naupo sa upuan at kumuha ng kanin.
"Mukhang hindi ka nakatulog ng maayos, Isabelle"
Tumango ako.
"At bakit naman?"
Bahagya akong napaitlag.
Umubo ako. "Ina, siyempre dahil sa insekto saan pa ba?" pagsisinungaling ko.
Tumango ito.
"Siguraduhin mo lang Isabelle, dahil kung tungkol ito sa isang binata" tumigil siya at pinanlisikan ako ng mata. "Kailangan ko muna siyang makilala bago manligaw"
Tumawa si ina ngunit ako ay umiling lang at nagsimula ng kumain. Nang matapos ay inilagay ko sa planggana ang mga pinagkainan at itinabi ito.
"Isabelle sigurado ka bang ikaw na ang maglalaba?" tanong ni ina.
Tumango ako.
"Ina kailangan niyo po munang magpahinga. Kaya ko naman po diba?"
"Oo Isabelle, kaso nga lang ayaw ko ng mangyari ang nangyari sayo noon sa batis"
Bahagya akong tumawa. "Ina, makakaasa kang hindi na ako mahuhulog muli sa malalim na parte" paniniguro ko.
Tingin ko ay hindi pa din kumbinsido si ina ngunit tumango din ito. Ngumiti ako at nagpaalam bago umalis. Hawak ko sa magkabilang braso ang planggana na may lamang maduduming damit at nandito na din ang sabon na aking gagamitin.
Nang marating ko ang batis huminto ako at pinagmasdan ito. Ibinaba ko ang planggana at sandaling pinagmasdan ang batis kung saan ako nahulog. Mahina akong bumungisngis habang inaalala ang panahong iyon.
"Ang gandang alaala" nakangiti kong sabi at kinuha na ang planggana.
Nagtungo na ako kung saan ang magandang pwestong maglaba at naupo. Medyo malamig ang tubig ngayon baka siguro dahil medyo maaga pa lang kaya ganon.
Habang naglalaba ay kumakanta ako ngunit sa ilang minuto kong pagkanta natigilan ako ng may marinig na kaluskos.
"Sino yan?" tanong ko at nagpunas ng kamay sa aking bestida.
"Arf arf, ay este aw aw"
Naningkit ang aking mga mata dahil sa narinig. Mukhang alam ko na kung sino ito.
"Lumabas ka na riyan, alam kong ikaw yan"
Bumalik na ako sa aking kinauupuan at hinintay siyang lumabas. Kumunot ang noo ko ng lumabas siya na may takip na puting rosas ang mukha.
"Para saan nanaman yan?" natatawa kong sabi.
Ibinaba niya ang hawak na rosas at nakangiwing tumingin sa akin.
"Siguro para sa akin?"
Umiling ako at naglaba na muli ngunit agad ding natigilan ng marinig siyang magsalita.
"Naglalaba ka?" tanong niya.
"Hindi, siguro ikaw"
Natawa ako ng makita siyang napangiwing muli dahil sa isinagot ko.
"Fast learner ka ah"
Bahagya nalang akong natawa kahit na hindi ko naintindihan ang kanyang sinabi. Naupo siya sa tabi ko at kaya ngumiti ako at sinimulan na ang paglalaba.
"Paano ba yan?" umuusisang tanong niya at minamanmanang mabuti kung paano ako maglaba.
"Ganito" kinusot ko ang kwelyo. "Kukusutin mo lang ito hanggang sa maging maputi na ulit at mawala ang mga duming nakikita mo" maikling paliwanag ko.
Ngunit agad din akong natigilan ng lumingon ako sa kanya. Nakatitig siya sa mukha ko na animo'y kinakabisado ang bawat parte nito.
"B-bakit ka nakatitig sa akin may d-dumi ba ako sa m-mukha?" nahihiya kong sabi.
Ngumiti siya at umiling. "Hindi ko lang inaasahan na ganito ka pala kaganda sa malapitan"
Agad akong tumayo at nag-iwas ng tingin dahil sa kanyang sinabi. Ramdam ko ang unti-unting pag-init ng aking mga pisngi dahil doon.
"A-ako nalang a-ang maglalaba umalis ka na"
Narinig kong bahagya siya natawa kaya magsalubong ang mga kilay ko ng nilingon ko siya.
"Bakit ka tumatawa? May nakakatawa ba?" inis kong sabi dahilan para tumigil siya.
"Mas maganda ka pala kapag ika'y namumula" panunukso nito.
Nahihiya man pinilit ko ang sarili na lumapit sa kanya at hampasin siya sa braso dahilan para mapahawak ito rito at dumaing.
"Ano ba yan, totoo naman- aray!" hindi ko na siya pinatapos pa at muling hinampas.
"Sa susunod kase wag kang manunukso lalo na kapag ako ang kaharap mo"
Naupo na ako muli at nagsimulang maglaba. Tahimik lamang siya sa aking tabi na labis kong ipinagtatataka kaya liningon ko ito at yun ang pinagsisihan ko.
"Mukha ka ng basang sisiw" ani nito at napahawak pa sa tiyan habang tumatawa.
Napangiwi ako habang nakatingin sa kanya kaya imbis na punasan ang sarili kinuha ko ang isa pang planggana at nilagyan iyon ng tubig. Ibinuhos kong lahat iyon sa kanya dahilan para magulantang ito.
"Ang lamig!"
Ngumisi ako. "Lamig pala ha eto pa" muli ko siyang binuhusan sa dahilan para mapatayo ito.
Nagsimula na akong tumawa dahil sa naging itsura niya kumapara sa akin siya ang mas naging basang sisiw. Tumayo na ako at muling sumalok ng tubig sa batis ngunit ng akmang ibubuhos kong muli ito sa kanya natigilan ako.
Hinubad niya ang pang-itaas na damit dahilan para makita ko ang maskulado at perpekto niyang katawan. Ang bawat hugis nito ay perpekto na sadyang ikinagulat ko at hindi ko inaasahan. Paano naging ganito ang katawan ng isang ito?
"Tama na katititig baka matunaw abs ko"
Bumalik ako sa ulirat at agad na inirapan siya.
"Sa lupa ako nakatingin magtigil ka nga" palusot ko.
"Sige, sinabi mo eh"
Binalik ko na sa kanya ang tingin ko at nakita ko itong patungo sa malalim na bahagi kung saan pwedeng lumangoy.
Wala sa sariling sinundan ko siya at tinignan hanggang sa nagsimula na itong lumangoy. Naupo ako sa ugat ng punong malapit dito at pinanood ito.
Napasandal ako sa katawan ng puno at tumingala. Mataas na ang sikat ng araw buti nalang at nasa lilim ako ng puno.
Napapikit ako ngunit wala pang ilang minuto ay agad din akong napadilat ng maramdamang parang gumagalaw ata ang lupa?
Nanlaki ang mga mata ko ng matapuan ang sarili na buhat ni Kael at handa ng ilaglag sa tubig.
"Ligo ka na rin" huli nitong sinabi at sabay kaming lumusong sa tubig.
Nang nasa malalim na kami agad akong bumitaw at akmang lalangoy upang makabalik sa lupa ngunit agad na hinigit ni Kael ang aking kamay.
"Ops, bawal umalis"
"Maglalaba pa ako" sabi ko at umaasang bibitawan niya ako ngunit imibis na bitiwan inilapit niya sa akin ang kanyang katawan at niyakap ako.
Nanlaki ang aking mga mata at handa ng itulak siya palayo ng marinig ko itong magsalita.
"Dito ka lang, nais kong damhin ang sandaling kayakap kita. Mahal kong Isabelle"
~~~
YOU ARE READING
Timeless Love
Historical FictionWhen Isabelle stepped out of the church for her to go home a known fortune teller called her. She predict an impossible event Isabelle never knew would happen. She didn't believe in it and she put in her mind the fortune teller predicted will never...