Kahapon ay umuwi ako na basang-basa at sa kabutihang palad ay natapos ko ang aking paglalaba. Tinulungan ako ni Kael pagkatapos. Ngunit ng umuwi ako hindi ko na alam ang gagawin lalo na ng tinanong ako ni ina.
"Isabelle anong nangyari sayo?!" alalang tanong nito ng makita akong papasok ng bahay.
"Ah, wa-"
"Isabelle nahulog ka nanaman ba?" pagputol nito sa aking sasabihin at lumapit sa akin.
Nagsimula ng inspeksyunin ni ina ang aking katawan.
"Ina ayos lang ako"
Tumigil ito ngunit halata pa rin ang pag-aalala sa mga mata nito.
"Ano bang nangyari bakit basang-basa ka?"
Natigilan ako sa tanong ni ina ngunit agad ding nakahagilap ng sagot kaya naiilang akong tumawa.
"Ah ina, kase yung isang damit po.." natigilan ako at agad na nag-isip ng idudugtong sa aking palusot. "Inagos tama inagos kaya kinailangan kong habulin ngunit sa kasamaang palad.." ang hirap namang mag-isip ng palusot. "Natapilok po ako? Natapilok ako kaya nahulog ako sa malalim na bahagi" agad akong ngumiti ng malaki ng matapos.
Tumango si ina na mukha namang kumbinsido sa isinagot ko.
"Oh siya sige magbihis ka na baka ginawin ka" tanging sabi nito at nagtungo na sa kwarto.
Agad akong nagbihis pagkatapos ng tagpong iyon namin ni ina at ng sumapit ang gabi hindi ako nakatulog.
Patuloy akong binabagabag ng nangyari sa amin ni Kael sa batis at hindi pa din nawawala ang init ng kanyang hininga sa aking balikat dahil sa pagsasalita niya noon.
Umiling na lamang ako at tumayo na sa kama. Nagtungo si ina sa pamilihan at kakaalis niya pa lang kaya sigurado akong matatagalan pa itong bumalik.
Nang makalabas na sa kwarto kinuha ko ang walis. Maglilinis na lamang ako ng aming tahanan upang may magawa din ako.
Nang matapos naupo ako sa upuan at sumandal. Napatingin ako sa orasan at malapit ng dumapit hapon. Napasawalang-bahala na lamang ako at pumikit.
Nagising ako dahil sa isang ingay. Kalansing ng kawali at amoy ng masarap na ulam. Humihikab akong tumayo.
"Gising ka na pala, Isabelle"
Nandito na pala si ina. Kinusot ko ang aking mga mata.
"Ina sandali lang po magtutungo lang ako sa ilog"
"Sige, mamaya ay susunduin na lamang kita"
Tumango ako at naglakad na palabas ng bahay. Gaya ng dati madilim patungo sa ilog ngunit salamat sa ilaw ng buwan kahit papaano'y nakikita ko ang daan. Nang narating ko na ito naupo ako sa damo at pinagmasdan ang ilog.
Maganda pa rin ito lalo na kapag gabi dahil sa ilaw ng buwan na animo'y nakikipag-usap sa ilog. Ngumiti ako at tumayo. Nagsayaw ako na tila ba nasa isang pagdiriwang.
Bawat tinig at bawat padampi ng malamig na hangin sa aking balat ay aking ninanamnam dahilan para mapapikit ako habang sumasayaw ng mabini.
Sa aking imahinasyon naramdaman kong may humawak sa aking kamay at isinasayaw na ako. Kumunot ang aking noo dahil parang totoo ito ngunit hindi ko na lamang ito pinansin.
Sumabay sa ritmo ng aking katawan ang nakikipag-sayaw sa akin kaya napangiti na lamang ako. Dahan-dahan akong inikot nito na tila ba isang prinsipe na nakikipag-sayaw sa kanyang prinsesa.
"Hindi ko inaasahan na naging makikita ko ang isang marikit na nagsasayaw sa gitna ng ilog"
Nang makarinig ng nagsalita agad akong nagmulat at agad ding bumitiw sa pagkakahawak nito.
"Sino ka?" tanong ko at bahagyang lumayo.
Isang lalaking kasing edad ko lang ang nasa aking harapan. Halatang maganda ang pangangatawan nito lalo na at nakasuot ito ng manipis na kamiseta. Kulay itim ang kanyang buhok at ganon na rin ang kanyang mga mata.
Ngumisi ito at inilagay ang magkabilang kamay sa bulsa.
"Hindi ba dapat maligayang pagbabalik ang sabihin mo sa akin?" nakangisi nitong tanong. "Isabelle,"
Bumilis ang tibok ng puso ko habang nakatingin sa kanya at kapagkuwan lumapit ako rito at niyakap ito ng mahigpit.
"Ikaw pala yan, Antonio" masaya kong sabi at kumalas na sa pagkakayakap.
Bahagya itong tumawa. "Akala ko'y hindi mo na ako makikilala" natatawa nitong sabi.
"Nag-iba na ang Antonio noon at ngayon" napailing na lamang ako habang inaalala ang Antonio na madungis at laging may sugat dahil sa kakulitan noon.
Naupo kami sa dumahan at masayang tinanaw ang ilog ng magkasama. Nagkwentuhan kami tungkol sa mga bagay-bagay, inalala ang mga nakaraan na magkasama pa kami, nagtuksuhan at nagtawanan. Masaya ang naging bawat oras na kakwentuhan ko siya hanggang sa napagdesisyunan ko na mag-yaya ng umuwi.
"Tara, at maghapunan sa aming tahanan" yaya ko sa kanya.
Agad itong tumango. "Gusto ko ng matikman muli ang masarap na luto ni Ginang Julia" sabik nitong sabi at nauna pang maglakad.
Napapailing akong tumawa at sumunod na sa kanya. Nang marating namin ang tahanan gulat akong napatingin sa lamesa dahil punong-puno ito ng pagkain na animo'y may pista.
"Ina, may pagdiriwang ho ba?" tanong ko at nagtungo na sa upuan.
"Mayroon Isabelle" napadako ang tingin nito kay Antonio na naupo na din sa aking tabi. "Ang pagdating ni Antonio" ngumiti ito.
"Maraming salamat po Ginang Julia sa handang ito," nahihiyang pagpapasalamat ni Antonio.
Nag-usap sila ina habang ako ay nagsimula ng kumain. Naging maayos naman ang naging pag-uusap nila hanggang sa may hindi ako inaasahang malaman.
"Antonio, bakit ka nga ba nagbalik dito sa maliit nating baryo?" tanong ni ina at sumubo ng pagkain.
Natigilan ako at ibinaba ang kubyertos. Mukhang interesante ito.
"Oo nga Antonio, maganda na ang buhay mo sa amerika bakit ka pa nagbalik?" pag-sang ayon ko kay ina.
Ngumiti ito sa akin at ganon na din kay ina.
"Nais ko pong tuparin ang ipinangako ko" simple nitong sabi.
Kumunot ang noo ko ngunit si ina ay sa hindi malamang dahilan ngumiti.
"Pwes ngayon pa lang ay payag na ako" sabi ni ina at marahang tinapik ang balikat ni Antonio.
"Magandang balita ito" masayang sabi ni Antonio.
Nagpabalik-balik ang tingin ko sa kanila at halatang gulo at lito sa kung ano man ang pinag-uusapan nila.
"Ina, mawalang-galang na po pero ano po ang inyong pinag-uusapan?" hindi ko na napigilan ang sariling sumingit sa usapan.
Parehas silang napalingon sa akin.
"Isabelle, nagbalik ako upang tuparin ang pangako ko" hinawakan niya ang kamay ko na labis kong ikinagulat. "Tutuparin ko na ang pangakong pakasalan ka at iharap sa altar"
~~~
YOU ARE READING
Timeless Love
Historical FictionWhen Isabelle stepped out of the church for her to go home a known fortune teller called her. She predict an impossible event Isabelle never knew would happen. She didn't believe in it and she put in her mind the fortune teller predicted will never...