Kabanata 3

3 1 0
                                    

"Umayos ka nga" inis na singhal ko sa binatang kanina pa ako ginugulo.

"Ayos? Paano yun, paturo nga" pang-iinis niya.

Huminga nalang ako ng malalim bago ipinagpatuloy ang paglilinis ng mga muwebles. Kahapon ang ganda ng naging pakiramdam ko ng umalis ako dahil nakita ko si ina na may malay na. Nakita ko ang ngiti niya na nagpapahiwatig na ayos lang siya ngunit alam kong hindi pa. Bukas na ang operasyon niya. Kinakabahan ako ngunit alam kong malalampasan din namin ito at gagaling si ina. Makakayanan niya ang operasyon at aalis kami sa ospital na may ngiti sa mukha at masayang magkukwentuhan, aalis kami doon na magaling na siya at wala ng iniindang karamdaman.

Kaninang umaga ay maayos ang gising ko. May ngiti sa labi ko habang patungo sa mansyon ng mga Samonte. Ang ilang oras na pananatili at paglilinis ko sa loob ng mansyon ay naging maayos hanggang sa dumating ang nakakainis na binatang nasa tabi ko ngayon at ginugulo ako.

Tinignan ko siya na nanlilisik ang mga mata. "Gusto mo ba talaga tuluyan ko ang iyong pagkalalaki?" tanong ko.

Bumaba ang tingin niya sa kanyang pagkalalaki at agad tinakpan iyon bago tumingin ng masama sa akin.

"You really are so dangerous" hindi ko maintindihan na sinabi niya.

Tumalikod na ako at akmang aalis na ng marinig ang tawag niya.

"Hindi ka pa tapos maglinis, madam" rinig kong sabi niya.

Inis akong humarap at sa hindi inaasahang pangyayari ay natabig ko ang plorera. Nanlaki ang mga mata ko habang nakatingin dito na ilang segundo nalang ay babagsak na sa sahig na lilikha ng ingay.

"Lagot ka" itinaas niya ang kanyang hintuturo at ginalaw iyon ng pasulong.

Napaluhod ako sa nabasag na plorera at dinampot ang mga nabasag na bahagi niyon. Sigurado akong magkano din ang plorerang ito, paano na? Kailangan ko na ng pera para ipambayad sa operasyon ni ina.

Habang pinupulot ang mga nabasag na piraso naramdaman ko ang isang likido na tumulo sa aking mga kamay.

"H-hoy, don't cry!" narinig kong sabi niya.

Nakita kong lumuhod din siya at tinulungan ako. Sa paraan ng paggalaw niya ay parang natataranta siya.

"Anong nangyari dito?"

Tila nanigas ang katawan ko ng marinig ang striktong boses ni Ginang Samonte. Naramdaman kong lumapit siya at inusisa kung ano ang nangyari.

"Tumayo kayo!" buong lakas na sigaw niya at halata dito ang galit.

Pinahid ko ang luha ko at tumayo. Tumayo din ang binata na hindi ko alam ang pangalan. Kinakabahan ako, paano kung hindi ako swelduhan ni Ginang Samonte dahil sa nangyari? Paano na si ina?

"Sino ang may gawa nito?!" mariin akong napapikit ng marinig ang kayang boses.

Ramdam ko ang panginginig ng aking mga kamay maging ang bilis ng pagtibok ng puso ko. Huminga ako ng malalim at pilit na pinatatag ang loob ko.

Handa na ko kung ano man ang magiging parusa. Hahanap nalang akon ng iba pang trabaho para ipang-bayad dito.

"Ak-"

"Ako po,"

Natigilan ako at lumingon sa katabi ko na nakakunot ang noo. Anong ginagawa mo?

Ngunit imbis na bawiin ang kanyang sinabi itinuloy niya ang kanyang sasabihin.

"Nabangga ko po, naglalakad ho kasi ako ng madulas kaya ayun, nabangga ko" simpleng paliwanag niya.

Tumalim ang titig sa kanya ni Ginang Samonte. "Alam mo naman siguro ang kabayaran sa nangyari diba?" tanong nito na ipinapaalala ang patakaran bago pumasok na alipin sa mansyon.

Timeless Love Where stories live. Discover now